You are on page 1of 4

Aldrin Mangahas BSA M7 Stratehiya ng mga matatagumpay na negosyante Ang aking sanaysay ay ang mga estratihiya kung bakit

t ang mga negosyante ay nagiging matagumpay sa kanilang buhay. Ang pagiging isang negosyante ay hindi gaanong madali dahil sa maraming negosyante ay nabigo o nalulugi sa kanilang negosyo dahil sa maling pamamaraan ng pagpapatakbo ng kanilang negosyo. Kinakailangan ng tapang at dedikasyon upang mananatili ang isang negosyo. At ang mamimili dapat ay masaya at di gaanong nagrereklamo upang mananatili ang isang negosyo. Paano kaya nagiging matagumpay ang isang negosyante sa kanyang negosyo? Mahalaga ba ang mga estratihiya ng mga negosyante? Karamihan sa atin ay nangangarap magkaroon ng negosyo upang maging matagumpay ang buhay natin. Importante dito ang pagsasagawa ng desisyon upang makakuha ka nga mga idea kung paano mo patatakbuhin ang iyong negosyo. Ayon kay William Oneil Business Leaders and Success: 55 Top Business Leaders and How They Achieved Greatness ay maraming pamamaraan kung paano matagumpay ang mga negosyante ayon sa nabasang teksto ay dapat may kinalalaman ang isang negosyante tungkol sa mga gawain ng mga kontador upang hindi sila malilinlang sa mga mandaraya na kontador. Ang pinakamahalagang pamamaraan kung bakit matagumpay ang isang negosyante ay ang disiplina sa sarili. At ayon sa nabasang tektso sa Internet(http://www.ehow.com/list_6583085_strategiessuccessful-business-man_.html) ay ang matagumpay na negosyante ay dapat magkaroon ng panandaliang at pang-matagalang pananaw para sa kanyang negosyo. Dapat siya magtakda ng mga layunin at pagkatapos ay magtratrabaho ng maayos upang makamit ang mga layunin niya sa kanying buhay. Dapat mauunawaan ng negosyante ang kapaligiran upang maiiwasan ang mga

nakakasama sa kanyang negosyo. Ang pagmamay-ari ng isang negosyo ay mahirap dahil sa madaming desisyon na kinakailangan kahit na ito ay mapanganib. Pero dapat may lakas ang negosyante na magsabing Hindi upang maiwasan ang mga masasamang desisyon. Pagkakaroon at pagpapanatili ng silakbo ng damdamin sa konsepto ng negosyo ay kinakailangan upang maaakit ang mga mamimili na mamuhunan sa aking mga produkto. Ito naman ay ayon sa isapang aklat na inalathala nina Rhonda Abrams at Guy Clapperton Business Plan(2005). Karamihan sa atin ay ninanais makamit ang magkaroon ng negosyo subalit karamihan din sa atin ay nagpapatakbo ng negosyo sa ibat-ibang pamamaraan. Kung ninanais mung makamit ang maging matagumpay na negosyante dapat kinakailangan mong palawakin ang iyong negosyo. Upang ito ay lumawak dapat ay pinapayagan mo na merong mag prangkisiya sa iyong negosyo at dapat mapagkatiwalaan mo ang taong mag prankisiya para sa kinabukasan ng negosyo mo. Ang tungkulin ng matagumpay na negosyo ay magiging dominanta. Isa pang pamamaraan ng mga matatagumpay na negosyante ay dapat alam nila ang estratihiyang pangpinansyal upang malaman nila kung paano tatakbo o ang daloy ng pera sa negosyo. Ang pagmamay-ari ng isang negosyo ay maaaring samahan o korporasyon ito ay dahil upang hindi ka mahihirapang mamamahala sa iyong negosyo . Ito din ay para mapabuti ang isang negosyo at hindi ito mahihirap sa mga desisisyon na kinakailangang gawin ng mga tagapamahala sa isang negosyo. Ang isang negosyo ay may maraming paraan kung bakit sila naging matagumpay sa buhay. Ayon sa aking nakuhang aral sa mga nabasang teksto ay kinakailangan mo magtitiis sa mga makakasalubong mong problema. Ang pinakaimportante sa lahat ayon sa aklat ni William Oneil ay ang disiplina sa sarili. Mahirap ang magpapatakbo ng negosyo kung ang tagapamahala ay walang samahan o corporasyon. Lahat ng negosyo ay nagsimula sa maliit na bagay at unti-unting

lumalawak kung alam natin ang mga pamamaraan o estratihiya ng mga matatagumpay na negosyante. Bilang isang mag-aaral na kontador sa kolehiyo ay kinakailangan pagbutihin ang pag-aaral upang malaman ko ang mga pamamaraan kung paano ang mga daloy ng pera sa isang negosyo. Kung malalaman ko ang mga ito ay my maaaring magiging matagumpay ang aking maging negosyo sa kinabukasan. Maraming katangian ang mga negosyante na dapat sundin upang maging matagumpay ka. Una dapat matapat ka sa iyong mga gawain subalit hindi lahat ng negosyante ay ganito kundi sila mandaraya upang makakuha ng pera. Sunod, Kinakailangan mong maging matapang sa mga gawain mo. Ang pagiging positibo sa lahat ng mga gawain o mga pangyayari sa negosyo mo ay laging importante dahil sa ito ang maging gabay mo sa mga susunod na problema at upang makapagpatuloy ka sa iyong negosyo. Pangkalahatang dapat maging masipag at matiyaga.

http://www.ehow.com/list_6583085_strategies-successful-business-man_.html Business Leaders and Success: 55 Top Business Leaders and How They Achieved Greatness Business Plan

You might also like