You are on page 1of 12

Si Pongat ang tropa ng mga Kawatan sa Laoang

Geramy B. Espina
July 2, 2014
Congratulations!
Masayang naghiyawan ang buong batch matapos naming ibalibag sa ere ang aming mga
itim na cap. Tapos na ang commencement exercise. Successfully kicked out na kami sa
Pamantasang ito.
Hehe Langya! Kwarenta tayong bagong salta noon sa batch pero 18 na lang tayo
ngayong nakaitim! Hahaha Burat na ang utak ko, sa bahay tayooo! Sigaw ni Mark
habang nagpapagewang- gewang sa kalye. Bestfriend ko yan, at kanina pa yan
pasimpleng lumalagok ng alak habang nag-e speech yung tukmol naming guest speaker.
Ganun talaga tol, hindi lahat siniswerte... sagot ko.
Shet! seryoso ka niyan, Jobert? Gradweyt na tayo, tol. GRADWEYT! Paki ko sa mga
ex-classmates natin... Haha deserve natin tong diploma dahil nagpauto tayo sa loob ng
limang taon di gaya nila... Haha, sa bahay hoy! sabay angkla niya ng kaliwang braso sa
akin.
Napailing na lang ako. Pero sa loob- loob ko, tumango ako kay Mark. Tama, limang taon
din kaming bumaluktot para maging Engineer. Sabihin na nating di pa kami lisensiyado,
ganun din yun.
Katulad ng inaasahan, kina Mark na kami tumuloy. Langya, ang lakas mang-imbita ng
gago e wala naman pala kaming maabutan sa kanila. As usual, tila abandonadong bahay
ang tinuluyan namin. Broken family kasi sila. Yung Erpat,nasa kabit. Yung Ermat naman,
may ka-live in. Miminsan na lang bumisita ang mga yun kay Mark dito sa bahay nila kaya
madalas kaming tropa ang naglulungga dito.
Pagpasok namin sa bahay, naupo na lang ako sa couch sa sala nila. Teka, nasabi ko na
bang once a year lang si Mark maglinis ng bahay? Beer? tanong ni Mark habang
niluluwagan ang kwelyo ng polo niya.

Ngumisi ako habang nakapatong ang dalawang paa sa glass table nilang may tambak
pa ng mga upos ng sigarilyo. Gatungan mo ko, Tol. Full session tayo.
Wala kaming ibang kasama ni Mark nung gabing iyon. Kami lang kasi ang magkaklase
sa tropa. O mas madaling sabihing, kami lang talaga ang nag-aaral sa limang
magbabarkadaay apat na lang pala. Deads na kasi si Pong... Tukmol kasi. Bale ako
(Jobert), Mark, Kevin, at Nick na lang ang nagsesession.
Wala sila Kevin at Nick... Busy raw. Salubong ko kay Mark nung naupo na siya sa
sahig.
Tss... Kung kelan nagbunga na mga katarantaduhan natin, saka sila wala... bulong ni
Mark.
Minsan lang magseryoso sa lahat ng bagay si Mark kaya alam kong malungkot talaga
siya sa oras na ito.
Ano ka ba? Andito ako, tol. Dugyot ka. Sabay tapik ko sa balikat niya. Napaangat siya
ng tingin sa akin saka ngumiti ng kaunti.

Mabuti na lang, Tol. Sino mag-aakala na aabot tayo dito, ano? Haha sabi ni Mark.
Napangiti rin ako. Bigla kong naalala lahat ng kademonyuhan namin nung kasagsagan
ng pag-aaral namin. Naalala ko yung pinakaunang araw na dumiskarte ako para lang
mapasakan ng examination permit ang bunganga nung professor naming mukhang hito
noong walang-wala kami.

Lahat ng alaala bumalik sa akin. Yung gabing iyon, sa madilim na eskinita ng Brgy. Sto
Nio.

