You are on page 1of 2

PILIPINO AKO

Isa akong Pilipino sa dugo at sa isipan

Ang pinagmulan kong lahi aymagiting at marangal

Mga dakilang lalaking nabantog sa dunong,tapang

Sa dahon ng kasaysayan,gintong titik ang pangalan

Akoy isang Pilipino,ang bayan koy Pilipinas

Bansang dulot ng maykapal sa silangan napalagak

Yaong libo-libong pulona sa dagat nagkalat

Sa halik ng maga alon,tila perlas ang katulad.

Malawak na kabukiran ay kaygandang pagmalasin

Ang paligid ay luntian dahil sa mga tanim

Mapagpalang mga kamay ay ditto nag-aangkin

Filipinong nagsisikap,Filipino matiisin.

Ang yaman na nakatago sa bundok at maga gugat

Sa tulong ng aking lakas ay palaging hinahanap

Tinutunton,tinutuklassa tulong ngpagsisikap

Ginagamit upang itong aking bayan ay umunlad.

Akoy isang Pilipinongang laya ay minamahal

Kamatayan ayay matamis kapag ito ay niluray.

Lapu-lapung magbabagong pagsinakop ng dayuhan

Muli akong nabubuwalsa Tirad Pass at Bataan!


Ngayong bayan ay malayaay kayraming dapat gawin

Industriyat kalakalan ay dapat na paunlarin

Ang bukid at kaparangan ay dapat ay dapat na pagyamanin

Ang lungsod at mga nayon ay kailangang pabutihin.

Akoy isang Filipinongmaytungkuling gagampanan

Upang bayan ay ihatid patungo sa kaunlaran

Mga dakilang layunin ng bayaning mararangal

Buong sikap na gagawin upang tayoy magtagumpay.

Kaya tayo ay kumilos at magbalikwas

Masasama nating gawia ay palitang na ngang ganap

Magkaisatmagtulungan buong sikap buong tatag

Upang ating maitindig ang maningning nating bukas!

You might also like