You are on page 1of 8

Lason

ibat ibang substansya: solid, liquid, gas na maaaring makaapekto sa kalusugan o di kaya ay maging sanhi ng kamatayan kapag ipinakilala sa katawan.

Sanhi: * Karaniwan sa mga nagtatangkang magpakamatay. * Aksidenteng pagkalason

A. Nalunok na Lason - Isa sa mga karaniwang sanhi ng pagkalason. - Paraan ng pagkalason sa pamamagitan ng pagsubo ng mga kontaminadong pagkain.

Asahan ang pagkalason kung:


1. Kapag ang biktima ay nakakain ng pagkaing may hindi kaaya-ayang

lasa, kontaminado, pagkaing mali ang pagkahanda, o di kayay pagkain na labis ang halagang kemikal. 2. Kapag ang mga taong kumain ay sabay-sabay na nagkasakit Sintomas: Lapnos sa paligid ng bibig Mabahong hininga Pagkahilo at pagsuka Pagsakit ng tiyan Pagpapawis Panlalambot, pagka-irita, pagkatakot o biglaang pagbabago ng kilos

Pagdudumi Mga pagkakataon na hindi dapat sapilitan ang PAGSUSUKA: Kapag walang malay Kapag hindi makahinga Kapag nakalunok ng acid, corrosive lye, o mga produktong petrolyo tulad ng gasolina o furniture polish. Heart attack, seizure and pregnancy Tamang pag-aalaga:

Kilalanin ang uri ng lason Ipwesto ang biktima sa kanyang kaliwang bahagi. Itago ang mga natirang pagkain na may lason para sa analisisong pag-aaral Huwag kumain ng matitigas na pagkain kapag nahihilo o nasusuka sa halip ay uminom ng maraming tubig Iwasan ang pag-iinom ng alak, kape at matatamis na inumin. Pagkatapos uminom ng sapat na halagang tubig, unti-unting simulan kumain ng malalambot at madaling kainin napagkain( kanin, patatas, wheats, cereals ) lalo na kung hindi na nahihilo at nasusuka.

Pag-iiwas sa Food Poisoning: Lubusang maghugas ng kamay bago humawak ng pagkain. Maghugas ng kamay pagkatapos gumamit ng palikuran, pagpapalit ng diapers,paninigarilyo,pag-ubo,o pag-bahing. Huwag gumamit ng kahoy sa pagpuputol at paghandang mga isda at karne. Linisin ng mabuti ang mga kagamitang ginamit sa pagluluto. Siguraduhin na malinis at hindi kontaminado ang bawat pagkain na ipapasok sa bibig.

B. NALANGHAP NA LASON Palatandaan at sintomas: Kasaysayan ng inhaling lason. Hirap sa paghinga Pananakit ng dibdib Ubo, pamamaos Pangangasul Pagkahilo, pananakit ng ulo Pangingisay, walang malay Pangunang lunas: Alisin ang biktima mula sa nakakalason kapaligiran at agad dalhin sa isang lugar na may sariwang hangin and nalason. Luwagan ang kasuotan ng biktima. Kung hindi humihinga, lapatan ng CPR hanggang sa magkaroon ng malay Humingi ng tulong medikal.

C. LASON SA BALAT Palatandaan at Sintomas: Pagkasunog ng balat Pangangati Pamumula, rashes, blisters

Pangunang lunas: Hubarin ang kontaminadong damit at hugasan ng tubig ang apektadong balat sa loob ng sampung (10) minute at tiyaking sabunin at banlawan ng mabuti.

Para sa balat na nasunog dahil sa kemikal, banlawan ng maraming tubig ang balat, tanggalin ang damit at takpan ng malinis na tela. Huwag pahiran ng langis o anumang ointment.

You might also like