You are on page 1of 19

Ang karunungang bayan ay isa sa mga sinaunang panitikan ng Pilipinas na

tumutukoy sa mga aral na nagmula sa pang-araw araw na pamumuhay ng


ating mga ninuno na nagsisilbing batayan at gabay hanggang ngayon. Ang
mga sawikain, salawikain at kasabihan ay mga uri ng karunungang-bayan.
Isang tanyag na halimbawa ng salawikain ay ang "Puri sa harap, sa likod ay
paglibak", at "kaibigan kung meron, kung wala'y sitsaron". samantalang ang
mga halimbawa ng sawikain ay " alilang kanin, balitang kutsero, at buwaya sa
katihan. Ang mga halimbawa naman ng kasabihan ay "ang hindi marunong
lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan".

Ano nga ba ang katangian ng bugtong? Ayon kay Almario, ang bugtong ay isang anyo ng
tula na nagpapakita ng talim ng pangmasid. Sa loob ng dalawa o mahigit pang taludtod,
sinisikap ipahayag ng nagpapabugtong ang natuklasang kakaiba at kakatwa sa kalikasan.
Ang anumang napansing anomalya sa kaligiran at sa buhay ay itinatanghal sa paraang
mahiwaga at kagila-gilalas. 1

Sa mga salita ni Charles Francis Potter sinabi niya na,

From the olden times, as an early exercise of the primitive mind in its
adjustment to the world about it, comes the riddle The fresher the vision,
when the world was young, so much keener was the interest in the
phenomena of nature, in the phenomena of life, and in the simple
institutions which surrounded man. All harmonies and fitnesses, all
discrepancies and inconsistencies attract the notice of children and the
childlike man. Hence children love riddles; hence savages and primitive
people put them. All folklore is full of them. They are the mystery and at
the same time the rational ism of the juvenile mind. As civilization advances
they still sustain life, but they grow more complicated, more conscious and
ex-acting, as the simpler relations become commonplace, and interest in
them fades and wears off ( Potter 1972, 939).2
Idinagdag pa niya na:

[Riddles] are essentially metaphors, and metaphors are the result of the
primary mental processes of association, comparison, and the perception of
likeness and differences Possibly confirmatory of their antiquity, too, is the
ubiquitous element of humor and wit. The essence of the ludicrous is the
unexpected, so the laughter of primitive and simple-minded men and of little
children is easily ex cited by the sudden discovery of similarity in two objects,
which a person would not ordinarily expect to resemble each other. Sophisticated
persons and those of orthodox mind, whether that ortho doxy be of religion, social
custom, or materialistic science, seldom appreciate or even understand riddles (Potter
1972,938).3
Si Archer Taylor, isang kinikilalang otoridad sa bugtong, ay kinilala ang ilan sa
mahahalagang anyo ng bugtong:

the true riddle (or, in brief, the riddle); the neck riddles; the arithmethical
puzzle; the clever questions with its several types, notably the biblical question
or reader; and the conundrum. 4

Ang lahat ng anyo ng bugtong na ito ay binigyang-kahulugan ni Taylor bilang:

The true riddles is a description of objects in terms intended to suggest entirely


different. The neck-riddle narrates an event known only to the poser of the
riddle. By thus, settling an insoluble puzzle, the poser, who is condemened to
death, hopes to save his neck. Clever questions of several sorts demand the
possession of special knowledge on the hearers part, the performance
of an arithmetical calculation or acquaintance with a detail of biblical history.
The conundrum, or witty question, owes its point to an ingenious combination
of conflicting or heterogeneous ideas, it often plays with puns.5
Ngunit ano nga ba talaga ang maaaring maiugnay na pagpapaiwanag hinggil sa bugtong?
Ang bugtong ay isang aliwan ng batat matanda. Kaya inaasahang may dalawang antas ang
mga ito, may pangkat ng bugtong na higit na magaang at pambata kaysa higit na mabigat
lurukin at pangmatanda. Isa itong laro na humahamon sa kapangyarihan ng obserbasyon at
sa matalik na kaalaman ng tao sa kaniyang komunidad at daigdig. Ngunit sapagkat isang
laro ay laging may sangkap ng masayahing himig. (Sino ang may sabing laging malungkutin
ang tulat awit ng mga Filipino?) Kaya tigib ito sa siste at diwaing mapagpatawa. Mas
nakatatawa, mas mahusay. Ang hiwaga o gilalas ay pinatitimyas ng masayahing himig.
Anupat ang layuning masayahin ng bugtong ang tiyak na nagdidikta sa masayahin ding
mga sangkap ng anyo nito.

Halimbawa:

Isda ko sa Mariveles

Nasa loob ang kaliskis.


