You are on page 1of 12

MUSIKA VI

Date: ___________
I.

LAYUNIN:
Nabibigyang halaga ang timbre sa pag-awit

II. PAKSANG-ARALIN:
Iba't ibang Timbre ng Tinig, TX p. 55
Mga Kagamitan:
"Cassette Player"
"Tape" ng mga awit
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Magbigay ng pagsasanay sa tinig.

B. Pagbabalik-aral:
1. Ipaawit sa mga bata ang "Yes, I Love You", "My Lord, What a Morning" at "Swing Low,
Sweet Chariot".
2. Pag-usapan ang anyo ng mga awit ..
3. Sabihin/ltanong:
Ano ang kahulugan ng anyo?
Paano malalaman ang anyo ng isang awit

C. Panlinang na Gawain:
1. Hayaang makinig ang mga bata sa radyo o cassette tape. Iparinig sa kanila ang sarisaring tinig.
2. Pag-usapan ang mga tinig ng taong umaawit.
3. Itanong:
Sinu-sino ang mga umaawit? Paano mo sila nakilala?
Anu-anong uri ng tinig ang naririnig mo?
D. Paglalahat:
1. Ganyakin ang mga bata na magbigay ng paglalahat ng kanilang natutuhan sa aralin.
2. Ipasagot ang mga sumusunod na tanong:
Ilang uri ng tinig mayroon ang mga babae sa pag-awit?
Ano ang pagkakaiba ng bawat isa?
Ilang tinig mayroon ang mga lalaki sa pag-awit?
Ano ang pagkakaiba ng bawat isa?
E. Pangwawakas na Gawain:
1. Ipagawa sa mga bata:
Pakinggan ang tinig ng mga kamag-aral sa pag-awit at sabihin kung ano ang
timbre ng kanilang tinig.
Ipagaya sa mga bata ang tinig ng mga kilalang mang-aawit.
IV. PAGTATAYA:
Pangkatin ang klase sa dalawa at ipaawit nang wasto ang awit na "Yes, I Love You,
pag-usapan ang anyo ng timbre ng himig.

V. TAKDANG-ARALIN:
Anu-ano ang ibat ibang timbre ng Tining?

MUSIKA VI
Date: ___________
I.

LAYUNIN:
Naibibigay ang katawagang soprano at alto sa tinig ng mga babae at tenor at baho o "bass" sa
tinig ng mga lalaki

II. PAKSANG-ARALIN:
Iba't ibang Timbre ng Tinig, TX p. 55
Mga Kagamitan:
"Cassette Player"
"Tape" ng mga awit
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Magbigay ng pagsasanay sa tinig.

B. Pagbabalik-aral:
1. Ipaawit sa mga bata ang "Yes, I Love You", "My Lord, What a Morning" at "Swing Low,
Sweet Chariot".
2. Pag-usapan ang anyo ng mga awit ..
3. Sabihin/ltanong:
Ano ang anyong "binary"?
Ano ang anyong "ternary"?

C. Panlinang na Gawain:
1. Hayaang makinig ang mga bata sa radyo o cassette tape. Iparinig sa kanila ang sarisaring tinig.
2. Pag-usapan ang mga tinig ng taong umaawit.
3. Itanong:
Sinu-sino ang mga umaawit? Paano mo sila nakilala?
D. Paglalahat:
1. Ganyakin ang mga bata na magbigay ng paglalahat ng kanilang natutuhan sa aralin.
Ano ang timbre? Saan ito tumutukoy?
Anu-ano ang mga halimbawa ng timbre ng tinig?
E. Pangwawakas na Gawain:
1. Ipagawa sa mga bata:
Pakinggan ang tinig ng mga kamag-aral sa pag-awit at sabihin kung ano ang
timbre ng kanilang tinig.
IV. PAGTATAYA:
Pangkatin ang klase sa dalawa at ipaawit nang wasto ang awit na "Yes, I Love You,
pag-usapan ang anyo ng mga anyo.
V. TAKDANG-ARALIN:
1. Ganyakin ang mga bata upang mangalap ng mga impormasyon o magsaliksik tungkol
sa mga instrumento ng banda ng musiko.
Ipasagot sa kanila ang mga sumusunod:
Anu-ano ang mga instrumento ng banda? Ilarawan ang bawat isa at sabihin kung

ano ang tunog ng mga ito.

