You are on page 1of 3

KATITIKAN NG KARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG BARAS, RIZAL NA GINANAP

SA MUNICIPAL SESSION HALL, NOONG IKA-16 NG MARSO, 2009.


==================================================================================
DUMALO:
Hon. Armingol S. Pilapil, Jr. - Vice Mayor/Presiding Officer
Hon. Renato M. Llagas - Sang. Bayan Member
Hon. Jovita P. Cawicaan - -do-
Hon. Emmanuel R. Olaño - -do-
Hon. Ramon A. Matignas jr. - -do-
Hon. Romulo B. Diñozo - -do-
Hon. Mario P. Mendoza - -do-
Hon. Alfredo M. Ruba - -do-
Hon. Solomon C. Vallestero - Liga Vice President
Hon. Jefferson R. Ferrera - S.K. President
Hon. Jose D.V. Evangelista Jr. - Sang. Bayan Member

DI-NAKADALO: W A L A

I. Call to Order – Inihudyat ang pagsisimula ng pulong sa ganap na ika-9:00 ng umaga sa


pamumuno ng Pang. Punong Bayan, Kgg. Armingol S. Pilapil, Jr.

II. Roll Call - Quorum

III. Councilor’s Creed – Pinangunahan ni Kon. A. Ruba ang Councilor’s Creed.

IV. Consideration and Adoption of Minutes of Previous Session March 09, 2009

Walang naging puna sa nakaraang katitikan. Iminungkahi ni Kon. M. Mendoza ang


pagpapatibay nito na pinangalawahan ni Kapt. S. Vallestero. Pinagtibay.

V. Privilege Hour

VI. Question Hour

VII. Reference of Business – Ist Reading & Reference to Committee of Proposed Ordinances,
Resolutions, Memorials, Petitions, Requests, and Other Communications:

1. Prop. Ord. No. 06-s-09 – An Ordinance Adopting the “Adopt a Mojon” Program of the
DENR in the Municipality of Baras, Rizal, Providing Rules & Regulations for the
Protection & Preservation of Geodetic Control Networks or PRS 92, BLLM, MBM and
BBM, and Providing Penalties for Violation Thereof – Introduced by Coun. Renato M.
Llagas – referred to Comm. On Environment and Housing
2. Letter of the Mun. Mayor proposing amendments to Ordinance No. 61-s-2009 – referred
to Comm. On Rules
3. Letter of Brgy. Capt. Marcos Seclot endorsing the request of “Samahan ng Sitio Pagsiko
4. Resolusyon 02-09 of Barangay Pinugay – Kapasiyahang Humihiling sa Sang. Bayan na
Ipasemento ang Daan mula sa Sitio Milestone hanggang Sitio Pader – referred to Comm.
On Environment and Comm. On Boundary Dispute

VIII. Committee Reports:

1. Request of MUNITODA (Mun. Tricycle Operators & Drivers Ass’n.) for accreditation –
Referred to Com. On Rules, Laws & Internal Government. Binasa ni Kon. R. Matignas ang
ulat ng komite. Nakasaad ditto ang pagpapalit ng pangalan ng asosasyon na GBTODA at
pag-apruba sa accredition ng samahan. Subalit, kailangan pa rin nilang dumaan sa MTFRB
para sa pagtatakda ng kanilang pilahan. Iminungkahi niya ang pag-adopt ng report at pag-
apruba sa accreditation ng GBTODA. Pinangalawahan ni Kon. R. Diñozo ang mungkahi.
Pinagtibay.
2. Prop. Ord. Reclassifying & Rezoning the Rice Paddies Area in Sitio Mambog as an Organic
Zone and Strictly Implementing a Ban on Chemical Fertilizer and Chemical Pesticides –
Introduced by Coun. R. Matignas, Jr. & Coun. M. Mendoza – Referred to Committee on
Agriculture. Binasa ni Kon. M. Mendoza ang report ng komite. Matapos mabasa,
iminungkahi niya ang pag-adopt nito sa plenaryo at mai-calendar ito for 2nd reading.
Pinangalawahan ni Kon. R. Matignas. Walang tumutol. Pinagtibay.
3. Endorsement of the Mun. Mayor of Kap. Blg. 001-2009 (Pagsususog sa Pinagtibay na
Annual Investment Program 2009) – Referred to Com. On Finance & Approp. Binasa ni
Kon. R. Matignas ang ulat ng komite. Matapos mabasa, iminungkahi niya ang pag-adopt
nito sa plenaryo na pinangalawahan ni Kon. E. Olaño. Walang tumutol. Pinagtibay. Ani
Kon. R. Matignas, dahil sa ito ay request as certified urgent ng Punong Bayan, iminungkahi
niya na talakayin na ito sa un-assign business. Sinang-ayunan ng buong kapulungan.
Pinagtibay.

4. Request of “Motherhood” for accreditation – Referred to Com. On Rules, Laws & Internal
Gov’t.. Deferred.

5. Prop. Ord. No. 04-s-09 – Amending the Revised Revenue Code of 2003, Particularly Art. P –
Franchise and Other Tricycle Fees – Introduced by Coun. E. Olaño – Referred to Com. On
Finance & Appropriations. Deferred.

6. Panukalang Kautusan Blg. 05-s-09 – Kautusang Nagpapawalang Bisa sa Seksiyon III ng


Kautusan Blg. 96-82 (Kautusang Pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Baras, Rizal na
Nagdedeklara/Nagtatakda na ang Tatlong Araw ng Huling Linggo ng Enero ang Pistang
Bayan ng Baras, Rizal Simula Taong 1996) – Panukala ni Kon. R. Matignas, Jr. , referred to
Comm. On Rules. Deferred.