Maliwanag ang paksa ng bugtong na ito: ilarawan ang isang isdang kataka-taka na
natagpuan ng nagpabugtong sa Mariveles. Nakakita na rin ba kayo ng isdang nasa loob ang
kaliskis? Ngunit bago lurukin ang bugtong, masdan ang katangian nitong biswal sa
pagkakasulat o pagkakalimbag. May dalawa itong taludtod na halos magkasinghaba ang
itsura. Mapapansin ding halos iisa ang tunog ng mga dulong salita. Gayon ang anyo nitong
biswal, dahil may sukat ito at tugma. Na katangian ng lahat ng tradisyonal at sinaunang
tula sa Filipinas.May sukat itong wawaluhin at tugmang katinig. Narito pa ang isang bugtong
na gumagamit ng isdang nataka-taka:
Isda ko sa Quilao-Quilao

Hindi mahulit may pataw.

Parehong-pareho ang anyong biswal ng dalawa. Iisa maging ang padron ng pahayag, halos
magkatulad ang unang taludtod maliban sa binanggit na pook. Dito makikita na sa ganitong
bugtong, ang unang taludtod ay isa lamang paglalatag ng impormasyon samantalang sa
ikalawang taludtod nagaganap ang pagiging bugtong nito. Tulad ng unang bugtong,
wawaluhin din ang sukat ng ikalawang bugtong; at may isahan ding tugmang katinig.

Gayunman, may malaking pagkakaiba ang dalawa kapag tunay na pinaghambing. Bilang
bugtong, mataas ang kalidad ng ikalawa kaysa una. Sa paanong paraan? Unang titigan ang
binanggit na pook na kinakitahan sa isda. Mariveles sa una, Quilao-Quilao sa ikalawa.
Maganda ang Mariveles bilang pangalan. Maaaring korupsiyon ito ng Espanyol na
maravilla na mula sa Latin na mirabilis at nagsasaad mismo ng kahulugang kataka-taka.
Hindi ka dapat magtaka sa isdang may kaliskis sa loob dahil bayan iyon ng Kataka-Taka.
Ngunit ito rin ang limitasyon ng bugtong. May totoong bayan ng Mariveles, Bataan. Sa
gayon hindi puwedeng gamitin ang bugtong doon at mabubukong likhang-isip lamang. O
kung nagkataong may pilosopilyo sa naglalaro at sinabing taga-Mariveles siya ay
mababawasan ang bis ng pagiging pantastiko nito. Hindi nasasaklaw ng ganitong
limitasyon ang Quilao-Quilao. Sa kasalukuyan nitong ispeling, lalo itong mistulang isang di-
kilalang lupain ng kataka-taka, na kapag totoong niliripKilaw-Kilaway nagdudulot naman
ng nakaaaliw na laro sa paraan ng pagkilos ng isda. Ang pangalan mismo ng bayan ay
nagpapatunay na isa itong bayan ng isda.
Ngayon, suriin naman ang pambugtong. Sa una, nasa loob ang kaliskis. Kataka-taka
ngunit waring pisikal na anomalya lamang sa kalikasan. Kahawig lamang ito ng mga
kakatwa sa Guinness World Record, ng baboy na dalawa ang ulo o lalaking buntis sa front
page ng mga tabloid. Sa bagay na ito higit na mahiwaga ang hindi mahulit may pataw.
Nagdudulot ito ng parikal (irony), na isang di-karaniwang tayutay sa pagtula. Paanong
hindi mahuhuli ang isang isda na may pataw na pampabigat at pampabagal sa pagkilos
nito? Sa ganitoy higit na mahirap hulaan ang bugtong sa dila kaysa bugtong sa sili.
Sinabi naman ni Eugenio na Riddles belong to large class of enigmatic and puzzling
questions that one person poses to another during a riddling session. They rank with myths,
fables, folktales and proverbs, most riddles are characterized by brevity, wit and felicitous
phrasing, and as such effective ways of transmitting folk wisdom to succeeding generations
in capsule form.6

Ang Ugnayang Bugtong at Salawikain sa Kulturang Filipino


Narito ang isang halimbawa ng higit na mahaba at palagay koy higit ding masalimuot na
bugtong:
Ang bahay ni Ka Tale

Haligiy bali-bali;

Ang bubong ay kawali,

Ang loob ay pusali.