HINUGOT NA SIMULA SA DI-MALAMANG KAPUNYETAHAN

Mr. Cavelo, OUT!


Sabay turo ni Hudaseste Prof. Jude Dasim sa pintuan ng classroom. Shet, Midterm na
kasi ngayon kaso wala akong datong pan-tuition.
Sir naman! Please... Walang- wala ako... Alam mo naman pong wala na si Tatay, deads
na. Si Nay naman nalunod na sa nilalabhan niya, wala akong sponsor... paliwanag ko.
Malaking bagay para sa akin ang ginagawa ko ngayon. Minsan lang ako magmakaawa.
Ma-pride akong tao kahit pa sabihing brief lang ang kayamanan ko sa katawan.
OUT! sigaw ng Prof.
Sir, sige nama
OOOOUUUUTT!
Poota, e di out! Tukmol ka! hirit ko. Naman! Di umubra powers ko sa Prof. na ito.
Nasa labas na ako ng classroom nang sunod na tawagin si Mark. Napangisi ako, alam
ko kasing wala rin siyang permit. Sa libre at awa ng mga kaibigan nabubuhay ang gagong
yan e.
Sir, yes sir! Sigaw ni Mark sabay saludo. Langya, nagawa pang asarin yung Prof namin.
Oh. Bati ko sa kanya sabay abot ng sinindihang sigarilyo.
Tara? Nagsimula nang maglakad si Mark sa pasilyo. Nasa likod lang niya ako. Di
katulad ng dati naming paglalakad sa lugar na ito, pareho kaming tahimikmalalim ang
iniisip. Naalala ko yung sinabi ni Pong kagabi habang nagdi- D Session kami... Tama,
checkmate na ako. No choice na talaga.
Tol, wag kang mag-isip, wala kang utak. Usal ni Mark habang tumatabi sa akin sa
paglalakad. Alam kong pinipilit niyang ibalik ang normal na kamimasaya lang, pero
ewan ko. Ako mismo ay nilalamon ng mga problema.
Ngumiti na lang ako kay Mark saka nagsalita. Tara kina Pong.

Hahahahahahhahahahahhahaha
Hoy! Akin na yan Nick! Hudas ka!
Hahahahahaha Share share lang tayo mga gago! Short tayo ngayon...

Tulad ng dati, napuno ng walang kwentang tawanan at usapan ang malungkot na bahay
ni Mark. Oo malungkot. Abnormal kasi pamilya nila, pati si Mark. Nakakapagtakang kahit
minsan ay hindi kami naubusan ng tinatawanan gayong full of shit na ang mga buhay
namin.
Tol, ayoko na. Usal ni Mark sa pagitan ng mga malulutong naming halakhak.
Napatahimik kami. Alam kong hindi alak ang tinutukoy niya.
Ano ka ba, Tol. Bakla? Langya, di bagay sayo! Tawa ka pa. Pagalit na sabi ni Kevin.
Si Kevin, bagong laya yan sa Police Jail, kahapon lang. Umiral na naman kasi ang pangaalbor, yung tipong manghahablot ng kahit na anong bagay na trip niyang i-trade sa Divi.
E sa ayoko na e! Nakakasawa na... Lagi na lang... Lagi na... Pasimpleng pinunasan ni
Mark ng kanyang Tshirt ang kanyang mata. Doon na pupunta ang usapan, alam ko.
Sumalampak kaming tatlo sa sahig malapit kay Mark. Eto na, usapang heart-to-heart
kumbaga. Ang kaibhan lang, walang mga lablayp kaming mga ungas.
Potek... Mga Tol, ni-raid na naman ang lungga namin ni Tay... Nakulimbat lahat... Si
Tay nga di nakaligtas, ayun nadagit ng mga Parak. Wala kaming savings, idedeliver pa
sana namin yung mga yun e... Paano na si Tay? Olats ako ngayon... Nakayukong sabi
ni Nick.
Eh ako nga pinalayas na sa impyerno eh. Langya, Banned na ako sa bahay... Wala na
raw silang anak na gwapong tukmol na katulad ko... Heaven na lang ang pag-asa ko...
Makapag-Quiapo nga minsan... Kwento ni Kevin sabay tungga ng nakatokang shot sa
kanya. ikaw naman, Pong.
Ako? Hehe Umayos ng upo si Pong. Napatingin kaming tatlo sa kanya. Sa ganitong
mga usapan, madalas na tahimik lang siyaHindi nagkukwento, hindi naglalabas ng

