You are on page 1of 2

Modus Operandi

Siguro naman di na bago para sa ilan ang mga modus operandi ng mga budol budol
gang. Madalas itong mapabalita. Madalas ang sabi ng mga biktima, di daw nila alam
ang kanilang ginawa, bigla nalang daw nila inabot ang kanilang pera, o mahahalagang
gamit sa kaupsap nila.kaya ang akala tuloy ng karamihan, ang mga budol budol gang
ay gumagamit ng Hypnotism.

<Dugo-dugo
Ito ang tawag sa mga insidente na kung saan ang suspek ay tatawag sa telepono o
kaya naman ay personal na pupunta sa bahay at nagpapanggap na kamag-anak o
kaibigan ng isang miyembto ng pamilya na ayon sa kanya ay nadisgrasya at
kinakailangan ng pera o alahas para maipagamot.

<Mga paraang magagawa na makakaiwas sa sitwasyon


Huwag agad maniniwala sa residente. Maaring magtanong ng mga bagay na ang
nakakaalam ay ang pamilya upang malaman kung miyembro ba talaga ng pamilya o
kilala ng nabibiktima.

<Ipit-Taxi
Kadalasang mga nabibiktima ay ang mga kababaihan. Pagsakay ng taxi sa hindi
kalayuan, may mga suspek na bigla na lang sasakay at pagigitnaan ang biktima. Ang
pera, alahas at iba pang mga mahahalagang dala ay ang mga bagay ay kinukuha ng
mga suspek.

<Mga paraang magagawa na makakaiwas sa sitwasyon


Kapag nakakita ng nakakamamatay na bagay tulad ng kutsilyo o baril, huwag ng
lalaban pa. Laging titignan ang plate number ng kotse para maisabi sa mga pulis.
Huwag masyadong magdala ng maraming pera at huwag rin magsuot ng mga alahas na
mahalaga.

You might also like