You are on page 1of 1

Janine P.

Vasquez Fourth-Love

ANG WAKAS (ANG KATAPUSAN NG EL FILIBUSTERISMO)


Pagkatapos ng mga nangyaring kaguluhan sa tahanan ni Kapitan Tiago sa daang Anloague, pumunta si Simoun sa tahanan ni Padre Florentino na nanghihina. Siya ay may malubhang sakit at kahit anong oras man ay maaari na siyang mamatay. Mabuti nalang at naroon si Don Tiburcio at ginamot siya nito. Nanatili nang mahabang panahon si Simoun sa tahanan ng Padre at pagkalipas ng limang taon, nailigtas sa kamatayan ang mag-aalahas at tuluyan na nga itong gumaling. Napagpasyahan ni Simoun na magpaalam na kay Padre Florentino at bumalik na sa San Diego. Nailathala sa pahayagan ni Ben Zayb na namatay na si Padre Salvi dahil sa kabaliwan. Si Padre Irene naman ay nagkaroon ng tumor sa baga at sumakabilang buhay na rin. Si Padre Camorra ay nalulong sa droga kayat siya ay nakulong ng habangbuhay sa bilangguan. Nabasa lahat ito ni Simoun at siya ay nagulat sa mga pangyayari. Naisip niya na siningil na sila ng Diyos sa mga ginawa nilang masama sa Pilipinas at mga Pilipino. Nang makarating na si Simoun sa San Diego, agad siyang tumungo sa kumbento kung saan nananalagi si Maria Clara. Sabik na sabik na makita ng dalaga ang binata at sila ay nagyakapan. Sinabi ng binata na naudlot man ang kanilang pag-iibigan dati, ngayon ay din na iyon mangyayari. Si Simoun at Maria Clara ay nagpasiyang magpapakasal sa lalot madaling panahon. Buwan ng Hunyo, naging matiwasay at masaya ang kasal nina Simoun at Maria Clara. Nagsidaluhan ang lahat ng mga naninirahan sa San Diego tulad nina Basilio, Crispin, kasama ang kanilang ina na si Sisa, ang matalik na kaibigan ni Simoun na si Elias, si Tandang Selo, Kabesang Tales at Huli. Hindi rin nagpahuli sina Mr. Leeds, Isagani, Placido Penitente, Macaraig, Padre Florentino at Don Tiburcio. Nabuhay nang mapayapa sina Simoun at Maria Clara. Nagkaroon ng dalawang supling, sina Cris at Clarisse. Nasabi na lang ni Simoun na Malaya na ang Pilipinas. Wala na akong mahihiling pa. Salamat sa Diyos.

You might also like