MUSIKA VI
Date: ___________
I.

LAYUNIN:
Napahahalagahan ang mga instrumentong bumubuo ng banda (brass band)

II. PAKSANG-ARALIN:
Mga Instrumentong Bumubuo ng Banda, TX p. 58
Mga Kagamitan:
Larawan ng mga instrumento ng banda. Mga "tape" na tugtog ng banda at rondalya
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Magbigay ng pagsasanay sa tinig.
B. Pagbabalik-aral:
Itanong:
Anu-ano ang mga uri ng tinig ng mga lalaki at babaing mang-aawit?
C. Panlinang na Gawain:
1. Pag-usapan ang mga bagay-bagay tUflgkol sa banda.
2. Itanong/Sabihin:
Anu-ano ang makikita ninyong tumutugtog sa mga prusisyon, pistang bayan o
parada?
Saan pa ninyo makikitang tumutugtog ang mga banda ng musiko?

D. Paglalahat:
1. Itanong/Sabihin:
Anu-ano ang iba't ibang instrumento na ginagamit sa banda?
Ilarawan ang bawat isa. Ano ang itsura ng bawat isa? Sa anong pangkat sila
nabibilang?
2. Iparinig sa mga bata ang tunog ng mga instrumento at patuloy na ipatukoy sa kanila
ang mga tunog ng mga instrumentong di-kuwerdas, hinihipan at mula sa metal.
IV. PAGTATAYA:
Sabihin sa mga bata na magmasid tuwing may mga pagtitipon sa paaralan, bayan o
barangay lalo na kung may pista at mga pambansang palatuntunan.
V. TAKDANG-ARALIN:
Anu-ano ang tatlong pangkat ng mga instrumento na bumubuo sa banda?

MUSIKA VI
Date: ___________
I.

LAYUNIN:
Nakikilala ang iba't ibang instrumentong ginagamit sa banda

II. PAKSANG-ARALIN:
Mga Instrumentong Bumubuo ng Banda, TX p. 58
Mga Kagamitan:
Larawan ng mga instrumento ng banda. Mga "tape" na tugtog ng banda at rondalya
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Magbigay ng pagsasanay sa tinig.
B. Pagbabalik-aral:
Itanong:
Ano ang pagkakaiba ng bawat tinig? Ano ang timbre?
C. Panlinang na Gawain:
1. Pag-usapan ang mga bagay-bagay tungkol sa banda.
2. Itanong/Sabihin:
Saan pa ninyo makikitang tumutugtog ang mga banda ng musiko?
3. Habang ibinibigay ng mga mag-aaral ang pangalan ng mga instrumento ay isulat
ang mga ito sa pisara ayon sa pangkat na kinabibilangan ng mga ito
4. Papiliin ang mga bata kung saang pangkat nila nais mag ulat.
5. Tawagin ang bawat pangkat upang iulat ang kanilang mga nakuhang impormasyon.
Magtakda ng mga pamantayan sa pag-uulat.
D. Paglalahat:
1. Itanong/Sabihin:
Anu-ano ang iba't ibang instrumento na ginagamit sa banda?
Ilarawan ang bawat isa. Ano ang itsura ng bawat isa? Sa anong pangkat sila
nabibilang?
Paano sila tinutugtog?
Ano ang katangian ng tunog ng bawat isa?
2. Iparinig sa mga bata ang tunog ng mga instrumento at patuloy na ipatukoy sa kanila
ang mga tunog ng mga instrumentong di-kuwerdas, hinihipan at mula sa metal.
IV. PAGTATAYA:
Iparinig sa mga bata ang tugtog ng rondalya at banda at itanong sa mga bata kung
anong pangkat ang tumutugtog.
V. TAKDANG-ARALIN:

Magbigay ng mga halimbawa ng instrumentong perkusyon at ilarawan ang nalilikha


nitong tunog.

