You are on page 1of 25

PAGSUSULIT NA MAY

PINAGPIPILIAN
(Multiple Choice)
Tagapag-ulat: Flores, Russell Jade V.

PAGSUSULIT NA MAY PINAGPIPILIAN


Ang pagsusulit na may pinagpipiliang sagot o
multiple choice ay binubuo ng dalawang bahagi:
1. Ang stem o bahagi ng item na nagpapahayag ng
suliranin
2. Ang opsyon o mga pamimiliang sagot.

Pangungusap na hindi tapos


Sa kwentong papel, nawalan ng bait si Tay Soon sapagkat
_______________.
a. Nawala ang kanyang anak
b. Naubos ang kanilang pera
c. Nasunog ang kanilang bahay
d. Iniwan siya ng kanyang asawa

Pangungusap na may puwang


Ang ____________ ay naglalarawan ng pangngalan at
panghalip.
a. Pandiwa
b. Pang-angkop
c. Pang-abay
d. Pang-uri

Pangungusap na buo
Halimbawa:
Ang bahagi ng pananalita na naglalarawan sa
pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
a. Pang-abay
b. Panghalip
c. Pang-uri
d. Pangatnig

Pangungusap na nagtatanong
Ano ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos?
a)

Pang-angkop

b) Pandiwa
c)

Pang-abay

d) Pangngalan

SIMULAING DAPAT ISAALANGALANG SA PAGBUO NG


PAGSUSULIT NA MAY
PAGPIPLIANG SAGOT

Ang stem
Ang pangunahing layunin ng aytem ay
mailahad sa kumukuha ng pagsusulit ang
suliranin ng aytem. Dapat magong maikli
ngunit malinaw ang stem. Iwasan ang
paggamit ng maliligoy na mga salita.

Halimbawa
Halimbawa:
May tindahan si Aling Nene. Kahapon na pansin
niyang wala ng asukal sa tindahan. Kaya pumunta
siya sa palengke at ______ ng asukal.

Pinabuti: _____ ng asukal si Aling Nene kahapon.

Iwasan ang pag-uulit sa mga opsyonng mga salitang


maaaring ilagay sa stem.

Halimbawa:
Masaya silang nagkukwentuhan __________.
a. Sapagkat pinapanood ang araw
b. Bago pinanonood ang paglubog ng araw
c. Habang pinanonood ang paglubog ng araw
d. Kahit pinanonood ang paglubog ng araw

Pinabuti:
Masaya silang nagkukwentuhan _______
pinanonood ang paglubog ng araw.
a. Sapagkat
b. Bago
c. habang
d. kahit

Isulat ang stem sa anyong positibo. Kung hindi maiiwasan ang anyong negatibo, salungguhitan ang salitang negatibo o di kayay isulat ito sa malalaking titik.

Halimbawa:

Aling salita ang hindi nagalarawan sa batang si Juan.

a.maliit
b.masipag
c.magalang.
d.malinis

Ang mga opsyon

Hanggat maari, gawing halos magkakasing haba


ang mga opsyon. Huwag gawing pinakamahaba o
pinakamaiksi ang wastong sagot. Kung hindi ito
maiiwasan, may mga pardon na maaaring sundin
gaya ng inilahad sa ibaba.

A. ______
B. ______
C. _________
D. _________

A. ____________
B. ______________
C. __________
D.__________
A. _________
B._____________
C.__________
D._____________

A. _____________
B.__________
C.______________
D.___________

A. _______________
B. ___________
C. ________
D. _____

A. _____
B. _______
C. __________
D.______________

Ang mga distractor


Ang mga distraktor ay dapat maging kaakit-akit sa mga sasagot ng
pagsusulit. Dapat tanawin ng mga eksameni na halos tamang lahat ang
mga opsyon.
Halimbawa: Ibinigay ko ang lahat _____ Juan kay Rosa.
a. ng
b. ang
c. ni
d. kay

Hindi

dapat maging mas mahirap ang mga distraktor.

Halimbawa: Kailangan ng ____ para makapasok sa paliparan ng


General Santos.
a.pahinuhod
b.piyakan
c. pahintulot
d.pagtaliwas

Ang tamang sagot


Tiyaking

isa lamang ang tamang sagot

Pag-iba-ibahin
Iwasang

ang position ng tamang sagot

gawing pinakamahaba o pinakamaikli


ang tamang sagot.

Ang buong aytem

Dapat sukatin ng bawat aytem ang layuning kinakatawan nito.

Halimbawa:
Layunin: Nagagamit ng wasto ang mga panghalip na panao.

Si Nena at si Pina ay magkaibigan. ______ ay magagaling na manlalaro.


a. Siya
b. Sina
c. Sila
d. Kami

Ang distractor na Sina ay pwedeng palitan ng Ako.

Iangkop

ang bukabularyo at kayarian ng


aytem sa mga sasagot nito.

Halimbawa:
Napukaw ang kanyang damdamin sa napanood na
pelikula.
a. Namulat
b. Natuwa
c. Nabighani
d. Nagdilim

PAGSUSULIT NA PAGPUNO SA PATLANG

Ito

ay ang pagpuno ng nawawalang


salita o lipon ng mga salita sa isang
pangungusap o talata. Ito ay pagsusulit
na obhektibo na sa halip na pinapapili
ang mag-aaral sa wastong sagot
ayipinabibigay ang tamang sagot.

Halimbawa:
Panuto: Punan ang patlang ng wastong anyo ng pandiwa na
nasa panaklong

Dahan-dahang _____ (lakad) si Ben palabas ng bahay


upang hindi marinig ng kanyang natutulog na tatay.

Mabilis

na ____ (takbo) ang mga estudyante nang marinig


na ang hudyat sa ginagawang Fire Drill.

Talasanggunian:

Badayos,Pacquito B. Metodolohiya sa Pagtuturo ng/ sa Filipino mga Teorya,


Simulain at Estratehiya

Belvez, Paz M. Ang Sining at Agham ng Pagtuturo

http://www.slideshare.net/kareenmae/mga-uri-ng-pagsusulit-ayon-sa-pamamar
aan

Maraming salamat sa pakikinig

You might also like