You are on page 1of 1

MARCH 22, 2012 DATE

NR # 2686
REF. NO.

Ang karapatang mabuhay


Kakaibang krimen hiwalay sa kidnapping, serious illegal detention at murder sa involuntary disappearance na inaprubahan ng Kongreso sa ika-tatlong pagbasa bago mag-adjourn kahapon. Ayon kina Reps. Edcel Lagman (1st District, Albay) at Lorenzo Tanada III (4th District, Quezon), ang may akda ng House Bill No. 98, ito ay bilang pagsunod sa Philippines international commitment sa ilalim ng 2006 International Convention for the Protection of All Persons mula sa Enforced Disappearances, lalo na ang Article 4 na nag-uutos sa bawat estado na bumalangkas ng mga alituntunin para matiyak na ang sapilitang pagkawala ay mapaparusahan sa ilalim ng criminal law. Sinabi ni Lagman na patulay na nagiging panganib sa lipunan ang sapilitang pagkawala nililibak nito ang dakilang kabanalan ng buhay ng tao. Hindi lamang nilalabag nito ang karapatan sa kalayaan at kaligtasan ng isang tao kundi ang mga karapatan laban sa labis na pagpapahirap, dahas, karahasan, pananakot at iba pang katulad nito, ay ginagarantiya hindi lamang ng Konstitusyon, kundi lahat ng karapatan ng tao lalo na ang karapatang mabuhay, wika ni Lagman. (30) eag

You might also like