You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

NATIONAL POLICE COMMISSION


PHILIPPINE NATIONAL POLICE
OLONGAPO CITY POLICE OFFICE
POLICE STATION 3, Magsaysay Dr
East Tapinac, Olongapo City
0917-695-8366
22 June 2016

STATEMENT OF ARREST
This is to certify that the following is an excerpt from Police Blotter under Entry
No. 10-241 dated 20 June 2016 page no. 240 has been copied to wit:

Noong ika-20 ng Hunyo, dumulog sa tanggapan ng Olongapo City Pulis Station 3 si


Ginang Maria Hipolito Aragon upang ireport na ang kanyang anak na si Andrea Aragon ay
nabiktima diumano ng human trafficking. Ipinakita po ni Ginang Aragon ang litrato at mensahe
ng kanyang anak na nagsasabing sila ay ibinubugaw ng isang Alex Uy na siyang nagmamay-ari
ng HotBabe Club Olongapo. Bilang unang hakbang ng aming inbestigasyon, nagsagawa kami ng
survey noong ika-23 at 25 ng Hunyo. Ayon sa mga parokyano, mismong si Alex Uy o kilala
bilang Mr. M ang nagbibigay ng mga babae sa kanila sa isang VIP room.
Sa loob dalawang araw ng aming pagmamanman sa suspect, nakakuha kami nang sapat na
ebidensya upang isagawa ang entrapment operation noong ika-30 ng Hunyo. Dumating ako
kasama ang ilang opisyal ng DSWD (Department of Social Welfare and Development) sa bar ng
alas onse ng gabi at sinalubong kami ni Alex Uy na agad niyang nakilala bilang regular customer
kung kayat dinala niya kami sa VIP room. Umalis siya sandali upang asikasuhin ang ibang
customer at pagbalik nga niya ay binulungan niya ako kung gusto ko daw ba ng special service at
pwede ko ring piliin ang babaeng ibibigay sa akin. Tinanong ko kung magkanu ang sinasabi
niyang special service kung gusto kong makasama ang babae sa loob ng tatlong oras. Ayon kay
Alex Uy, ito ay nagkakahalaga ng 10,000 pesos at all the way na daw iyon.
Pagkatapos maibigay ang napagusapang halaga (marked money), dinala nya ako sa kanilang
showroom upang makapili ng babae. Nakita ko si Andrea Aragon at agad ko siyang itinuro.
Dinala ako ni Andrea sa isang kwarto at nagsimulang magtanggal ng damit na agad kong
pinigilan. Nagpakilala ako bilang isang pulis at ipinaliwanag ang aming opersyon na iligtas siya
kasama ng iba pang biktima. Nagtext ako sa mga kasamahan ko na na-secure ko na si Andrea
Aragon at nagbigay ng go signal na hulihin si Alex Uy.
This Certification/Police report is being issued upon request of the interested
party for whatever legal purpose it may serve.
Prepared by:
JOHN LLOYD CADAVIZ
Police Officer 2
Investigator

You might also like