You are on page 1of 1

Ang Pabula ng Kabayo at Kalabaw

May isang mag sasaka na gustong lumipat ng lumipat ng tirahan, kaya dali
dali niyang inayos ang kanyang mga gamit. Pagkatapos niyang mag ayos ng gamit
isinabit na ng mag sasaka ang mga ito sa alagang kabayo at kalabaw. Maaga palang
ay sinimulan na nila ang mahabang pag lalakbay.
Makalipas ang ilang oras nakaramdam na ng pagod at panghihina ang
kalabaw kaya kinausap niya ang kaibang kabayo.
Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang aking pasan pasan kesa
sayo. Pwede mo ba akong tulungan at pasanin yung iba? pakiusap ng kalabaw.
Aba, iyan ang inilagay ng amo natin sayo eh kaya pag tiisan mo yan sagot
ng kabayo at binilisan pa ang pag lalakad.
Parang awa mo na tulungan mo na ako. Hinang hina na ako sa bigat ng
aking dala. Alam mo namang pag gantong mainit ang panahon kailangan kong mag
lublob sa ilog dahil mabilis mag-init ang aking katawan. Pakiusap padin ng kalabaw
sa kabayo.
Bahala ka dyan kaya mo na yan. Naiinis na tugon ng kabayo.
Makalipas pa ang ilang oras mas tumindi pa ang init kaya hinang hina na
talaga ang kalabaw, at itoy pumanaw.
Nang makita ng amo ang kalabaw dali-dali niyang kinuha ang mga gamit na
nakalagay sa kalabaw at inilipat kay kabayo.
Kung tinulungan ko sana si kalabaw edi sana hindi gantong kabigat ang
pasan ko at hindi ako nahihirapan. Pag sisising pabulong ng kabayo.

Mabuting Aral:
Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi mo
siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na kaparusahan. Ang
mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay magtutulungan.

You might also like