Higit na mahaba ito, may apat na taludtod, at sa gayoy may higit na detalyeng
pambugtong ang paglalarawan sa mga haligi, bubong, at loob ng bahay ni Ka Tale.Sa
biswal na anyo nitong may apat na taludtod at may sukat na puipituhin ang bawat taludtod
ay isa rin itong tanaga. Mas mataas din ang antas ng tugma. Ang dalawang naunang
bugtong ay nasa antas lamang ng tugmang karaniwan. May tunog na pantigan ang
Mariveles at kaliskis at ang Kilaw-Kilaw at pataw ngunit hindi magkaantas ang
bigkas: Malumay ang Mariveles ngunit mabilis ang kaliskis, samantalang mabilis ang
Kilaw-Kilaw ngunit malumay ang pataw. Sa kabilang dako, dalisay sa tunog at sa
bigkas ang Tale at bali-bali at ang pares ng kawali at pusali kay maaaring ituring na
may dalawahang tugmang sunuran ang tanaga: aabb.

Ngunit may isa pang marikit na katangian ang Bahay ni Ka Tale na wala sa dalawang
bugtong ng isda. Isa itong bugtong tungkol sa alimango. Ngunit naglilingkod din ito sa ibang
uri ng maikling tula. Isa rin itong salawikain at maaaring ituring na isang komentaryong
panlipunan. Ang bahay ni Ka Tale ay maaaring isang pagpuna sa bahay ng bansa. Ang
katawa-tawang bugtong tungkol sa kakatwang itsura ng alimango ay isa ring mapang-uyam
na paglalarawan sa kawalan ng kalinisan at katumpakan ng bagay-bagay sa isang tahanan
o sa isang bansa.

Ang uri ng Bahay ni Ka Tale ang tinatawag kong bugtong-salawikain. Ito rin sa palagay ko
ang binhi ng mahusay na makabagong tula. Mahirap na gawain ito para sa makata. At
siyempre, naghahanap din ng di-karaniwang paghihirap at tiyaga sa panig ng bumabsa
upang ganap na mapahalagahan. Sa loob ng klase, nakasalalay sa pambihira ring tiyaga at
pagsisikap ng guro ang matagumpay na pagbsa sa ganitong panitikan bilang panitikan.

Ang bugtong ay saligan sa paraan at sistema ng pananalinghaga. Nakapaloob sa bugtong


ang katibayan ng malikhaing pag-ugit sa haraya. Umiiral din sa nasabing anyo ang
pambihirang disiplina sa wika upang angkop na mailaman ang kaisipan o damdamin sa
lalong pinakamaikling pananalita. Sa gayon, ang salimuot ng diwa at sari-saring taktikang
pampanulaan sa bugtong ay maaaring pamantayan sa antas ng kamalayan at karanasang
Pilipino.

Karaniwang ginagamit ang bugtong sa paligsahan ng palaisipan. Kung may pagdiriwang o


umpukan, nagiging laro ito para subukin ang kakayahan ng isat isa sa pagmamasid ng
bagay-bagay. Isa ang magsisimula sa pamamagitan ng pagpapahula sa mga kaumpok ng
isang bagay, at kung masagot, ang sumagot ang siya namang bibigkas ng bugtong para
sagutin ng lahat. Magpapatuloy ang laro hanggang sa masaid ang alam na bugtong ng mga
magkakaharap.

Ngunit sa sinaunang lipunan, ang bugtong ay hindi isang laro lamang. Bukod sa pag-aaliw,
nagagamit ito sa edukasyon ng kabataan at sa pagpapatalas ng kapangyarihang magmasid,
mag-isip at maghambing. Sapagkat malimit na nauukol sa bagay-bagay na makikita sa
paligid, ang bugtong ay isang uri ng pagpapamalay sa kabataan tungkol sa komunidad at
daigdig. Hinahamon din nito ang isip para bumuo ng mga lohikong pagtutulad ng mga
bagay na sa unang wari ay kataka-taka. Sa gayon, ang disiplina sa pagbuo ng bugtong
gayundin sa pagsagot nito ay nagbubukas ng bagong karanasan sa bawat isa
nagpapamalay ng di pa alam na kilatis sa isang bagay na kung tutuusin ay alam na alam na
at nagtuturo ng bagong pananaw sa katotohanan ng bagay-bagay.

Sa panahon ngayon kung saan, napakabilis pagbabagong nagaganap partikular sa pag-


unlad sa larangan ng agham at teknolohiya ay ito na rin ang nagiging tuon ng mga pangkat
sa lipunan bilang malaking bahagi ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Ang mga
pagbabagong ito na dala ng mga makabagong kasangkapan at teknolohiya ang nagsisilbing
lalong tagapagpahina ng tradisyunal o sinaunang kinagisnan nating mga Pilipino kagaya na
lamang ng paggamit sa bugtong bilang isang libangan at tagapagpatalas ng isipan. Nauwi
na ang atensyon ng tao sa paggamit at paglalaro ng mga bagong labas na gadget na uso at
mainit na tinatangkilik ng karamihan lalot higit sa Kamaynilaan.