MUSIKA VI
Date: ___________
I.

LAYUNIN:
Nasasabi ang katangian ng tunog na nililikha ng ibat ibang instrumento ng banda

II. PAKSANG-ARALIN:
Mga Instrumentong Bumubuo ng Banda, TX p. 58
Mga Kagamitan:
Larawan ng mga instrumento ng banda. Mga "tape" na tugtog ng banda at rondalya
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Magbigay ng pagsasanay sa tinig.
B. Pagbabalik-aral:
Itanong:
Paano mo mapagaganda ang timbre ng iyong tinig?
Bakit kailangan maging maganda ang timbre ng tinig sa pag-awit?
C. Panlinang na Gawain:
1. Pag-usapan ang mga bagay-bagay tUflgkol sa banda.
2. Itanong/Sabihin:
Anu-ano ang mga alam ninyong instrumento ng banda? Ang banda ay binubuo ng
tatlong pangkat ng instrumento: ang perkusyon, tanso at kahoy. Isa-isahin natin
ngayong pag-aralan ang mga instrumentong binubuo ng banda.
3. Habang ibinibigay ng mga mag-aaral ang pangalan ng mga instrumento ay isulat
ang mga ito sa pisara ayon sa pangkat na kinabibilangan ng mga ito
4. Papiliin ang mga bata kung saang pangkat nila nais magulat.
5. Tawagin ang bawat pangkat upang iulat ang kanilang mga naku-hang
impormasyon. Magtakda ng mga pamantayan sa pag-uulat.

E. Paglalahat:
1. Itanong/Sabihin:
Anu-ano ang tatlong pangkat ng mga instrumento na bumubuo ng banda?
Bakit ninyo nasabi ito?
2. Iparinig sa mga bata ang tunog ng mga instrumento at patuloy na ipatukoy sa kanila
ang mga tunog ng mga instrumentong di-kuwerdas, hinihipan at mula sa metal.
3. Iparinig naman ang mga tugtog ng rondalya at banda at itanong sa mga bata kung
anong pangkat ang tumutugtog.
IV. PAGTATAYA:
Sabihin sa mga bata na magmasid tuwing may mga pagtitipon sa paaralan, bayan o
barangay lalo na kung may pista at mga pambansang palatuntunan.
V. TAKDANG-ARALIN:
Magbigay ng halimbawa ng mga instrumentong di kuwerdas. Pano sila tinutugtog?

MUSIKA VI
Date: ___________
I.

LAYUNIN:
Nasasabi kung ang narinig na tugtugin ay mula sa banda o rondalya .

II. PAKSANG-ARALIN:
Mga Instrumentong Bumubuo ng Banda, TX p. 58
Mga Kagamitan:
Larawan ng mga instrumento ng banda. Mga "tape" na tugtog ng banda at rondalya
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Magbigay ng pagsasanay sa tinig.
B. Pagbabalik-aral:
Itanong:
Paano mo mapagaganda ang timbre ng iyong tinig?
Bakit kailangan maging maganda ang timbre ng tinig sa pag-awit?
C. Panlinang na Gawain:
1. Pag-usapan ang mga bagay-bagay tUflgkol sa banda.
2. Itanong/Sabihin:
Anu-ano ang mga alam ninyong instrumento ng banda? Ang banda ay binubuo ng
tatlong pangkat ng instrumento: ang perkusyon, tanso at kahoy. Isa-isahin natin
ngayong pag-aralan ang mga instrumentong binubuo ng banda.
Anu-ano ang mga instrumento ng banda?
3. Habang ibinibigay ng mga mag-aaral ang pangalan ng mga instrumento ay isulat
ang mga ito sa pisara ayon sa pangkat na kinabibilangan ng mga ito
4. Papiliin ang mga bata kung saang pangkat nila nais magulat.
5. Tawagin ang bawat pangkat upang iulat ang kanilang mga naku-hang
impormasyon. Magtakda ng mga pamantayan sa pag-uulat.

