You are on page 1of 2

Biag ni Lam-ang

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Mitolohiya ng Pilipinas

Pamagat Paglalarawan Kasarian Rehiyon Katumbas

Biag Ni Lam Ang Ang bayani ng epikong Ilokano na Biag ni Lam-ang Lalaki Pilipinas Bayaning Kalinangan Ang kahon na ito: tingnan pag-usapan

Biag ni Lam-ang (Tagalog: "Buhay ni Lam-ang") ay isang epikong tula ng mga Ilokano mula sa rehiyon ng Ilokos sa Pilipinas. Sinalaysay at sinulat sa orihinal na wikang Ilokano, pinapaniwalaang na pinaghalong gawa ito ng iba't ibang mga lumilikha ng tula na pinasa sa pamamagitan ng mga salinlahi, at unang sinulat noong 1640 ng isang bulag na manunula na si Pedro Bucaneg.

[baguhin] Paunang Talata


Si Lam-ang ay isang pambihirang tao. Mula sa kanyang kapanganakan siya ay marunong ng maglakad at marunong na ding magsalita. Sakatunayan nga, siya na ang nagbigay ng sariling pangalan sa kanya. Isinilang siyang walang ama kaya ang pangarap niya sa buhay ay makita ang kanyang ama. Mayroon siyang alagang mahiwagang aso at mahiwagang manok. Ang

mahiwagang aso ay kayang buwalin ang kahit anong bagay sa pamamagitan ng kanyang pagtahol at ang mahiwagang manok naman ay kayang ibalik ang kahit anumang sirang bagay sa dati nitong itsura sa pamamagitan ng pagtilaok nito.

You might also like