You are on page 1of 12

Mga Layunin:

1. Naiisa-isa ang iba’t-ibang uri ng transnational crimes.


2. Natutukoy ang kahulugan at layunin ng mga
transnational crimes.
3. Natutukoy ang mga sanhi at epekto ng transnational
crimes sa bansa at ang solusyon sa mga ito.
Ang mga Transnational Crimes ay mga seryosong
krimen ng mga organisadong pangkat ng mga kriminal na
ang pangunahing layunin ay magkamal ng katakot takot
na pera at kayamanan.

Kadalasan itong nangyayari sa maraming bansa lalo na


sa mga bansa na may maluluwag na pamamahala.

At ito din ay madalas na pinagpaplanuhan sa labas ng


bansa na paggaganapan ng krimen at agad na
isinasakatuparan kahit may karahasan.
HUMAN TRAFFICKING
Pag kakalakal ng mga tao na karaniwang
ginagawang alipin o sex slave sa ibang bansa.
MONEY LAUNDERING
Ang money laundering ay paglalagak ng
salapi sa mga bangko sa ibang bansa upang
itago ang illegal na pinagmulan ng salaping ito.
Sinasabing ang dirty money ay ginagawang
clean money sa dahilang ang nilagak na salapi
sa mga bangko sa ibang bansa ay mistulang
nagmumukhang malinis sa salaping maaaring
gamiting puhunan o pondo sa mga illegal na
transaksyon.
PAMIMIRATANG PANDAGAT O MARITIME PIRACY
Pamimirata kung saan ang isang sasakyang pandagat ay
sapilitang isinasailalim sa karahasan ang kanyang mga pasahero o
crew sa gitna ng karagatan at sa labas ng hurisdiksyon ng estado.

PAMIMIRATANG INTELEKTWAL
Ang intellectual property piracy ay tumutukoy sa anumang uri
ng walang pahintulot na pagkopya, paggamit, pagpaparami at
pagpapakalat ng anumang mga material na nasa ilalim ng
pangangalaga ng intellectual property rights.
TERORISMO
Paggamit ng karahasan upang makamit
ng mga terorista ang kanilang nais o
hangad.

DRUG TRAFFICKING
Paggawa at pagbebenta nang mga
illegal na droga.
MGA IBA’T IBANG URI
NG
TRANSNATIONAL CRIMES

 Human Trafficking
 Money Laundering
 Piracy o Pamimiratang Intelektwal
 Terorismo
 Drug Trafficking
PAANO NGA BA NAGIGING HADLANG ANG TRANSNATIONAL CRIMES SA
PAG-UNLAD NG EKONOMIYA NG ISANG BANSA?

1. Nakakaligtas ang mga ito sa pagbabayad ng mga kaukulang


buwis.
2. Maraming malalaking kompanya at negosyante ang nag-aatras ng
kanilang puhunan sa isang bansa.
3. Naiiwasan ang mga kalamidad, lalo na sa mga lugar kung saan
laganap ang mga terorismo.
4. Nakakahadlang sa pagiging produktibo ng isang mamamayan.
MGA EPEKTO NG TRANSNATIONAL CRIMES
SA MGA MAMAMAYAN

1. Nagdudulot ng labis na takot sa mga


mamamayan.
2. Maaaring magdulot ng kamatayan sa
mga sibilyan.
3. Maaaring magresulta sa pagkasira ng
kinabukasan ng mga mamamayan.
4. Paglaganap ng iba’t – ibang uri ng
krimen.
MGA GAWAIN NG GOBYERNO O SOLUSYON
LABAN SA TRANSNATIONAL CRIMES
1. Pagtutulungan at pagkakaisa ng mga bansa
upang malutas ang mga suliranin kaugnay
ng transnational crimes.
2. Pagpaplano ng mga kaukulang hakbang
upang harapin ang mga suliranin kaugnay
ng transnational crimes.
3. Pagtatatag ng bawat bansa ng mga ahensya
na ang layunin ay magbigay ng seguridad sa
kani-kanilang bansa.
IV. Pagtataya
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na buod ng mga balita at
tukuyin kung anong uri ng transnational crime ito.

1. 12 biktima na umano’y ibinugaw nasagip ng National Bureau


of Investigation sa isang resort sa Pililla, Rizal.

2. Grupo ng mga lalaki kasama ang isang menor de edad, nasapul


sa surveillance video na nagdadrug session.

3. Mga pirated DVD na nagkakahalagang P21M, kumpiskado sa


baguio.

4. Dating RCBC bank manager Maia Deguito hinatulang guilty ng


Makati Regional Trial Court Branch 149 dahil sa paglipat ng pera
mula sa Bangladesh Central Bank papunta sa ilang bank
accounts sa RCBC noong 2016.

5. Isang babaeng suicide bomber na mistulang lahing Caucasian


ang sinisisi sa pagpapasabog sa isang military checkpoint sa
Indanan, Sulu.
TAKDANG ARALIN

1. Pumili ng isang transnational crime. Gumawa ng poster tungkol


dito.

2. Ipaliwanag sa poster ang epekto o kaugnayan nito sa kalagayang


pulitikal, panlipunan at pang ekonomiya ng Bansa.

You might also like