Kaya naman tila naging isang napakalaking hamon para kay German V. Gervacio na
lumikha ng isang mumunting aklat ng mga bugtong na tumatampok sa mga paksain
nakapaloob sa kamalayang Pilipino sa ika-21 siglo.

Aniya, batid niya ang malaking impluwensya sa makabagong panahon ng ibat ibang salik
ng lipunan at kultura na nagiging dahilan upang unti-unting gumuho ang tradisyunal o isa
na marahil sa pinakamatandang anyong pampanitikan. Malinaw na ang aklat na kaniyang
nilikha ay naglalayong bumuhay sa isipan ng mga Pilipino hinggil sa naging impluwensya ng
teknolohiya at modernismo at kung paano nito unti-unting ginugunaw ang mundong nauna
nang nilikha ng bugtong.

Ngunit sa halip na hamakin ang teknolohiya at modernisasyon sa pagkawasak ng mga


bugtong ay ito pa ang nagsilbing daluyan ni Gervacio ng kanyang mga makabagong
bugtong na siyang tumatalakay sa mga bagay, imahen, kahulugan at prinsipyong
nakaugnay sa mga ito.

At upang maipakita niya na siya ay may pantay na pagtingin sa lahat ng wika sa Pilipinas ay
hindi ito naging eksklusibo lamang sa isa o dalawang pangunahing wika. Sa halip, ay
nagbigay din siya ng mga bugtong na halaw sa Kabisayaan at sa kapuluan ng Mindanao.

Bukod pa sa mga bugtong ay ibinigay rin niya ang mga katangian at istruktura ng bugtong
na nabanggit sa Vocabulario de la Lengua Tagala. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Ito ay isang pagsubok sa siste. Inaasahan na ang bugtong na hulaan ng tagapakinig
ang mga bagay na tinutukoy sa pamamagitan ng pagkilala sa pagkakatugma ng literal
na paglalarawan at kung ano talaga ang bagay na iyon.
2. Isang uri ito ng Initiatory form of oral lore. Pagmumulat ito at pagpapatalas ng
sensibilidad ng tagapakinig upang salatin mula sa kaniyang karanasan kung ano ang
tamang sagot sa bugtong.
3. Bukod sa sinusubok nito ang siste at talim ng isip ng tao, nagiging pagsubok na rin
ito ng gunita at alaala.
4. Gumagamit ang bugtong ng mga literal na katotohanan. Ngunit para masagot ito,
kinakailangan ng metaporikal na pagtingin.
5. Dahil inaangat nito ang kasanayan sa pag-oobserba ng mga kasangkot, ang
pagsagot sa bugtong ay isang pagkilos ng imahinasyon at hindi ng lohika. Nagdudulot
ang pagsagot sa bugtong ng kapangyarihan ng kalikasan, ang kalikasang madalas ay
mas mahirap maunawaan.
6. Nilalayon ng bugtong ang aktibong pakikisangkot ng mga tagapakinig.
7. Ang unang linya ay nagbibigay ng pangkalahatang impresyon ng paksa sa
pamamagitan ng talinghaga.
8. Ang pangalawang linya ay nagbibigay ng clue o himaton na nagdudulot ng
komplikasyon. 7

Batayang salik ng bugtong ang pananalinghaga. Kailangan ng matalisik na pangmasid para


mailarawan ang isang bagay sa paraang hindi karaniwan at nakagugulat. Halimbawa, ang
bugtong na ito:

Tatlo sa ulo, apat sa tiyan

Sa puwitan, mga tuhod,

nag-uumpugan.

(Hal. B1)

Sagot: FX

Ang sagot sa bugtong ay FX. Ngunit kailangan muna ang matiyagang pag-iisip para
makuha. Bukod sa dapat malinaw ang itsura ng ulo, tiyan, puwitan at tuhod bilang mga
bahagi ng katawan ng tao, kailangang maiugnay ang paglalawaran para maiugnay ito sa
katangian ng FX. Sa loob ng mga taludtod, lumilitaw na ang pinakasusi lamang sa paglutas
ng hiwaga ay ang tungkol sa pagsusog sa larawang mabubuo para matukoy ang paksa.
Ngunit, kung hindi maiisip na ang FX nga ay naglalaman ng tatlo sa harapang bahagi nito,
apat sa gitna at nag-uumpugan ang tuhod ng magkakaharap na taong nakaupo sa likuran
ay hindi kaagad mahuhulaan ang palaisipan.
Gayunman, ang talinghaga ay napagitaw nang walang ginagamit na di-karaniwang salita.
Ang tatlo,ulo, apat, tiyan, puwitan, tuhod ay mga salitang alam ng nakararami sapagkat ito
ay numero at bahagi ng katawan ng tao. Isa ito sa halina ng pananalinghaga ng bugtong ni
Gervacio.
Tumapak ako sa impyerno;

Mayamaya, nasa langit na ako.

