You are on page 1of 10

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

E
P
P

MGA URI NG HALAMANG


ORNAMENTAL

Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION


2nd Floor Bonifacio Building
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City

Revised 2010
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),
DepEd - Division of Negros Occidental
under the Strengthening the Implementation of Basic Education
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:


No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.
This material was originally produced by the Bureau of Elementary
Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

This edition has been revised with permission for online distribution
through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported
by AusAID.

GRADE V
MGA URI NG HALAMANG ORNAMENTAL

ALAMIN MO

Alam mo ban a tayo ay dapat na nagtatanim ng ibat ibang uri


ng halamang ornamental? Malaking pakinabang ang dulot ng
mga ito. Ito ay nagbibigay ng kagandahan sa kapaligiran at
nagbibigay din ng kasiyahan sa nagmamasid dahil sa kanilang
anyo at kulay. Maaari din ito mapagkakitaan. Pero alam mo ba na
maraming uri ng halamang ornamental?
Sa modyul na ito, tatalakayin at matututuhan mo ang iba pang
kahalagahan ng pagtatanim ng halamang ornamental at ang ibat
ibang uri nito.

PAGBALIK-ARALAN MO

Basahing mabuti ang mga pangungusap at punan ng wastong


salita ang bawat patlang. Piliin ang sagot sa mga lipon ng mga
salita sa ibaba.
paghahalaman
paligid
pamahalaan

lata
angkop
tubig

1. Kung walang malawak na lugar o taniman maaaring gumamit ng mga


paso o ___ at iba pang uri ng sisidlan.
2. Ang ____ ay isang sining ng pag-aalaga at pagtatanim ng mga
halamang ornamental, gulay at punongkahoy.
3. Ang paghahalaman ay isang gawaing nakatutulong hindi lamang sa
kabuhayan ng mag-anak kundi pati rin sa programa ng ___ tungo sa
pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
4. Ang mga halamang tanim ay nakapagpapaganda rin ng _____.
5. Sa paghahalaman mahalagang piliin mo ang ______ na lugar.

PAG-ARALAN MO

Tingnan mabuti ang mga larawan sa ibaba.

Anong uri ng mga halaman ang nakikita mo?


Ang mga sumusunod ang ibat ibang uri ng halamang ornamental:
1. Aerial Plants
Itoy mga halamang nabubuhay ng nakabitin sa hangin at hindi
itinatanim sa lupa. Silay isinasama sa uling na nakalagay sa bunot at
isinasabit. Mainam itong tanim sa mga lugar na malamig ang klima.
Hal. orchids

2. Aquatic Plants/Halamang Tubig


Ang mga ganitong uri ng halaman ay nabubuhay sa tubig.
Hal. water lily
3. Shrub
Ang mga lamang ito ay matigas ang mga tangkay at hindi gaanong
tumataas. Nabibilang sa ganitong uri ang sampaguita, santan at
gumamela.
4. Herbal plants/Halamang Gamot
Ito ang mga halamang nakapagbibigay lunas sa karamdaman ng
tao.
Hal. Damong Maria, oregano, mayana
sabila
ikmo
sambong
5. Punong prutas
Nabibilang sa uring ito ang mga punong kahoy na namumunga.
Hal. mangga, kaimito, mabolo, santol, guyabano, bayabas
6. Mga punong nagbibigay ng ibat ibang gamit
Itoy mga punong hindi namumunga ngunit napagkukunan naman
ng ibat ibang gamit tulad ng katad, kahoy, goma, at iba pa
Hal. narra, akasya, fire tree

SUBUKIN MO

Nalaman mo na ang mga halamang ornamental. Ngayon ay


tingnan mo kung masasagutan mo ang mga ito.
A. Pagtambalin ang nasa Hanay A sa Hanay B.

1.
2.
3.
4.
5.

Hanay A
Aquatic plant
Herbal plant
Aerial plant
Shrub
Punong prutas

Hanay B
a. Gumamela
b. Orkidya
c. mangga
d. oregano
e. petsay

B. Pag-aralang mabuti ang salita sa loob ng kahon. Isulat sa dulo ng arrow ang
kahalagahan ng pagtatanim ng halamang ornamental. Isulat sa kuwaderno
ang iyong sagot.

Kahalagahan ng
Pagtatanim ng Halamang
Ornamental

TANDAAN MO

Ang ibat ibang uri ng halamang ornamental ay nagdudulot sa atin ng


maraming pakinabang o kahalagahan.
Ang mga halamang ornamental ay ang aerial, aquatic, shrub, herbal,
punong prutas at ang mga punong nagbibigay ng ibat ibang gamit.

ISAPUSO MO

Basahin ang sitwasyon at sagutin ang tanong ayon sa dapat mong gawin.
May batang naglalaro sa gilid ng hardin ng mga halamang namumulaklak.
Nang ikaw ay dumaan, tamang-tama pinipitas niya ang isang bulaklak at
pinaglaruan ito. Anong gagawin mo?

GAWIN MO

Mamasyal sa isang halamanang malapit sa inyo. Magmasid at


suriin ang mga halamang ornamental. Batay sa inyong pagsusuri
gumawa ng isang talahanayan tulad ng nasa ibaba. ilarawan sa
pamamagitan ng pagguhit. Isagawa ang gawain sa kuwaderno.

Pangalan ng Halaman

Uri

Pakinabang na
naidudulot

1.

2.

3.

Larawan

PAGTATAYA

Pagmasdan mabuti ang mga larawan ng halamang ornamental sa ibaba.


tukuyin kung anong uri ng ornamental ito at ipaliwanag ang kahalagahan
nito. Isulat ang pagtataya sa kuwaderno.

You might also like