You are on page 1of 2

Carmela F.

Memis

BALITANG PAMPALAKASAN
Ang pahinang Pampalakasan ay may malakas na dating sa malaking bilang nang
mga mambabasa. Ito ay bahagi na ng kasiglahan ng buhay sa mataas na paaralan.

Katuturan

Ang balitang pamapalakasan ay ang natatanging balita ukol sa ibat-ibang uri nang
laro na batay sa tuwirang balita, karaniwang nasusulat sa paraang aksyon.

Pamamahala sa Balitang Pampalakasan

1. Magkaroon ng maayos na paglalarong pampalakasan.


2. Makapag-ambag tungo sa pagiging maginoo.
3. Hikayatin ang paglalathala ng balitang pampalakasan na makapagbigay ng kalutasan
upang maipabatid ang mga pangyayari para sa interes ng mga mambabasa.
4. Magkaroon ng ibat-ibang materyales hinggil sa mga pangyayaring pampalakasan.
5. Maglathala ng paunang balita.
6. Gumamit ng mga karikatura, mga larawan at mga ilustrasyon.
7. Kung ito ay mahalaga, buuin ang balita sa pahinang nakalaan ditto at bigyan-diin sa
pangmukhang pahina.
8. Habang naglalaro ng pangunahing sports tulad ng basketball, football at softball,
huwag kaliligtaan ang iba pang balita ng pampalakasan tulad ng tennis, swimming,
bowling, ping-pong, badminton, boxing at wrestling.

Kalikasan ng Balitang Pampalakasan

1. Ito ay tulad din ng mga pangkalahatang balita na kinakailangan ng katumpakan,


organisasyon, kaigsian at mabuting pagsulat. Ang 5Ns, at ang H ng balitang
pamatnubay na pangungusap ay matatagpuan din sa pampalakasang pamatnubay na
pangungusap.
2. Pangunahing naglalarawan ng aksyon. Ito ay karaniwan nang nakasentro sa tunggalian.
3. Ang gamit ng mga salita ay ang espesyal na bokabolaryo na batid ng mga mambabasa.
Gayunman, ang mga reporter sa pampalakasan ay kinakailangang iwasan ang paggamit
ng salitang slang at lubhang teknikal.

Uri ng Balitang Pampalakasan

1. Paunang Balita (Advance news)


- Ibinabalita ang napipintong labanan ng mga koponan. Ito ay naglalaman hinggil sa
kakayahan at kahinaan ng bawat manlalaro sa koponan. Tinatalakay rin ang
kahalagahan ng larong gaganapin.
2. Kasalukuyang Balita (Actual coverage)
- Ito ay naglalahad ng mga kaganapan sa laro.

Pamamaraan sa Pangangalap ng Ulat sa Balitang Pampalakasan

1. Bago Maglaro (Before the Game)


a. Kapanayamin ang mga taong may kinalaman sa gaganaping palaro.
b. Alamin ang buong pangalan ng mga kalahok, ang kanilang numero sa harap at sa
likod, tungkulin sa laro, timbang, taas, atpb.
c. Dumalo sa mga pagsasanay upang makilala ang mga manlalaro at ang tagaturo
(coach).
d. Itala ang mga nakuhang datos na magagamit sa pagsulat ng balita.
2. Kasalukuyang Laro ( During tha Game )
a. Kumuha ng isang magandang pwesto upang walang makaligtaan sa mga tampok na
mga pangyayari.
b. Itala ang mga kapana- panabik, mahalaga at di- inaasahang pangyayari. Talasan ang
paningin sa mga mahahalagang laro at pangayayari.
3. Pagkatapos ng Laro ( After tha Game )
a. Kunin ang opisyal na iskor sa mga kinauukulan.
b. Kapanayamin ang tagaturo (coach) o ang tanging manlalaro upang makuha ang
kanyang palagay sa laro.
c. Alamin ang panloob na kaganapan tulad ng dahilan ng pagkapanalo o pagtalo ng
manlalaro.

You might also like