You are on page 1of 2

Ano ang lamok?

Ito ay isang insekto na may kakayahang magdala at magkalat ng sakit sa


mga tao dahil kaya nilang sumipsip ng dugo. Nabubuhay at nakapagpaparami sila
sa pamamagitan ng mga nakaimbak na tubig. Kahit saan basta may tubig na hindi
gumagalaw o umaagos tulad na lang sa mga flower vase, mga bote, paso, nahating
gulong, mga hindi natakpang lagayan ng tubig, at sa mga alulod ng bahay.

Ang dengue ay isa rin sa mga kinatatukutang sakit na nananalasa sa panaho ng


tag-ulan. Ang dengue ay hatid ng lamok na Aedes Aegypti na umaatake o
nangangagat kung araw. Paboritong tirahan ng mga lamok na may dengue ang
mga nakatingggal na tubig at mga nakasabit na bagay na nasa madilim na lugar.
Karaniwang nasa mga paso, bote, goma at iba pang lalagyan na may tubig nakatira
ang mga lamok.

Sintomas

• mataas na lagnat na maaaring tumagal ng dalawa hanggang siyam na araw


• pananakit ng kalamnan
• pananakit sa likod na bahagi ng mga mata
• panghihina
• mapupulang rashes sa balat
• sa sandaling mawala ang lagnat ay susundan naman ito ng pagdurugo ng ilong
• pagdurugo ng gilagid
• kulay-kape na suka
• maitim na dumi

Sanhi

Ang kagat ng lamok na Aedes aegypti ang pangunahing sanhi ng Dengue. Ito'y
nangangagat lamang tuwing umaga. Nangingitlog ang lamok na ito sa mga lugar na
kung saan ay may tubig na hindi dumadaloy tulad ng mga plorera, lata, dram,
timba, lumang gulong at iba pa.

Ang lymphatic filariasis o filariasis, karaniwang tinatawag na elephantiasis, ay


isang pangmatagalang sakit na naisasalin sa pamamagitan ng kagat ng lamok.
Nagdudulot ito ng pagkasira ng sistemang lymphatic at ng mga bato (kidney), at
paghina ng immune system. Maaari itong humantong sa pagkabalda at pagkasira
ng anyo ng taong apektado nito.

Sanhi at Pagkakasalin

Ang filariasis ay dulot ng mga malasinulid na parasitikong bulate na Wuchereria bancrofti at Brugia
malayi. Sa loob ng kanilang mula apat hanggang anim na taong buhay ay nananahan ang mga magulang
na bulate sa sistemang lymphatic ng tao. Ang kanilang mikroskopikong larva na tinatawag na
microfilariae ay nananahan naman sa dugo.

Kapag kinagat ng lamok ang isang taong may filariasis ay nasisipsip nito ang mga microfilariae.
Mananahan ang mga ito sa loob ng katawan ng lamok nang mula isa hanggang tatlong linggo hanggang
umabot sila sa yugtong maaari na silang makapagdulot ng impeksyon. Matapos nito ay lilipat sila sa
bahaging pangagat ng lamok. Kapag nangagat uli ang lamok ay maisasalin ang mga microfilariae.

Karaniwang nakukuha ang impeksyon sa pagkabata, at maaaring lumipas ang mga taon bago kakitaan ng
anumang sintomas ang taong apektado.

Kaya maitim ang dumi ng tao na may sakit na Dengue ay dahil sa mababa ang platelet count nito. At may
internal bleeding.

You might also like