You are on page 1of 5

MGA IMUSEÑONG NAG-AMBAG NG KARANGALAN SA ATING

BANSA

Marami-rami rin tayong mga sikat na personalidad na siyang ipinanganak sa Imus,

Cavite. Karaniwan sa kanila ay mga politiko gaya na lamang ni dating Senator Panfilo

Lacson. Isang magiting na heneral ng Imus, si Gen. Pantaleon Garcia at ang huli ay ang

kilalang mang-aawit na si Marcelito Pomoy. Dahil madalas na sila ay nakikita sa

telebisyon at daiglagan, ang mga taong ito ay talaga nga namang may naging epekto sa

ating lipunan.

Panfilo M. Lacson

Unahin natin ang isa sa mga kontrobersiyal na politiko, si Panfilo M. Lacson o

mas kilala bilang Ping Lacson. Siya ay pinanganak noong Hunyo 1, 1948 sa Imus, Cavite.

Naging maingay ang kaniyang pangalan lalo na nang sumabak siya sa kandidatura sa

pagkapangulo noong 2022 ng Setyembre. Isa siya sa mga matagal nang naninilbihan at

kamay-akda ng mga batas gaya ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA

9165), isa din siya sa mga pangunahing may akda ng Reproductive Health Act at ang Sin

Tax Reform Act. Sa ngayon, si Ping Lacson ay isa na lamang dating senador ng

Pilipinas.
News65568.jpg (2250×1561) (inquirer.net)

General Pantaleon Garcia

Dumako naman tayo sa isang pangalang ating laging nababanggit sa paaralan,

ang ating minamahal na General Pantaleon Garcia. Ipinanganak siya noong Hulyo 27,

1856, sa Imus, Cavite. Isa siyang guro na lumipat sa Silang, Cavite upang magturo

noong 1875. Sumali naman siya sa Katipunan noong 1896 at nakipaglaban sa mga

Espanyol noong Pebrero ng 1897 kasama ang tatlumpung iba pang kalalakihang mula

sa Imus. Inatake nila ang mga hukbo ng Espanyol gamit ang mga bolo, baril, punyal, at

mga sibat. Dahil sa pagkapanalo, ginawa siyang koronel, na naging simula ng

matagumpay niyang karera sa militar. Kasa-kasama siya ni Heneral Aguinaldo sa

anumang laban at lakad. Sa kasagsagan ng rehimeng Amerikano, siya ang pinaka-

unang naging pangulo ng munisipyo ng Imus at siya rin ang naging justice of the

peace. Nag-retiro siya sa paninilbihan sa publiko matapos ang termino niya bilang
superintendente o tagapamahala ng isang kolonyang agrikultural sa Cavite. Namatay siya

sa edad na walompung taong gulang noong 1936.

pantaleon_garcia.jpg (960×630) (kahimyang.com)

Marcelito Pomoy

Ngayon, isa sa mga isinilang sa Imus ang isang bituing nagbigay ng maraming

karangalan sa Pilipinas, hindi man siya lumaki sa Imus ay matatawag pa rin nating

nagmula siya rito. Si Marcelito “Mars” Pomoy ay tinaguriang “A Man with a Golden Female

Voice”. Nang matuklasan ni Pomoy ang kaniyang kakayahang umawit ng parehong tenor at

soprano ay sumali siya sa iba’t-ibang paligsahan. Sumali siya noon sa Talentadong Pinoy

ngunit siya ay nabigo. Pero, dahil sa kaniyang pagpupursigi, nakapasok siya sa sikat na

talent show, ang Pilipinas Got Talent. Sa kaniyang pagkapanalo, dinala niya ang kaniyang
talento sa America’s Got Talent noong 2020. Hindi man niya nakuha ang titulong Grand

champion, siya naman ay pinalad na maging ika-apat sa kompetisiyon.

marcelito-pomoy.jpg (800×450) (baguioheraldexpressonline.com)

Makikita sa tatlong kilalang personalidad mula sa Imus, sila ay may malaking

naiambag sa kasaysayan ng Pilipinas, marahil isa rin ang Imus sa lugar na kung saan

may napakaraming makabuluhan at importanteng kaganapan ang nangyari dito, ay may

mga tao rin dito isinilang at naging tanyag sa kani-kanilang larangan maging politiko

man ito, pagiging mang-aawit, o isang magiting na heneral. Ang mga katauhan nila ay

magsisilbing inspirasyon sa atin na kahit saan ka man ipanganak, may angking galing

ka na maipagmamalaki, mapa-buong bansa man ito, sa kasaysayan o sa buong mundo.


Sanggunian

Hon. Senator Panfilo M. Lacson (n.d.) Hinango noong Enero 27, 2023 mula sa Senate

Electoral Tribunal. https://www.set.gov.ph/member-senators/1373/hon-senator-

panfilo-m-lacson/

Marcelito Pomoy Biography (n.d.) Hinango noong Enero 27, 2023 mula sa All American

Speakers. Book Marcelito Pomoy | Speakers Bureau | Booking Agent Info

(allamericanspeakers.com)

De Ocampo, E., at Saulo, A. (1995). Who’s who in Philippine history (1995) Today in

Philippine History, July 27, 1856, Pantaleon Garcia was born in Imus, Cavite (2013)..

Pantaleon Garcia was born in Imus, Cavite July 27, 1856 (kahimyang.com)

Alayon, Gwen

Layagan

You might also like