sama ng loob. Smooth sailing lang Tol... Saktong fucked up lang ang life. Haha. Nilagok
niya ang natitirang alak sa bote.
Umulit pa kami ng isang full round...At nasundan pa ito ng nasundan hanggang sa maging
wasted ang kahuli-hulihang tubo ng aming mga bituka.
SHEEEET, ayokong tumigil sa pag-aaral! Gusto kong yumaman! Gusto kong maging
Milyonaryo! Sheeet lang mga Tol, si Prof. Hudas lang ang hadlang... Patayin si Hudas!
Sigaw ko habang itinataas ang baso. Natapik naman ito ni Mark kaya nasabuyan kaming
apat ng alak sa mukha.
Dukyot ka, Mark! Sigaw ni Nick. Sinuntok ni Kevin sa balikat si Mark bilang ganti.
Tumawa na lang ako.
Maraming nauuhaw sa mundo, Mark! Ungas ka! Suway ni Pong.
Sa huli, napagdesisyunan na sosolusyunan naming apat ang lahat ng problema ngayong
gabiisang bagsakan lang. Ang Plano, full operation ng pamosong gang sa banal na
kalsada ng Commonwealth.
Mangkano na, Mark? Hingal na tanong ni Pong, lider ng operasyon.
12K, 4 na selpontatskrin lahat, 2 laptop, at 12 wallet, sagana sa atm, Pong!
Propesyunan na balita ni Mark.
Problem solved na yung kay Mark at Jobert... Nakangiting sabi ni Pong sa amin habang
nakaupo kami sa sidewalk. Katatapos lang naming loobin ang tatlong malalaking mansion
dito.
Hindi ko alam kung sa anong kabaklaan ang sumapi sa akin pero sinalubong ko ng
mahihigpit na yakap at halik sa pisngi sina Pong, Nick at Kevin. Sa wakas! Makakakuha
na rin kami ni Mark ng exam...
Ahahahahahha. Sabi na eh, duda talaga ako sa junior ni Jobert. Hahahahha Sigaw ni
Mark. Maluha-luha na siya nun. Overwhelmed? Ewan.
Hoy, Jobert! Maghunos-dili ka. Putek! Nandidiring sabi ni Pong sabay tulak sa akin
papalayo. Napangisi na lang ang ibang tukmol sa paligid. Nagpatuloy kami ng operasyon

