You are on page 1of 2

Mabangis na Lungsod ni Efren R.

Abueg
03/05/2013

21 Comments

I. Panimula
Ang Maikling Kwento ay isang akdang pampanitikan na binubuo ng mga elemento katulad ng
tauhan, tagpuan at banghay. Ito ay maaring piksyon o di-piksyon na nagmumula sa mga kwento ng
totoong buhay o likha lamang ng mambabasa.

II. Formalistiko
A. Buod
Ang kwento ay umiikot sa batang si Adong na gumigising ng maaga at nagtutungo sa
Quiapo upang mamalimos upang siya ay magkaroon ng pagkain na kanyang maipantatawid gutom. Si
Adong ay labindalawang taong gulang. Sa murang edad ay naranasan na ni Adong ang kahirapan ng
buhay. Namuhay rin siya ng walang mga magulang na mag-aaruga sa kanya.
B. Mga Elemento
1. Tagpuan
Naging dominante na naganap ang mga pangyayari sa tapat ng Simbahan ng
Quiapo.
2. Tauhan
Ang mga tauhan ay sina Adong, Aling Ebang at Bruno.
3. Banghay
Maagang-maagang gumigiosing si Adong upang magtungo sa tapat ng Simbahan ng
Quiapo at siya ay mamalimos upang siya ay magkaroon ng pagkain na ipantatawid niya sa gutom na
kanyang nararamdaman. Ngunit nagugulat ang mga namamalimos sa tapat ng Simbahan ng Quiapo
kapag dumarating na ang mayabang at nagpapaka-haring si Bruno. Lahat sila ay natatakot kay Bruno.
Lahat ng kanilang napapalimos ay napupunta lamang kay Bruno.Si Bruno ang nakikinabang ng lahat ng
ito.
4. Panimula
Nagsimula na naman ang panibagong araw para kay Adong upang mamalimos sa
tapat ng Simbahan ng Quiapo na ipambibili niya ng pagkain niya.
5. Saglit na Kakintalan
Ang lahat ng napalilimos ni Adong ay kinukuha ni Bruno ng hindi man lamang ginusto
ni Adong. Ngunit walang magagawa si Adong kung hindi magaing malungkot.
C. Papataas na Aksyon
Sobra ang takot na naramdaman ni Adong dahil nakita niyang papalapit sa kaniya ang
mayabang na si Bruno upang kuhanin ang kanyang mga napalimos na mga pera.
D. Kasukdulan
Takot na takot na nagtago si Adong upang hindi siya makita ni Bruno dahil paparating
na ito. Pero sinabi ni Aling Ebang na nakita na siya ni Bruno na nagtago.
E. Pababang Aksyon
Binigay na lamang ni Adong ang perang nalimos dahil natatakot siya baka kung ano
ang gawin sa kanya ni Bruno.
F. Wakas
Ang Wakas ng akda ay naging mapagbigay pa rin ni Adong kahit na siya ay inaabuso
na ni Bruno.
G. Tunggalian
Ang uri ng tunggalian ay TAO LABAN SA LIPUNAN dahil kalaban ni Adong ang
kanyang lipunang ginagalawan dahil sa nararanasan niyang kahirapan.
Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa
kapaligiran

You might also like