You are on page 1of 24

PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN

SA PAGKATUTO (MELC)

Nasusuri ang karahasan sa mga


kalalakihan, kababaihan at LGBT

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
MGA LAYUNIN:
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipapaliwanag ang katatayuan ng kababaihan sa iba’t ibang bansa at
rehiyon
2. Naipapahayag ang katayuan, diskriminasyon at karahasang nararanasan
ng kababaihan sa iba’t ibang bansa at rehiyon
3. Nakapagbibigay ng mga hakbang at solusyon upang maiwasan ang mga
karahasan na nararanasan ng mga kababaihan sa iba’t ibang bansa at
rehiyon

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
10 Week 3-Day 3

ARALING PANLIPUNAN

Ikatlong Markahan- Aralin 3:


KARAHASAN SA MGA LALAKI, KABABAIHAN AT
LGBTQ

TAGAPAGTAGUYOD
TAGAPAGTAGUYOD NGNG KASAYSAYAN
KASAYSAYAN
HERO’S TIME !

Sino ang nasa larawan?

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
HERO’S TIME !
CLARO M. RECTO
(ipinanganak Claro Recto y Mayo ;
Pebrero 8, 1890 – Oktubre 2, 1960) ay
isang Pilipinong politiko, hukom, at
makata. Siya ay naaalala para sa kanyang
nasyonalismo, para sa "epekto ng
kanyang makabayan na paniniwala sa
modernong kaisipang pampulitika", at
nakita sa parehong uri nina Dr. Jose Rizal,
Sen. Jose W. Diokno, at Sen. Lorenzo
Tañada.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
HERO’S TIME !
Si Recto ay isinilang sa Tiaong, Tayabas (ngayon ay kilala bilang
Quezon province), Pilipinas, ng mga edukado, nasa itaas na middle-
class na mga magulang, Claro Recto Sr. ng Rosario, Batangas, at
Micaela Mayo ng Lipa, Batangas. Nag-aral siya ng Latin sa Instituto de
Rizal sa Lipa, Batangas, mula 1900 hanggang 1901. Ipinagpatuloy niya
ang kanyang pag-aaral sa Colegio del Sagrado Corazón ng Don
Sebastián Virrey at natapos ang kanyang sekondaryang edukasyon
noong 1905 sa edad na 15, noong ang mga paaralan ay may mas
kaunting taon sa kumpleto at natapos ng maaga ay karaniwan. Lumipat
siya sa Maynila upang mag-aral sa Ateneo de Manila kung saan tuloy-
tuloy siyang nakakuha ng mga natitirang scholastic grades, nagtapos
ng Bachelor of Arts degree maxima cum laude noong 1909.
Nakatanggap siya ng Masters of Laws degree mula sa Unibersidad ng
Santo Tomás. Kalaunan ay natanggap niya ang kanyang Doctor of
CLARO M. RECTO Laws (Honoris Causa) honorary degree mula sa Central Philippine
University noong 1969.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
HERO’S TIME !
Pinangunahan ni Recto ang kapulungan na
bumalangkas ng Konstitusyon ng Pilipinas noong
1934–35 alinsunod sa mga probisyon ng Tydings–
McDuffie Act at isang paunang hakbang tungo sa
kasarinlan at sariling pamamahala pagkatapos ng 10
taong transisyonal na panahon. Ang Tydings–McDuffie
Act ay isinulat upang palitan ang Hare–Hawes–Cutting
Act na, sa pamamagitan ng paghihimok ni Manuel L.
Quezon, ay tinanggihan ng Senado ng Pilipinas.

CLARO M. RECTO

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
BALITAAN
muna tayo!

n.d. TV Patrol (ABS-CBN/Kapamilya Channel). Accessed December 9, 2021.


https://russel.fandom.com/wiki/TV_Patrol_(ABS-CBN/Kapamilya_Channel).

Maglahad ng komprehensibong
balita sa loob ng 3 minuto.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
BALIK-ARAL

Paano mo bibigyang kahulugan ang konsepto ng karahasan?


Magbigay ng ga sitwasyong kaugnay nito ..

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
PAG-AALIS NG SAGABAL
Pagtambalin ang mga bandila sa ibaba sa mga bansang nagmamay-ari nito.

Zimbabwe

Cameroon

China

Kenya

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Pagganyak:
Panoorin ang movie clip ng pelikulang Fung Shei 1. Sagutin ang mga katanungan sa pagkatapos.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang buod ng kwento?
2. Sino ang antagonist o kalaban sa pelikula?
3. Paano mo ilalarawan ang antagonist o kalaban sa pelikula?
4. Bakit kaya ganoon kaliit ang kanyang paa?