sa buong magdamag. Alas Kwatro na ng umaga ng magbitaw ang loko-lokong si Mark


ng linyang, MISSION ACCOMPLISHED, JAMES BONDS!
Totoo nga. Napagpiyansa ni Nick yung Erpat niya. Si Kevin naman, nakitira na lang kay
Mark. Si Pong, ewan ko basta nanghingi lang ng komisyon niya tapos sumibat na habang
kami ni Mark ay nakapag-take ng exams.
Wohooooo! Flat 3 ako, Tol. Ang talino ko!!! Masayang bati sa akin ni Mark habang
nagwawala sa gitna ng hallway. Dali, kunin mo na yung sayo, Tol!
Pumasok ako sa Faculty para hanapin ang mga Prof namin. Shet, daig ko pa
sinisintensiyahan nito.
PAAAAAAAKYU! Ungas ka Jobert! Sakim ka! Pakyu tagos sa itlog mo, Tol. Reklamo
ni Mark nung makita niya ang nagmumurang 2.5 na grado ko.
Ahahahahaha... Oks lang yan, Tol. Hahahahahha tinatapik- tapik ko ang balikat niya
pero ayaw talagang magpaamo ng gago. Ang lakas magpaka-competitive gayong sinlaki
lang ng ipot ng ipis ang utak.
Tukmol ka, Jobert... Sabay tayo pumapasok, nagrereview, lahat-lahat! Tapos
malalamangan mo ako? Daya mo,pakshet ka!
Sa huli, nauwi rin kami sa D- session kina Mark kasama ang tropa. Pero pagkatapos ng
gabing yun, naging abala na kaming lahat. Madalang na lang kami magkita- kita
maliban na lang tuwing may operasyon ang gang. Nagpaulit-ulit kami ng gawain
hanggang sa mairaos namin ang 5 na taon sa pag-aaral...
Ngunit sinong mag-aakalang na sa isang tipikal na operasyon ng gang nadali si Pong?

KATAWAN AT LAMAN NG NAKAKATAMOD NA KAWALANGHIYAAN

Takbooooooooo! Sigaw ni Pong matapos umalingawngaw ang security ng kahulihulihang mansion na dinali ng gang. Kung minamalas ka nga naman.

Prrrrrrrt. Pumito ang isang Sekyu na naging hudyat para makipagkarera kami sa limang
bantay sa kahabaan ng Kalye.
Maghiwa-hiwalay tayo! Sigaw ni Pong.
Wag! Tutol ko. Ako ang kawawa nito, mahina ako sa takbuhan.
Gago! Tayo ang magkasama! Di kita iiwan... sabi ni Pong saka niya sinenyasan sina
Mark, Nick at Kevin na pumunta sa iba-ibang direksyon ng crossway.
Takbo, Tol! Utos ni Pong sabay lingon sa akin.
O-Oo.... Oo Tol.... Papikit-pikit kong tango sa kanya. Pero sa loob-loob ko, mga ilang
hakbang na lang ang kakayanin ng baga ko.
Putang ina mo, Jobert! Wag kang tumigil! Hinablot ni Pong ang laylayan ng damit ko
saka niya ako kinaladkad sa pagtakbo. Bimibigat na ang mga hakbang ko. Sa likod ng
utak ko, tanggap ko nang makukulong na ako. Pero hindi si Pong, inaaalalayan pa rin
niya ako.
Tigil sabi! Sigaw nung nakasunod na Sekyu sa amin.
Pong, dito na lang ako. Tumakbo ka na! Pinipilit kong makawala kay Pong. Pabigat na
lang ako sa kanya.
Ayoko, Tol.
Pong naman...
Ayoko sabi! Nagpatuloy kami sa pagtakbo.

BAAANG!

Shet, nabuhay lahat ng ugat ko nung magpaputok na yung Sekyu na nasa likod namin.
Pag ganito, alam kong hindi kami titigilan talaga nito.

Pong, magpapahuli na lang ako... Tumakbo ka na. Babarilin tayo nito! Awat ko kay
Pong.
Gago ka! May Exam pa kayo ni Mark bukas! Tumakbo ka!
Umabot na kami sa kabilang dulo ni Pong. Pareho kaming lupaypay na. Pero wala sa
bukabularyo ni Pong ang sumuko... At nalulungkot ako dahil doon.
Jobert, para sa inyo ni Mark to... Di bale na kamiako... Kailangan makatapos kayo...
Usal ni Pong habang unti-unting bumabagal ang aming takbo... Wala na, dead end na.
Pong! Hinuhugot ko ang braso ni Pong. Sa di-kalayuan, nakikita ko na ang apat na
Sekyu na sasalubong sa amin.
Tol, easy ka lang... Dito ka sa likod...
Pong... Sumuko na lang tayo... Ibigay na lang natin ang mga nakulimbat natin sa
kanila... maluha-luha kong sabi kay Pong. Galit si Pong, galit din ang mga Sekyu...May
hawak na Kutsilyo si Pong, may mga baril naman sila...May sakit ang nag-iisa at ulilang
kapatid ni Pong...Nasa ospital ito ngayon, kelangan nang operahan sa puso...
Lumingon sa akin si Pong. Nakatitig ang kanyang galit na mga mata sa akin. Desperado
na siya, ako rinkaming apat.
Bibilang ako,Tol... Tapos tatakbo tayo. Bulong ni Pong habang marahan kaming
naglalakad papalapit na mga sekyu. Pareho kaming nag-iipon ng lakas... ng hininga.