(Hal. B5)

Sagot: escalator
Ganito rin ang makikita sa bugtong na ito. Ang sagot sa bugtong ay escalator. Karaniwan
at alam ng lahat ang inilalahad, pati na ang pinapaksang bagay. Ang higit na mahalaga ay
ang di-karaniwang pagtuklas sa katangian at kaugnayan ng bagay-bagay. Sa ganito lalong
nagiging kataka-taka ang paghahambing.
Wala ring dapat maging puwang ng kalabuan sa bugtong. Ang ibig sabihin ay iisa at walang
ibang sagot. Kapag nagkaroon ng dalawa o higit pang interpretasyon, ang bugtong ay
nawawalan ng bisa.

Patok sa takilya

Hindi naman pelikula,

Pinipilahan ng gutom

na masa.

(Hal. B101)

Sagot: NFA rice


Sasabihing maraming puwedeng maging sagot sng bugtong na ito. Maaaring ito ay
maging feeding program o Lotto. Hindi gaanong naiiba, sa gayon, ang hiwaga ng palaisipan.
Ngunit bunga ng iba pang sangkap na pampanulaan na ginagamit sa bugtong, ang sagot ay
sadyang isa lamang NFA rice. Ang paghangad ng mga nagugutom na tao sa uri ng bigas
na ito ay inihalintulad sa pagpila ng mga tao sa panonood ng pelikula. Bukod pa sa ganitong
pagtatanggal sa iba pang posibleng sagot, ginamit pa ni Gervacio ang huling taludtod bilang
tulong sa paglutas.
Ang ganitong paraan ng paglalaro ng salita ay isang birtud ng iba pang bugtong ni Gervacio.
Halimbawa, sa bugtong na ito:

Pagkagat nang madiin,


Naiiwan ang ngipin.

(Hal. B65)

Sagot: stapler
Ang sagot ay stapler. Iwinangis ang isang madiing pagkagat na nagdulot ng pagkaiwan ng
ngipin ay itinulad sa aksyon at bakas na naiiwan ng kapag ginagamit stapler.
Mapapansin na bagamat makabago ang paksa ng mga bugtong na itinanghal ni Gervacio
nananaig pa rin ang layuning pangmadla. Ang mga bagay na pinapaksa ay alam ng madla.
Ang mga salitang ginagamit ay karaniwang payak at madaling maunawaan ng lahat.

Ngunit hindi mararamdaman ang pagsikil sa kalayaang indibidwal ng makata. Naipakilala


niya ang kanyang malikhaing sarili sa pagpapasok ng makabagong pananaw at
modernisasyon ng mga bagay-bagay at pambihirang pasapol sa kahulugan at salimuot sa
mga salita. Sa pamamagitan ng mga talinghaga, nabubunyag ang kahusayan at talino ni
Gervacio para makapagturo ng makabagong lohika at paghahambing. Mula sa mga
karaniwang mga salita, gaya ng, ulo, tiyan, impyerno, langit, ngipin ay nagaganyak niya
ang masa na magsiyasat sa paligid at pagyamanin ang kanilang karanasan. Itinuturo ng
kaniyang talinghaga ang pagpapatalas ng pandama upang higit na magagap ang hiwaga ng
daigdig.

Makikita rin ang mataimtim na paglahok ng makata sa gawin ng lipunan. Bahagi siya sa
pagbubunyag ng misteryo ng paligid sa kontemporaryo at modernisadong panahon. Sa
gayon ang kaniyang mga bugtong ay isang malaking ambag para sa muling pagbuhay sa
interes at kamalayan ng masa hinggil sa tradisyunal na anyong pampanitikang ito. Ito ay
pagsulong ng kamalayan at pandama at hindi pampalabo at panlilinlang.

Ang Anyo at Istilo ng mga Bugtong sa Pilipinas


Nagbigay si Eugenio ng mga pamantayan ng katangian ng mga bugtong sa Pilipinas na ayon
sa kaniya ay maaaring nasa anyong patula at o tuluyan. At ang pinakapaboritong anyo ng
bugtong na patula ay may tugma at may dalawang linya, gaya na lamang ng kaniyang mga
ibinigay na halimbawa:

Isang bayabas

Pito ang butas. (ulo)


Bahay ko sa pulo

Balahiboy pako. (langka)

Isda sa quilaoquilao

Di mahulit may patio. (dila)

Balay ni Sta. Ana

Palibut sin Espada. (pina)

Kung minsan naman, ang mga linya ay mayroong di pantay na haba; subalit ang mahalaga
ay nagtutugma ang mga ito:

Balong malalim

Puno ng patalim. (bibig)

Dagdag pa ni Eugenio, more striking effects are achieved when the rhyming lines are: (a)
balance or parallel statements; and (b) parallel statements expressing contrast.8

(a) Araw-araw bagong buhay,

Taon-taon namamatay.

