You are on page 1of 1

JUNE 6, 2012 DATE

NR # 2762
REF. NO.

Mas mataas na parusa sa iligal na pagputol ng punong niyog aprubado na sa Kamara


Inaprubahan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill no. 6131 na naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang Philippine Coconut Authority (PCA) na epektibong pangalagaan ang mga puno ng niyog bilang kautusan sa ilalim ng Republic Act 8048 o ang Coconut Preservation Act of 1995. Ayon kay Rep. Mark Leandro Mendoza (4th District, Batangas), ang Chairman ng House Committee on Agriculture and Food dapat bigyan ng karapatan ang PCA na ipatupad ang kanilang kapangyarihan tulad ng pag-iimbestiga, pagsaliksik at samsamin, arestuhin o hulihin ang sinumang lumabag sa panukala. Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng Barangay Captain ng permisong magputol matapos ang isang sinumpaang dokumento ng aplikante na siya ay nagtanim ng puno ng niyog katumbas sa mga punong kanyang puputulin. Maaring magputol ng puno ng niyog sa panahon ng buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre. Sa bawat punong puputulin, mula sa P25 itataas ito ng P100 Mapupunta ang P40 sa PCA, P40 sa municipal government at P20 sa barangay, paliwanag ni Mendoza. Ang sinumang lalabag dito ay parurusahan ng pagkakabilanggo ng hanggang dalawang taon pero hindi hihigit sa anim na taon at multang hindi bababa ng P100,000 subalit hindi hihigit sa P500,000 o batay sa pagpapasiya ng hukuman. (30) eag

You might also like