7. Letter of Gem Aggregates Corporation – Referred to Comm. On Environment, deferred.

8. Request for reclassification of Agricultural and Aquatic Zone part. in Brgy. Santiago as
Institutional Zone – referred to Comm. On Environment, deferred.

IX. CALENDAR OF BUSINESS:

a) Unfinished Business
b) Business of the Day – 2nd Reading
Prop. Ord. Providing for Additional Regulations for the Issuance of Tricycle Franchise &
Carpool Franchise & Amending Kautusan Blg. 15-s-04

Binasa ni Kon. R. Diñozo ang buong nilalaman ng ordinansa. Nagkaroon ng mga


mungkahi sa pagbabago. Sa Section 2, pinalitan ang word na “shall replace” kundi magiging
“shall represent”. Sa Section 3, Binago ang amount ng Membership Fee, magiging P30.00 at
P20 naman sa Renewal. Sa section 6, limited lamang sa mga drivers ang covered ng insurance
ng MUTODA AT MUCODA.

Iminungkahi ni Kon. J. Evangelista na pagtibayin na ang buong ordinansa, kasama na ang


pagbabago. Pinangalawahan ni Kon. E. Olaño. Walang tumutol. Pinagtibay. Iminungkahi ni
Kon. R. Diñozo na mai-calendar ito for 3rd and final reading. Pinangalawahan ni Kon. E. Olaño,
walang tumutol. Pinagtibay.

c) Unassigned Business
Iminungkahi ni Kon. R. Matignas na i-suspend ang rules upang talakayin ang
Amendments ng AIP. Pinangalawahan ni Kon. S. Vallestero. Pinagtibay.

Binigyan ang lahat ng miyembro ng kopya ng Resolution No. 01-s-09 ng Mun.


Development Council kung saan nakasaad ang mga pagbabago ng programa. Ipinaliwanag
ni Kon. R. Matignas na ang mga pagbabago ay para sa immediate concerns ng pamahalaan.
Tulad ng pagbili ng watercraft o speed boat sa halagang P500,000.00 at ang P100,000.00 ay
para sa maintenance of Motor Vehicle ng pamahalaan o pagbili ng bago. Gayon rin, para sa
public safety funds, P100.000.00 purchase of Radio Comm. Equipt. For PNP and BFP., and
P100,000.00 for Anti-crime operation. Matapos ang ilan pang pagpapaliwanag, iminungkahi
niya ang pagpasa ng resolusyon na nag-aapruba sa reprogramming of AIP-2009.
Pinangalawahan ni Kon. J. Cawicaan ang mungkahi. Pinagtibay.

X. Business on Third and Final Reading


XI. Other Matters
Iminungkahi ni Kon. R. Diñozo ang pagpasa ng resolusyon na humihiling kay Cong. A.
Rodriguez ng pondo para sa 800 meters concreting ng Baras-Pinugay Road. Sinang-ayunan ng
buong kapulungan ang mungkahi. Pinagtibay.

Iminungkahi ni Kon. R. Matignas na magpasa ng resolusyon na nagdedeklara sa ika-19


ng Marso as Liberation Day ng Baras at hinihikayat ang lahat ng government institution to
participate in all the activities sa araw ng Liberasyon. Susog ni Kon. R. Llagas, ilagay sa
whereas clause ang mga legal basis o historical basis tungkol sa March 19 as Liberation Day.
Sinang-ayunan ng buong kapulungan ang mungkahi. Pinagtibay.

Iminungkahi ni Kon. M. Mendoza na magpasa ng resolusyon na humihiling kay F/Supt.


Reynaldo C. Lorenzo, BFP Provincial Director na maitalaga bilang hepe ng BFPD ng Baras si
SFO2 Norberto Francisco E. Matienzo Jr. na sa kasalukuyan ay Officer in Charge ng BFP-Baras.
Sinang-ayunan ng kapulungan ang mungkahi. Pinagtibay.

Iminungkahi ni Kon. E. Olaño na magpasa ng resolusyon na humihiling kay Punong


Panlalawigan ng Rizal, Kgg. C. Ynares III ng pondo para sa asphalt overlaying ng harapan ng
Gymnasium ng Baras, Rizal. Sinang-ayunan ng kapulungan ang mungkahi. Pinagtibay.

Iminungkahi ni S.K. J. Ferrera na i-lift ang suspension ng rules, pinangalawahan ni Kapt.


S. Vallestero ang mungkahi. Pinagtibay.

XII. Informational Matters


Ibinalita ni Kon. E. Olaño na siya ay kabilang sa manlalaro ng PCL-Basketball League,
Region. IV. Inaanyayahan niya na manood ng pagsisimula ng laro sa Probinsya ng Quezon.

XIII. Adjournment – Itinindig ang pulong sa ganap na ika-11:00 ng tanghali sa mungkahi ni Kon.
A. Ruba na pinangalawahan ni LBC Vice Pres. S. Vallestero.

Pinatutunayan ko ang katumpakan ng nariritong katitikan.

NOLASCO R. VALLESTERO
Sangguniang Bayan Secretary

PINATOTOTOHANAN:

ARMINGOL S. PILAPIL JR.


Mun. Vice Mayor/Pres. Officer
PINAGTITIBAY:

KON. RENATO M. LLAGAS KON. JOVITA P. CAWICAAN

KON. EMMANUEL R. OLAÑO KON. RAMON A. MATIGNAS JR.

KON. ROMULO B. DIÑOZO KON. MARIO P. MENDOZA

KON. ALFREDO M. RUBA KON. JOSE D.V. EVANGELIST

LBC-SOLOMON C. VALLESTERO SK-JEFFERSON R. FERRERA

You might also like