(kalendaryo)
Sarsang di mapagsawsawan

Parilyang di-mapagihawan.

(sarsaparilya)

(b) Mataas kung nakaupo

Mababa kung nakatayo.

(aso)

Duwag ako sa isa

Matapang ako sa dalawa.

(tulay)

Ilan pa sa mga katangian ng bugtong ayon kay Eugenio ay ang metapora. Aniya, Imagery.
As with proverbs, much of the beauty and charm for riddles lies mainly in what Potter calls
the startling beauty of imagery the simple native mind is capable of thinking and
expressing. It is the metaphoric riddles, which with their fanciful but apt and striking
imagery give artistically accurate pictures of the object being described, that one
remembers the best. Even a cursory examination of Philippine riddles will reveal the
richness and variety of imagery, giving us insights into the workings of the imagination and
methods of perception of the folk mind.9
Bukod sa mga ito, ang ilan pang istaylistikong kasangkapan sa bugtong ay ang paradoha o
ang kabaliktaran ng kung ano ang inaasahan. Halimbawa:

Nang maalalay naiwan


Nadala nang malimutan.

(amor seco)

Kung babayaan mong ako ay mabuhay

Yaong kamatayay dagli kong kakamtan;

Datapwat pag akong minsanang pinatay

Ang buhay kong ingat lalong magtatagal.

(kandila)

Ang Kahalagahan ng Bugtong ni Gervacio sa Panahong Elektroniko


Malinaw sa mga ipinakitang bugtong ni Gervacio ang kaniyang pinaghuhugutang
ideolohiya ng paglikha at paggamit ng bugtong. Hindi nga lamang ito simpleng pagsubok
upang maunawaan o mahulaan ng mga mambabasa o tagapakinig, sapagkat
nangangailangan pa ng kritikal at mapanuring pagsusuri ng mga pisikal na penomena at
proseso sa loob ng mga bugtong. Bukod pa rito makikita sa mga bugtong ni Gervacio na
hinuhubog niya ang mga malay at kawalmalay ng mga tagapaghula. Kaya naman ang
kaniyang mga bugtong ay malinaw na kakikitaan hindi lamang ng mga pisikal na penomena
kundi pati na rin ng sosyal, politikal, ekonomikal, sikolohikal, sosyo-politikal at sosyo-
historikal na penomena. Ang mga penomenang ito ay umiiral sa kahit saan at kahit kailan at
siya ring humuhubog upang lumikha ng komunidad ng bugtong.
Kaya naman ang bugtong na:

(1) Aso ako ng puti

Inutusan ako palagi

Upang maka-loan mulit muli.


Clue: cute po ako at hate ko ang mga terrorist

Sagot:

(2) Aso kong pungggok

Sa tronoy iniluklok

Nang pababain ay naghimutok

Clue: hate po niya mga terrorist at cute siya

Sagot:

(3) Patok sa takilya

Hindi naman pelikula

Pinipilahan ng gutom

na masa.

Sagot: NFA rice

ay hindi lamang nagpapahiwatig ng isang ordinaryong pisikal na kalagayan subalit isang


penomenong nakaangkla sa politikal at ekonomikal na kalagayan. Sa ganitong paraan,
masasabing ang mga bugtong ni Gervacio ay sumisilip sa mga karanasan ng mga tao at ito
ay nalikha sa panahon ng kontemporanyong panahon. Nagpupimiglas at nadudumilat ang
ibat ibang konsepto mula sa ibat ibang kamalayan hatid ng mga karanasang ito.
Sa unang bugtong malinaw na may konsepto tayo ng pagsunod sa kautusan ng mas lalong
malakas o may hawak ng kapangyarihan. Ang karanasang ito ay normal na penomena
partikular sa mahihirap na bansa na walang ibang paraan kundi mangutang sa
mayayamang bansa. Ang konseptong ito ay nanatili.

Ang ikalawang bugtong ay nagpapahiwatig ng pagmamatigas na kumawala sa posisyong


pinanghahawakan dahil sa ito ay ang mga panahong nagagawa niyang manamantala at
magnakaw ng kaban ng bayan. Natitingki rin nito ang katangian ng isang tiwaling pinuno na
laganap saan mang dako ng lipunan.

Ang ikatlong bugtong ay sumasalamin sa matagal nang suliranin ng lipunan. Kahirapan.


Makikita kung paano nito tinalakay ang maituturing na isang sa matandang suliranin ng
marami sa ating mga kababayan. Kaya naman ginagawa nila ang lahat mapunan lamang
ang kanilang kumakalam na sikmura sa kabila ng mababang kalidad ng pagkain.