F. Paglalahat:
1. Itanong/Sabihin:
Anu-ano ang tatlong pangkat ng mga instrumento na bumubuo ng banda?
Bakit ninyo nasabi ito?
2. Iparinig sa mga bata ang tunog ng mga instrumento at patuloy na ipatukoy sa kanila
ang mga tunog ng mga instrumentong di-kuwerdas, hinihipan at mula sa metal.
3. Iparinig naman ang mga tugtog ng rondalya at banda at itanong sa mga bata kung
anong pangkat ang tumutugtog.
IV. PAGTATAYA:
Pangkatin ang klase sa 4 pangkat ipasuri ang mga instrumentong ginagamit at ipatukoy
ang mga pangalan ng instrumento.
V. TAKDANG-ARALIN:
Magbigay ng halimbawa ng instrumentong metal at sabihin ang uri ng kanilang tunog.

MUSIKA VI
Date: ___________
I.

LAYUNIN:
Natutukoy sa pamamagitan ng pakikinig ang tunog ng mga instrumentong di-kuwerdas,
hinihipan at mula sa instrumentong metal.

II. PAKSANG-ARALIN:
Mga Instrumentong Bumubuo ng Banda, TX p. 58
Mga Kagamitan:
Larawan ng mga instrumento ng banda. Mga "tape" na tugtog ng banda at rondalya
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Magbigay ng pagsasanay sa tinig.
B. Pagbabalik-aral:
Itanong:
Anu-ano ang tatlong pangkat ng mga instrumento na bumubuo ng banda?
C. Panlinang na Gawain:
1. Pag-usapan ang mga bagay-bagay tungkol sa banda.
2. Itanong/Sabihin:
Anu-ano ang mga alam ninyong instrumento ng banda? Ang banda ay binubuo ng
tatlong pangkat ng instrumento: ang perkusyon, tanso at kahoy. Isa-isahin natin
ngayong pag-aralan ang mga instrumentong binubuo ng banda.
Anu-ano ang mga instrumento ng banda?
Titingnan ko kung maiuulat ninyo ang inyong mga nasaliksik.
3. Habang ibinibigay ng mga mag-aaral ang pangalan ng mga instrumento ay isulat
ang mga ito sa pisara ayon sa pangkat na kinabibilangan ng mga ito
4. Papiliin ang mga bata kung saang pangkat nila nais magulat.
5. Tawagin ang bawat pangkat upang iulat ang kanilang mga naku-hang
impormasyon. Magtakda ng mga pamantayan sa pag-uulat.

G. Paglalahat:
1. Itanong/Sabihin:
Magbigay ng halimbawa ng instrumentong di-kuwerdas. Pano sila tinutugtog?
Anong uri ng Tunog ang nalilikha nila?
Magbigay ng halimbawa ng instrumentong metal at sabihin ang uri ng kanilang
tunog?
2. Iparinig sa mga bata ang tunog ng mga instrumento at patuloy na ipatukoy sa kanila
ang mga tunog ng mga instrumentong di-kuwerdas, hinihipan at mula sa metal.
IV. PAGTATAYA:
Pangkatin ang klase sa 4 pangkat ipasuri ang mga instrumentong ginagamit at ipatukoy
ang mga pangalan ng instrumentong metal at sabihn ang uri ng kanilang tunog.
V. TAKDANG-ARALIN:
Anu-anong uri ng awit ang inaawit ng mgay katamtamang lakas?

You might also like