You are on page 1of 3

RETORIKA

-ay galing sa salitang rhetor :


(GK isang nagsasalita sa
publiko o public speaker).
-Ayon kay Socrates (350 B.C.)
ang RETORIKA ay
"agham ng nagpapahinuhod"
-Ayon naman kay Aristotle,
makalipas ang 20 taon binigyang-kahulugan niya ang retorika bilang kakayahan sa
pagwawari o paglilirip sa bawat pagkakataon ng anumang paraan ng paghimok.

-Ayon kay Richard Whatley, isang pantas sa lohika noong ika-19 na siglo, ang
retorika ay ang sining ng argumentatibong komposisyon .
Iba't ibang depinisyon ng Retorika
-Ang retorika ay sining ngepektibong pamimili ng wika at ang
di mapasusubaliang batayan ng pamimili ay ang pagkakaroon ng mga alternatibo.
-Ang retorika ay pag-aaral kung paano mabisang makabubuo ng isang kaisipan sa
pamamagitan ng mga piling salita at wastong pag-ayaw-ayaw ng mga ito upang
maiangkop sa target na awdyens at matamo ng manunulat ang kanyang layunin.
-TUMANGAN ( 1997)
Ayon sa kanya, ang retorika ay isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na
tumutukoy sa kaakit-akit at magandang pagsasalita at pagsulat. Pinag-aaralan dito
ang ukol sa mga tuntunin ng malinaw, mabisa, at kaakit-akit na pagpapahayag.
Laging isaisip na nakaaakit pakinggan at basahin ang pahayag na maayos ang
pagkakabuo, pili at angkop ang mga salitang ginamit.
-Ang retorika ay nauukol sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagpapahayag
maging ito
may pasalita o pasulat. - Rubin (1987)
SEBASTIAN (1956)
nagsabi na ang retorika ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na
tumutuloy

sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsasalita at pagsulat.

2 Paraan ng Pagpapahayag
PASALITA
ang pagpapahayag na maaaring isagawa nang harapan o lantaran at malapitan, dili
kaya ay hindi at malayuan.
PASULAT
ito kung ibinabahagi ang mga kaalaman, paniniwala, mithiin, at saloobin sa
pamamagitan ng pagsasaakda, mapalimbag man ang mga ito o hindi.
Ang mga Layunin
sa Maretorikang Pagpapahayag
-Maakit ang interes ng kausap
na tutok ang atensyong makinig sa sinasalita .
-Masanay sa pagsasalitang may kalakasang dating ang gilas, may mapamiling
kaangkupan at panlasa ang ginagamit na salita , at may kalinawan ang bigkas.
-Maliwanag na maipaintindi ang mga sinasabi
-Maikintal sa isip at damdamin ng kausap
ang diwa ng sinasabi.
-Maiaplay sa sarili ng tagapakinig ang nakuhang mensahe
RETORIKA BILANG ISANG SINING
Isang sining ito na may
mga sumusunod na katangian:
Isang kooperativong sining
Isang pantaong sining

Isang temporal na sining


Isang limitadong sining
Isang may kabiguang sining
Isang nagsusupling na sining
MGA GAMPANIN NG RETORIKA
-Nagbibigay-daan sa komunikasyon
-Nagdidistrak
-Nagpapalawak ng Pananaw
-Nagbibigay-ngalan
-Nagbibigay-kapangyarihan
Ang kahalagahan ng
Maretorikang pagpapahayag
-Kahalagahang
-Kahalagahang
-Kahalagahang
-Kahalagahang
-Kahalagahang
-Kahalagahang

Panrelihiyon
Pampanitikan
Pang-ekonomiya
Pang-ekonomiya
Pang-media
Pampulitika

SAKLAW NG RETORIKA

Iba pang larangan


WIKA
Pilosopiya
Lipunan
SINING

You might also like