Maganda ang ginawang aklat ni Gervacio sapagkat muli niyang binuhay ay isang napaparam
na genre ng panitikan. Sa ganitong paraan hindi lamang niya binuhay ang bugtong
sapagkat nabuhay din sa isipan ng mga Pilipino ang pagbangon ng kamalayan sa
penomenang sosyal, politikal, ekonomikal, historikal at sosyal na dala ng makabagong
panahong ito.
Marahil ay malaki ang maitutulong ng aklat na ito upang ibangon ang gumuguhong
kamalayan ng tao pagdating sa kalakarang umiiral sa kasalukuyan. Ito marahil ay
magsisilbing isang instrumento hindi lamang para sa pagpapatalas ng isip, pagpapalalim ng
kritikal na pag-iisip at pagpapatatag ng identidad.

Sa kabila ng panahon ng globalisasyon ay muling binuhay ni Gervacio ang panlaban ng mga


Pilipino upang ibangon ang komunidad na nagtataglay ng mayamang pagkakakilanlan at
pagkabansa.

Ang Pagbuhay sa Tradisyon ay Pagbuhay sa Identidad


Sa simulay hindi salita kundi tunog at himig. Ang makulay na daigdig ng ating mga ninun
ay hitik sa musika ng kalikasan: kaluskos ng dahon, aliw-iw ng batis, dagundong ng kulog,
tikatik ng ulan, tiririt ng pipit, pagaspas ng bagwis, lawiswis at alit-it ng kawayan. Ang mga
tunog na ito ang inihanap ng katugmang katinig at patinig sa kaniyang dila. Nang lumaon,
natuklasan niya ang di matingkalang kilos at galaw ng kalikasan: ang paghapay ng niyog sa
kaliwat kanan, ang pagtaas at paghupa ng alon; ang pagsikat at paglubog ng araw, ang
pagsupling at pagkaluoy ng damo, ang pagbuka at pagtiklop ng makahiya. Ang mga
pangyayaring ito ay sinukatan niya ng salita.

Kailangan niya ng salita para maikuwento o mailarawan ang kaniyang personal na


karanasan sa kapwa-tao; para ito matandaan at maisalin sa susunod na henerasyon. Kaya
naman sinasabi ngayon na ang wika ang imbakan ng naging pagsulong ng buhay at
kasaysayan ng tao mula sa piping pagmamasid sa galaw at tunog ng kalikasan.

Sapagkat ang mga unang tula ay pabigkas, unang-unang sangkap nito ang panghalina sa
pandinig. Bawat katinig o patinig hindi lamang titik o letra tulad ng nakasulat sa abakada
ngayon. Kung paniniwalaan ang pagsusuri ng mga lingguwista at mananaliksik-wika, bawat
titik sa pagbigkas ay isang sinaunang sagisag at larawan ng kilos at buhay na isinakataga
ng ating mga ninuno. Sa gayon, ang pagkakabit-kabit ng mga titik para bumuo ng mga
pantig ay makahulugang pagtatangka na ilarawan para ulinig ang nakikita, nahihipo,
nalalasahan, naaamoy bukod sa naririnig. Ang buong wika ay isang sistema ng samot-
saring karanasang pinagdaraanan ng tao at ng kaniyang lipunan. Isang paglalarawan ito ng
daigdig na kaniyang nakilala at nakabuhayan.

Ang paglikha ng sukat at tugma sa tula ang isang pangunahing instrumento ng tao-makata
sa paghuli sa himig at tunog. Nakasalig ang ganitong paggamit ng wika sa pagkaunawa ng
sinaunang tao sa takbo ng buhay. Bagamat nagdaan ang ating mga ninuno sa masalimuot
at ibat ibang daloy ng karanasan, higit na kumintal sa kanilang isip ang paulit-ulit na kilos
ng panahon at bagay-bagay sa paligid. Paulit-ulit ang umagat hapon, paulit-ulit ang
pagdilim at pagbibilog ng buwan, paulit-ulit ang tag-araw at tag-ulan, paulit-ulit ang
pagpupunla at pag-aani ng palay at waring katulad lamang ng panahon sa buhay ng tao
mula duyan hanggang kabaong.

Ito ang pagkahilig ng ating mga ninuno sa tugma at sukat. Higit sa lahat, pag-uulit ng buod
ng sukat at tugma. Pag-uulit ng magkakatunog na katinig o patinig ng tugma; pag-uulit
naman ng pantig ang sukat.