Taaaaakbooooo! Sigaw ni Pong saka ako kumaripas sa kung saan mang inespaltong
daan ako tangayin ng aking mga paa.

Nagkahiwalay kami ni Pong. Pero nasa akin ang bag na may laman ng lahat ng
nakulimbat ng gang.

Inaalala ko sila.

Inaalala ko si Pong.

Bang!
Bang!
Bang!

Sandaling napatigil ang mundo ko sa sunod-sunod na mga putok. Huli na ng mamalayan


kong inaakay na pala ako nila Mark pabalik sa abandonadong bahay. Nakarating kaming
apat na ligtas, ngunit lutang. Nilagay ko sa malaking lamesa ang lahat ng laman ng bag
para suriin kung ano-ano ang pwedeng mapagkakitaanngunit wala ni isa sa amin ang
nangahas na kumuha, di katulad dati na nag-aagawan pa.

Alas dos...
Alas tres...
Alas Kwatro...
Alas kwatro na ng umaga. Oras na sana ng uwian namin. Pero narito pa rin kaming apat,
nag-aantay sa isa naming kasama.

Mr. Cavelo and Mr. Maora, permit?


Blangkong mukha ng Prof ang sumalubong sa amin ni Mark pagpasok namin sa
classroom. Pero di katulad dati na mapapangisi kaming dalawa, sinuklian din namin ito
ng blangkong titig habang inaabot sa kanya ang aming mga examination permit. Ah, Prof.
yan yung bunga ng magdamag naming pagpapaka-tarantado, alam mo yun?

Dun kayo sa last row. ONE SEAT APART! pagalit na paalala sa amin habang nilalakad
namin ang nalalabing distansiya ng mga upuang isinumpa sa amin ni Mark. Sa oras na
ito, wala akong pakialam sa madugong exam na di ko man lang pinag-reviewhan... At
alam kong ganun din si Mark... Iisa lamang ang inaalala naminsi Pong.

Lutang lang kaming naglakad ni Mark pauwi sa bahay niya. Hindi ko alam kung ano ang
nararamdaman ko at hindi ko rin alam kung paano ko pakikiramdaman ang lahat ng
nangyayari sa paligid ko.
Ilang metro pa ang layo namin mula sa bahay nila nang makita namin sina Kevin at Nick
na nag-uusap sa labas ng bahay. Napabalik nila sa mundo ang utak ko.
Mga Tol, yung kapatid ni Pong... Ilalabas na daw muna nila sa Operation Room...Hindi
pa kasi natin nababayaran yung para sa operasyon sa puso... Tol, wala silang pakialam
kahit pipti-pipti na... Tol... Usal ni Nick. Si Kevin naman nakatingin lang sa taas, sa langit.
Putang inang mga doktor yan! Walang konsiderasyon! Mamatay na sila! sigaw ni Mark
sabay sipa sa giba-gibang trangkahan nila.
Tol, paano nato... Wag nating pababayaan ang kapatid ni Pong... Si Pong... Mahina
kong sabi. Sa ganitong sitwasyon, kahit ang pinakagago sa amin ay manlulumo.

KUNG PAANO NATAPOS ANG LAHAT... ANONG KLASENG MURA PA KAYA ANG
HINDI KO NAGAGAMIT?

