You are on page 1of 3

Bicol University College of Science Legazpi City Lance Henry Belgira Ogao BS Computer Science Filipino I Professor Lawrence

Mendoza

Apat na makrong kasanayan PAKIKINIG Napauunlad ang mga kasanayan sa pag-unawa, pagpapakahulugan, pagsusuri at pagbibigay-halaga sa mga diskursong napakinggan. Naisasagawa ang mga kasanayan sa maunawang pakikinig ( listening comprehension). Nabibigyang-halaga ang mga pananalitang narinig batay sa paraan ng pagpapahayag. Nakikilala ang kaisipang narinig batay sa : - dami o lawak - tiyak o di-tiyak - lokasyon o direksyon - sanhi o bunga Natutukoy sa napakinggang diskurso ang mga pahayag na: - nagpapakilala ng ideya - nagpapatibay sa ideya - naglilipat nito sa bagong ideya - nagwawakas ng isang ideya Nabibigyang-diin ang mahahalagang punto sa tekstong narinig. Natutukoy ang pagsisimula ang isang usapan sa pamamagitan ng tuwiran at di-tuwirang pahayag. Natutukoy ang daloy ng pagpapahayag sa diskursong napakinggan tulad ng kung papaano: - sumasagot - nagpapatuloy - nagpapalutang ng ideya - nakalalahok sa usapan Naisasagawa ang isang mabisang pagtatapos sa isang diskurso tulad ng: - pag-alis sa isang usapan - paglalagom sa paksang napag-usapan

PAGSASALITA Natatamo ang mga kaalamang pambalarila na makatutulong sa malinaw at mabisang pakikipagkomunikasyon. Nagagamit nang wasto ang mga salitang hiram batay sa binagong alfabeto. Nakikilala ang uri at gamit sa pagpapahayag ng mga: - ponemang segmental - ponemang supra-segmental

Nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga salitang may diptonggo at klaster. Natutukoy at nagagamit nang angkop ang mga pares-minimal. Nabubuo ang iba t ibang salita batay sa punong salita sa pamamagitan ng: - paglalapi - pag-uulit - pagtatambal Nakikilala at nakabubuo ng iba t ibang uri ng pangungusap batay sa Layon: - naglalarawan - nagsasalaysay - naglalahad - nangangatwiran Nakabubuo ng mga pangungusap batay sa tiyak na balangkas - payak - tambalan - hugnayan - langkapan Naipapakita ang kasanayan sa paggamit ng Filipino sa pasalitang Komunikasyon. Natutukoy ang punto ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pahayag. Naipaliliwanag ang katwiran sa pagsalungat o pagsang-ayon sa isang Ideya. Nakabubuo ng mga tiyak na paninindigan kaugnay sa nabasa o Narinig.

PAGBASA Napayayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagtukoy sa kayarian, kahulugan at kaangkupan ng mga salita sa kontekstong pinaggagamitan. Napipili ang mga salitang angkop sa tiyak na sitwasyon. Nasasabi ang kahulugan ng mga salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Napipili ang mga salitang ang kahulugan ay ipinahihiwatig ng tunog nito ( onomatopea). Nalilinang ang pag-unawa sa tekstong binasa. Nabibigyang-kahulugan ang magkakaugnay na pahayag upang maibigay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. Natutukoy ang kahulugan ng pamagat at nakapagbibigay ng isang alternative. Nabubuod ang tekstong binasa batay sa mga pangunahin at pantulong na kaisipan. Natutukoy ang mga pangunahin at pantulong na kaisipan sa tekstong binasa. Nagagamit ang dating kaalaman sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa teksto. Napagtutulad at napag-iiba ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa. Naiuugnay ang mga kaisipan sa tekstong binasa sa mga pansariling karanasang: - aktwal na narasanan - nasaksihan - narinig/nabasa Napauunlad ang kasanayan sa pagsusuri at pagbibigay-halaga sa tekstong binasa. Nasusuri ang teksto batay sa tiyak na uri nito.

Nasusuri ang tekstong binasa batay sa : - istilo sa pagbubuo ng mga salita - istilo sa pagbubuo ng mga pangungusap

PAGSULAT Naipamamalas ang pagkamasining sa pasulat na paraan. Nakikilala ang mga tiyak na bahagi ng isang talata. Nabibigyang-halaga ang paggamit ng wastong bantas sa pagsulat. Naipakikita ang sariling istilo sa pagsulat - sa pagsisimula - sa pagpapalawak - sa pagwawakas Nalilinang ang pagkamalikhain sa pagsulat ng: - iba t ibang uri ng liham

You might also like