Tulad ng isang pangungusap, may simula at wakas din ang buhay. At tulad ng himig ng
isang pangungusap, nagdaraan ang tao sa yugto-yugto ngunit sukat na pantig at parirala ng
karanasan. Maaaring may pagkakaiba ang partikular na karanasan ng isang tao sa kapwa
tao, ngunit itinuturo ng batas ng kalikasan ang pagkakahawig ng kabuuang saklaw ng
buhay ng mga nilalang. Ito ay ipinahihiwatig ng mga taludtod na may iisang sukat at tugma
sa loob ng isang saknong na pampanulaan.
Marahil, ang batayang pilosopiya na ring ito ng tugma at sukat ang dahilan kaya pilit
itinatakwil ng mga makabagong makata ang naturang sangkap ng tula. Nakaugat ang
bagong kamulatan sa paniniwalang makasarili ang indibidwalistang pagsusuri sa bagay-
bagay at diin sa kaibahan ng bawat tao sa kapwa tao. May kaniya-kaniya kakayahan ang
tao para lumikha ng sariling daigdig at sumuway sa anumang pangkalahatan at
mapanlagom na batas.

Maaari rin namang ang mga alagad ng malayang talduturan ay bumatikos sa tugma at
sukat nang hindi gagap ang tunay na kabuluhan at gamit nito sa tula. Sapagkat wika nga ni
T.S. Eliot, no verse is free for the man who wants to do a good job. Hindi matatakasan ng
sinumang dinidibdib ang pagkamakata ang tugma at sukat. Sa halip nagpapakadalubhasa
dito ang isang mahusay na makata upang mahubog niya ito at magamit bilang sariling
kasangkapan sa pagtula.
Ang lahat ng ito marahil ay batid ni Gervacio sapagkat buhay na buhay ang naturang
sangkap sa kaniyang ginawang aklat ng mga bugtong. Sa akda ay makikita ang paralel na
ugnayan ng istruktura ng sukat at tugma. Nagsilbing batayan ng kaniyang pag-aaral
ang Vocabulario de la Lengua Tagala kung saan matatagpuan ang karaniwang istruktura ng
bugtong.
Narito ang mga katangian ng istruktura ng bugtong na matatagpuan sa Vocabulario de la
Lengua Tagala na nagsilbing lunsaran ng mga makabagong bugtong ni Gervacio.
(a) itoy nasa anyong couplets o dalawang taludtod.
1. Ang unang linya ay nagbibigay ng pangkalahatang impresyon ng paksa sa
pamamagitan ng talinghaga.
2. Ang pangalawang linya ay nagbibigay ng clue o himaton na nagdudulot ng
komplikasyon.
Halimbawa:

Bituka ni Tabakalera

Kutson at kusot ang nakabara.

Sagot: sigarilyo

Mesang di kinakainan
Hinahalikan ng buwan.

Sagot: mesa ng pingpong

Isang bagong-bagong bahay

Laruan at tinapay ang laman

Sagot: Happy Meal

(b) Ang dalawang taludtod ay may dayalektikal na relasyon, tesis at antithesis. Ang
ikalawang linyay nagsisilbing panglito at tagapagpaliwanag.

Halimbawa:

Habang kinukuhanan ng basura

Lalong bumabaho sa mata.

Sagot: pitaka

Sinampal ko, sinampal niya

Ayaw kasing pumirmi sa mesa.

Sagot: bola ng pingpong

Dilang putit sakdal ng haba,

Tinatatakan ng mga salita.


Sagot: computer o continuous paper

(c) Kung minsan naman ang himaton ng salita ay onomatopoeic


Halimbawa:

Kung sino pa ang pinakamaliit

Siya pang inutusang manungkit

Sagot: hinliliit

(d) May mga bugtong na ang sagot ay nababanggit sa bugtong mismo

Halimbawa:

Binutas ko ang bumbunan;

Ako namay dinuraan.

Sagot: buko

Sa bahay ni Sangko Henry

Piyesta araw-araw, gabi-gabi.

Sagot: mall

Duguang buhok ni Leticia

Sinipsip ng kaniyang bisita.

Sagot: spaghetti
Bukod sa nasunod ni Gervacio ang tradisyunal na paraan sa pagsulat ng makabagong
bugtong ay nagawa niya ring buhayin ang komunidad na nalikha ng anyong ito. Isang
komunidad na may kamulatan sa mga kaganapan ng lipunan mula sa sosyal, politikal,
historikal, ekonomikal, sikolohikal at iba pa.
Kaya naman talagang isang inobatibo at epektibong aklat ang nalikha ni Gervacio upang
banggain at ilandtad ang mga mapang-api at mapang-abusong elemento ng lipunan. Kaya
naman masasabi kong ang bugtong na nilikha ni Gervacio ay kumakatawan sa napapanahon
at modernong karanasan at ideolohiya ng mga tao sa globalisadong mundong kaniyang
ginagalawan.

You might also like