You are on page 1of 2

Diosdado "Dodie Boy" Peñalosa

Kilala nyo ba kung sinong Pinoy boxer na may kapansanan sa paa ang
kabilang sa listahan ng mga itinuturing pinakamahusay na boksingero sa
Pilipinas matapos sungkitin ang dalawang kampeonato sa magkaibang
debisyon?

Dahil sa polio, naging maigsi ang isang paa ni Dodie Boy Penalosa. Ngunit
ang kanyang kapansanan ay hindi naging hadlang upang makamit ang titulo
bilang kampeon sa IBF Light Flyweight at WBA Flyweight divisions.

Taong 1983 nang makuha ni Penalosa ang bakanteng IBF light flyweight title
matapos mabagsakin si Satoshi Shingaki. Tatlong ulit na matagumpay na
naidepensa ni Penalosa ang kanyang titulo hanggang sa umakyat siya sa
flyweight division.

Taong 1986 nang hamunin ni Penalosa ang WBA flyweight champ na si


Hilario Zapata ng Panama ngunit nabigo ang Pinoy sa unanimous decision.
Pagkaraan ng pitong buwan, muling lumaban si Penalosa at pinatulog si Hi
Sup Shin upang maagaw ang IBF flyweight title.

Ngunit minalas si Penalosa sa unang depensa sa kanyang korona nang


matalo kay Chang Ho Choi at hindi na muling nagkampeon hanggang
magretiro noong 1995. Dahil dito, napabilang si Penalosa sa anim na Pinoy
boxers na naging kampeon sa dalawang magkaibang debisyon.

Ipinasa ni:

Nessa Capiz
IV- Jade
Grace Padaca

 Si Maria Gracia Cielo Magno Padaca ay ang gobernador ng lalawigan


ng Isabella mula 2004. Kilala din siya bilang "Bombo Grace" kaugnay sa
kaniyang pagiging isang tanyag na brodkaster sa istasyon ng radyo - ang Bombo
Radyo sa Cauayan, Isabela. Si Padaca ay nakatanggap din ng isang natatanging
parangal, ang Ramon Magsaysay Award for Government Service noong 2008
dahil sa kaniyang tagumpay sa larangan ng pulitika at serbisyo publiko sa kabila
ng kaniyang pagiging biktima ng sakit na polio.
 Si Grace Padaca ay ipinanganak noong Oktubre 25, 1963 at simula pagkabata
ay biktima na siya ng sakit na polio . Lubhang naapektuhan ang kaniyang mga
binti, at hanggang sa ngayon ay kinakailangan niya ang gumamit ng saklay.

Mga parangal na kanyang nakamit:

 Anchorperson of the Year mula sa Bombo Radyo (1993)


 Nominado sa Ten Outstanding Young Men/Women (TOYM) Award noong
1992 at 1999
 International Women of Courage Award mula kay US Ambassador, Kristie
Kenney noong Disyembre 5, 2007.
 Ramon Magsaysay Award for Government Service noong 2008
 Sa kabila ng kanyang kapansanan sa paa ay hindi ito naging hadlang upang
hindi siya magtagumpay sa larangan ng politika. Naging maunlad ang kanyang
nasasakopan dahil sa kanyang galing at sipag. Hindi alintana sa kanya ang hirap
at sakit dahil sa mga taong nanghuhusga sa kanya. Lagi niyang iniisip na ang
lahat ng bagay sa mundo ay may angkin na galling. Maging mahirap man o
mayaman, normal man o hindi ay pantay – pantay sa mata ng Dios. Ito ang
naging sandigan niya sa problema.

Ipinasa ni:

Ghuellene V. Magalona
IV - JADE

You might also like