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
VIDEO SURI PART 1
Panuto: Panoorin at unawain ang nilalaman ng video. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang tinatawag na lotus feet?
2. Sino ang karaniwang nagsasagawa nito?
3. Bakit sumasailalim sa proseso ng foot binding ang mga
babaeng Chino?
4. Paano naaapektuhan ng pagkakaroon ng lotus feet ang buhay
ng mga kababaihan sa China noong panahong ito?
5. Maituturing ba itong isang karahasan? Bakit?

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga
babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong
bakal o bubog sa talampakan. Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal o bubog sa
pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng paa nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit na
ibinalot sa buong paa. Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet. Halos
isang milenyong umiral ang tradisyong ito. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa
simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa
pagpapakasal. Subalit dahil sa ang mga kababaihang ito ay may bound feet, nalimitahan ang
kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang pakikisalamuha. Tinanggal ang
ganitong sistema sa China noong 1911 sa panahon ng panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa
di-mabuting dulot ng tradisyong ito.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
VIDEO SURI PART 2
Panuto: Panoorin at unawain ang nilalaman ng video. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Pamprosesong Tanong :

1.Paano isinasagawa ang breast ironing?


2.Sino ang nagsasagawa ng ganitong Gawain?
3.Bakit sumasailalim sa proseso ng breast ironing ang mga
babae sa Cameroon?
4.Paano naaapektuhan ng breast ironing ang buhay ng mga
kababaihan sa Cameroon?
5. Maituturing ba itong isang karahasan? Bakit?

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa
bansang Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito ang pagbabayo o
pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng
bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy. May pananaliksik noong
2006 na nagsasabing 24% ng mga batang babaeng may edad siyam
ay apektado nito. Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang
pagsagsagawa nito ay normal lamang at ang mga dahilan nito ay
upang: maiwasan ang (1) maagang pagbubuntis ng anak; (2)
paghinto sa pag-aaral; at (3) pagkagahasa.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Bukod sa sampung rehiyon ng Cameroon, isinasagawa rin ang breast
ironing o breast flattening sa mga bansang Benin, Chad, Ivory Coast,
Guinea-Bissau, Guinea-Conakry, Kenya, Togo, at Zimbabwe. Bukod sa
pagiging mapanganib ng breast ironing, marami ring kritisismo ang binabato
sa pagsasagawa nito. Ang GIZ (German Development Agency) at RENATA
(Network of Aunties), ay ilan sa mga organisasyong sumusuporta sa
kampanya ng mga batang ina na labanan ang patuloy na pag-iral ng gawaing
ito.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
THINK-PAIR-SHARE 
Tumahimik sandali at isaisip ang mga sumusunod na tanong. Pumili ng kapareha
at maipagpalitan ng ideya sa iyong kapareha. Pagkatapos ay ibahagi sa inyong
kamag-aral ang mga kasagutan.Tatawag ang guro ng 2 pares upang talakayin ang
kanilang kasagutan
 
1. Sa papaanong paraan naisasagawa ng mga sinaunang babae sa China ang foot
binding na nagpapakita ng karahasan sa kanilang bansa? 
2. Sa inyong palagay, ano-ano kayang hakbang ang dapat gawin ng pamahalaan
upang mawakasan na ang karahasan sa kababaihan sa ibat ibang panig ng bansa at
rehiyon? 

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
SPEAK OUT!
Panuto: Sagutin ng buong husay ang katanungan sa ibaba.
 
Bilang isang mag-aaral, ano ang mga solusyon na iyong gagawin
upang maiwasan at tuluyang masolusyunan ang mga karahasan na
nararanasan ng mga kababaihan at maipakita ang kanilang karapatan
bilang mga kababaihan sa kasalukuyan? 

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Tukuyin ang tamang sagot.
1. Pagbabali ng arko sa paa at paglalagay ng benda upang patigilin ang
paglaki nito ay isa sa hirap na dinanas ng mga kababaihan sa Tsina dahil
bukod sa matagal ang proseso nito, talagang masakit ito
2. Proseso ng pagpapaliit o pagpapahinto sa likas na paglaki o pagkabuo ng
dibdib ng babae habang ito ay nasa edad ng pagiging dalagita. 
3. Kontinente kung saan marami ang nagsasagawa ng breast ironing
4. Layunin ng Breast Ironing
5. Layunin ng Foot Binding

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Punan ng tamang salita upang makabuo ng pangungusap.

Nauunawaan ko na….
____________________________________________________________

Nabatid ko na….
____________________________________________________________
 

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Takdang Aralin

Ano ano ang mga palatandaan na ang isang tao ay nakaranas ng karahasan ?

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN

You might also like