You are on page 1of 3

Dearest Legal Corner:

Nabasa ko po ang nakaraang isyu ng Legal Corner kung saan inyong tinalakay ang
paksang may kinalaman sa pagkakautang. Ang akin pong katanungan ay may
kaugnayan rito. Kamakailan lamang po ay nakatanggap ako ng liham mula sa isang
manananggol na nagpapabatid na kailangan kong bayaran ang aking pagkakautang sa
credit card sa petsang kanilang itinakda at sakaling ito ay hindi ko magawa ay
sasampahan nila ako ng karampatang ligal na aksyon. Ako po ay lubhang nababahala
sapagkat batid kong hindi ko ito mababayaran sa takdang sa panahong kanilang
itinakda.
Nitong mga nakaraang araw ay walang ring patid na ang pagtawag sa telepono ng
kalihim ng manananggol at pinababatid na magbayad na ako sa lalong madaling
panahon upang hindi ako makasuhan.
Masyado nap o akong nababagabag sa kanilang pagtawag. Ano po ba ang
kaparusahang kinakaharap ko sakaling hindi ako makabayad? Makukulong po ba ako
dahil hindi ako nakabayad sa aking pagkakautang sa credit card?
Billy Subas
Kawani
Mahal na G. Subas:
Una sa lahat ay maraming salamat sa iyong pagtangkilik sa Legal Corner.
Ang pangkalahatang alituntunin ay walang sino man ang maaring makulong dahil
sa hindi pagbabayad ng utang. Ito ay saklaw ng Katipunan ng mga Karapatan (Bill of
Rights), partikular sa probisyon ng Seksyon 20, Artikulo III ng Saligang Batas.
Nakasaad dito na, No person shall be imprisoned for non-payment of debt or poll tax.
Sakop din ng nasabing probisyon ang iyong pagkakautang sa credit card,
sapagkat ang halaga ng iyong balanse ay maituturing na bahagi ng iyong obligasyong
nag-uugat sa kasunduan/kontrata sa pagitan mo at ng bangkong nangangasiwa ng
paksang credit card. Ibig sabihin ay hindi ka rin maaring ikulong dahil sa pagkabigo
mong bayaran ang natitirang balanse, ngunit katulad ng karaniwang utang, maari ka pa
rin nilang sampahan ng kasong sibil (Collection of Sum of Money).
Samantala, Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay nagpalabas ng panuntunan para
sa tamang pagsingil ng mga utang sa credit card. Alinsunod sa Seksyon 7 ng Sirkular
Blg. 454, Serye ng 2004 na dapat maging patas at makatwiran ang bangko at ang
kanyang mga ahente sa paniningil at pagkolekto ng mga utang gamit ang credit card.
Inilatag din sa nasabing sirkular ang mga ipinagbabawal na gawain sa paniningil ng
utang, at ito ay ang mga sumusunod:

a) The use or threat of violence or other criminal means to harm the physical
person, reputation or property of any person;
b) The use of obscenities, insults or profane language that amounts to a criminal
act or offense under applicable laws;
c) Disclosure of the names of credit cardholders who allegedly refuse to pay
debts, except as allowed by the Rules;
d) Threat to take any action that cannot legally be taken;
e) Communicating or threat to communicate to any person credit information that
is known to be false including failure to communicate that a debt is being
disputed;
f) Any false representation or deceptive means to collect or attempt to collect any
debt or to obtain information concerning a cardholder; and
g) Making contact at unreasonable/inconvenient times or hours which shall be
defined as contact before 6 a.m. or after 10 p.m., unless the account is past due
for more than sixty (60) days or the cardholder has given express permission or
said times are the only reasonable or convenient opportunities for contact.
Kung inyong mapapansin isinasaad sa talata (g) na maari ka talagang tawagan
ng mga ahente at kolektor ng bangko upang singilin sa iyong pagkakautang. Dapat mo
ring mabatid na ang pagkabigo mong bayaran ang iyong utang sa credit card ay
maaring humantong sa pananagutang kriminal kung mapapatunayang my intensyong
kang manlinlang o manloko. Nakasaad sa Section 14 (f) ng Republic Act No. 8484 na
kilala bilang Access Device Regulation Act of 1998 na:
anyone who obtains money or anything of value through the use of an access
device, with intent to defraud or with intent to gain and fleeing thereafter is
criminally liable, punishable with a fine and imprisonment
A cardholder who abandons or surreptitiously leaves the place of employment,
business or residence stated in his application or credit card, without informing
the credit card company of the place where he could actually be found, if at the
time of such abandonment or surreptitious leaving, the outstanding and unpaid
balance is past due for at least ninety (90) days and is more than Ten thousand

pesos (P10,000.00), shall be prima facie presumed to have used his credit card
with intent to defraud.
Bagamat hindi ka maaring sampahan ng kasong criminal, maari pa ring maghain
ng reklamong sibil para sa koleksyon ng iyong pagkakautang ang bangko upang
masingil ang halagang iyong nagamit at sakaling sila ay katigan ng hukuman, maari
nilang isubasta ang iyong mga ari-ariang hindi natitinag at natitinag.
Gayunpaman, nararapat pa ring iyong pagsumikapang bayaran ito alinsunod sa
iyong kakayahan. Hinihimok kitang lumiham sa bangkong nag-isyu ng iyong credit card
upang humiling ng palugit o restructuring of loan/debts upang kahit papaano ay
makatupad ka sa iyong mga obligasyon magbayad.
Nawa ay nabigyan ka naming ng sapat na kaliwanagan sa iyong katanungan.
Maraming salamat sa iyong pagtitiwala.
Sumasainyo,
Legal Corner

You might also like