Tol... Pasensiya na... Ayaw sana naming ipaalam sayo... Dumiskarte na kami kagabi
kaso kulang pa rin... Di aabot sa gusto ng Ospital... Paulit-ulit kong sabi kay Pong.
Binisita namin siya ngayong araw. Dapat sana papyansahan namin siya kaso ayaw
niyang mabawasan ang pera para sa kapatid niya.
Kumusta siya, Tol? Seryosong tanong ni Pong.

Ayos lang naman si pinutol niya ako.


Yung totoo, Jobert? pagmamakaawa ni Pong habang nakatitig sa akin.
Malala na, Tol. Mamayang gabi na ang schedule niya... Kung di daw tayo aabot, malabo
na, Tol... Malabo na. Tiim-bagang na sabi ni Kevin. Sa mga oras na ito, napapahanga
ako sa pagka-prangka ng gagong ito.
Tumahimik si Pong, ganun din kami. Lumipas ng ilang oras nang wala man lang umiimik
sa amin.
Tapos na ang visitation hour... Alis na. Taboy sa amin nung Parak na nagbabantay kay
Pong.
Nakapagtataka, tumango lang kaming apat habang si Pong ay agad na tumayo at
pumasok na sa selda. Umuwi kami sa aming kanya-kanyang bahay nang gabing iyon...
Sandaling kinalimutan lahat ng kapunyetahan sa paligid maliban kay Pong at sa kapatid
niya.
Kinaumagahan. Habang dahan-dahan kong ninanamnam ang tinimpla kong isang tasang
kape na pinagkaitan ng tamang dami ng asukal, nagulantang ako sa balitang pumutok
sa Tv.

Isang Preso tumakas, nanghostage ng mga Doctor sa Ospital ng Laoang para


sapilitang operahan ang isang pasyente na nag-aagaw-buhay. Umabot ng dalawang oras
ang hostage-taking habang inooperahan ang pasyenteng nakilala bilang kapatid ng
nang-hostage ngunit hindi naging matagumpay ang operasyon na naging sanhi ng
pagkamatay ng 12-anyos na batang pasyente. Nakipagpalitan ng putok ang kriminal
hanggang sa mabaril at mapatay ito ng mga rumespondeng pulis. Sa ngayon ay ligtas na
ang mga Doktor...

Agad akong sumibat para puntahan ang tropa sa imperynong lungaan ni Mark. Tulad ko,
naabutan ko silang tatlo sa iisang emosyonHindi makapaniwala... Hindi pa rin
naniniwala.
Gustuhin man naming bisitahin si Pong. Gustuhin man naming pakyuhan ang
pagmumukha niyang wasak, hindi namin magawa dahil sa pagkakakilanlan sa aming
grupo. Isa- isa kaming hinunting... Isa-isa kaming hinanap na parang mga putang-inang
tulisan na nagkasala sa sanlibutan.

Sa madaling salita, naghiwa-hiwalay na kaming mga gago...

HAGOD SA KASALUKUYAN NG MGA BURAT NAMING NAKARAAN

Tol, ano na tayo ngayon? Naputol ang pag-aalala ko sa nakaraan nang bahagyang
tapikin ako ni Mark. Maghihiwalay na rin ba tayo?
Nginitian ko na lang siya. Ang totoo ay hindi ko rin alam.
Jobert, ano kaya kung bisitahin natin si Nick at Kevin sa Provincial Jail sa Laoang? Tapos
dumiretso na tayo kay Pong at sa kapatid niya sa Kamposanto? Ano sa tingin mo, Tol?
Tanong sa akin ni Mark.
Tumungga na lang ako ng isang punong baso ng alak saka humithit ng sigarilyo para
punuin ng banal na usok ang mga baga ko.
GRADUATE NA NGA KAMI, sa wakas. Ngunit pagkatapos nitong gabi, hindi ko na alam
kung anong gagawin ko.

You might also like