You are on page 1of 2

Batas sa Pinas - Simplified.

12 March 2014 ·
Loan
(Pautang o Pahiram)

Ang loan ay ang pagpapahiram ng gamit o pera upang magamit, na dapat ding ibalik sa
katumbas na halaga, ng humiram. Sa pagpapahiram ng pera, ito ay maaring may
interest o wala.

Ilan sa Mga Dapat Tandaan:

1. Nagkakaroon ng Loan kapag naibigay na ang pera na hinihiram sa umuutang. Hindi


kailangan ng nakasulat na kontrata para sa loan, maliban nang may kasunduan sa
pagbayad ng interest na dapat ay nakasulat.
-Samaktuwid, kapag HINDI NAKASULAT ang Interest, HINDI KAILANGAN BAYARAN!
Hindi rin pwedeng singilin.

2. Kapag ang halaga ng loan ay hindi bababa ng Php500.00 ito ay dapat nakasulat
ayon sa Statute of Fraud para magamit na ebidensya sa korte. Art 1403(d).

[Please help us by SHARING this and SUBSCRIBING to] 👇

https://youtube.com/c/Motourney

3. Usury Law. Ang 'Ceiling Rate' na 12% per annum sa Usury Law, ayon sa Supreme
Court, ay 'effectively suspended' ng Section 1, CB Circular 905-82; at sa Section 2 nito
ay itinalaga ang 12% per annum bilang (Old) Legal Rate. Samaktuwid, simula pa ng
1983 ay malaya na ang nagpapautang at nangungutang na magkasundo ukol sa kung
magkano ang rate ng interest na babayaran--pwedeng humigit sa 12% per annum.

4. Exorbitant; Excessive; Unconscionable; Outrageous; Shocking to the Court's


Conscience; Iniquitous; (but not "Usurious")

-Sa kabila ng 'effective suspension' ng Usury Law, ang Supreme Court (SC), sa
maraming pagkakataon, ay binawasan (equitably reduced) ang napagkasunduang
interest dahil, ayon sa Korte, ito ay 'exorbitant', 'excessive', 'iniquitous' o hindi
makataong interest at LABAG SA BATAS AT MORALIDAD, samakatuwid, 'void ab
initio' (Art1306). Castro vs Tan, 2009.

-Sa Castro vs Tan, Nov 24, 2009: Pinagtibay (Affirmed) ng SC ang ginawang pagbawas
ng Regional Trial Court (RTC) sa interest na sixty (60) percent per annum o 5% per
month na ginawang twelve (12) percent per annum o 1% per month (Old Legal Rate).

-In Ruiz vs CA, 2003: Ang interest na 3% per month o 36% per annum ay ibinaba ng
SC sa 12% per annum (Old Legal Rate)
-Sa T&I Dev Corp of the Phil vs Roblett Industrial Corp, 2006: Binawasan ng SC ang
interest na 18% per annum na gianawang 12% per annum (Old Legal Rate), HINDI
dahil exorbitant o hindi makatao ang interest kundi dahil lumaki masyado ang utang
(Php45M = 4x ng Principal Utang) mula ng mai-file ang kaso noong taong 1990-2006
(16yrs ago).

-NOTE: Ang New Legal Rate natin ngayon ay 6% per annum (Sec1, BSP Circular No.
799-2013). Kaya kung magkakasundo ukol sa interest rate ay HUWAG MASYADONG
MATAAS, baka ibaba sa 6% per annum (New Legal Rate). Lugi ka.

5. Compounding Interest. Ang pagsama ng interest sa kabuoang halaga ng utang at


pagpataw ng panibagong interest doon ay legal kung napagkasunduan at nakasulat.
Art1956, Art1959.

6. Penalty/Surcharge. Ang kasunduan ukol sa Penalty/Surcharge ay legal. Ang Penalty


ay hiwalay at iba sa pag compute ng Interest. Art2209

-Sa Macalinao vs BPI, September 2009: Ang 3% per month o 36% per annum na
Penalty/Surcharge ay binaba ng SC sa 2% per month o 24% per annum.

-Kailangang SINGILIN (extra-judicial or judicial demand) muna bago maging delay ang
nangutang; at maipataw ang Penalty/Surcharge, maliban nang hindi ito kailangan.
Art1169.

7. Sa pagpapautang, Huwag kalimutan ang Magic Phrases.


-"...until paid."
-"without need of demand."

8. Walang nakukulong sa Utang o Loan, maliban nang may Panloloko o Estafa (Art 316,
Revised Penal Code).

Arranged by: J.M.Sergio

You might also like