You are on page 1of 4

CHAPTER 1

Araw ng pagtatapos.
Ang pinakahihintay na sandali sa buhay ni Clara, magtatapos na siya sa
kursong psychology. Kitang kita ang kaligayahan sa mukha ng kanyang mga
magulang sapagkat naging saksi sila sa paghihirap nang anak sa pag aaral at sila na
din sa pagtataguyod nito, hindi man nagkaroon nang medalya o ano pa mang
honorary citations ang dalaga, ang mahalaga ay nakapagtapos siya sa hirap at
ginhawa na pangarap nang sino mang estudyante.
Maulan ang araw na iyon, na kung tutuusin ay di pangkaraniwan sa buwan ng
abril, ang isa sa pinaka mainit na buwan dito sa pilipinas, para sa iba niyang
kabatchmate isa itong biyaya, at para sa iba naman ay isa itong bangungot dahil
magiging kill joy para sa gagawing selebrasyon mamaya.
Matao na ang P.I.C.C, maingay at magulo, naroroon na ang mga estudyanteng
magtatapos suot ang kanilang itim na toga, kasama na ang mga magulang, kapatid at
kung sino sino pang mahal sa buhay, maririnig ang mga salitang congratulation! at
im so proud of you sa buong paligid, kitang kita ang ngiti nang kahit sino man,
Graduation Day ang isa sa pinaka masayang pangyayaring nagaganap bawat taon.
Nagsimula nang tawagin ang mga estudyante, hudyat nang pagsisimula nang
graduation rite, pinapila na sila sa entrada nang malaking gusali, tila sinasabayan
naman nang pagbuhos nang malakas na ulan ang kanilang mga ingay.
Ara anak! Natunog ang celphone mo! Sagutin mo wika nang ina,
bumuntong hininga ang dalaga, naglakad ito palayo sa mga magulang.
hello!, mommy!, hello! dinig niya nang sagutin ang tawag, hindi siya
kumibo, bumakas ang pagka suya sa kanyang mukha.
mommy! Sorry na!, pabalik na ako nang maynila, pupunta ako sa
graduation ceremony mo wika nang kanyang kasintahan, napilitan sumagot si
Clara na parang batang nagtatampo ang boses.
nasaan kanaba?, hindi pa rin kita bati ngayon nadinig niyang natawa ang
nobyo sa kabilang linya, hindi maipagkakailang na miss niya ito ng sobra dahil sa
ilang araw nilang hindi pagkaka unawaan, kahapon pa siya sinusuyo nang kasintahan,
sinasadya naman niyang magpakipot upang mapilitang pumunta ang binata sa araw
nang kanyang pagtatapos.
nasa tarlac pa ako!, ang lakas nang ulan ngayon dito, mommy sorry na!, na
stranded talaga kami after nang medical mission, eto nga pinilit kong magbyahe para
makapunta ako diyan
ewan ko sayo!
may surprise ako pagkadating ko diyan, kaya sorry na talaga!, uyy!
nakangiti na siya! napangiti si Clara nang marinig ang biro nito, nagkunwari siyang
galit at muling sumagot, bigla siyang nasabik sa sorpresa.
dalian mo!, kailangan nandito ka mamaya, mas lalo akong magtatampo sayo
kapag di ka dumating muli niyang narinig ang pagtawa nang nobyo.
Napatawad na niya ito sa isip niya, ngunit gusto niya itong makita, batid
niyang mas lalo itong masisiyahan kapag nakita siyang naka suot nang toga, noon pa
mang nag aaral pa siya ay todo na ang pagsuporta sa kanya ng kasintahan, ang nobyo
ang naging sandigan niya ng lakas sa pag aaral.
oo mommy! Eto nga binibilisan ko na ang pagdrive, im so proud of you!, i
love you
mag ingat ka nga! maulan ngayon!, bibigay ko na tong celphone kay mama,
magsisimula na kami bigla niyang pag-aalala, naputol kaagad ang linya, bumalik si
clara sa mga magulang.
nasaan na si Hector anak! tanong nang ina, habang inaabot ang celphone
nito.
papunta na raw siya dito ma!, hahabol daw siya, pasok na ako sa loob dali
dali niyang wika, bahagyang inayos nang ina ang kanyang kasuotan, napangiti ito
nang mapagmasdan ang kabuuan nang anak.
saglit lang Ara! Kunan ko kayo nang picture pahabol nang ama na
nagsilbing photographer nila.
Nagmamadaling tumakbo si Clara pagkakuha ng litarto, malapit nang
pumasok ang pila nang mga kabatch mate sa loob nang malaking gusali, mabilis
siyang nakahabol, agad naman siyang pina singit nang ilang kasama.
Si Hector ay ang kanyang kasintahan simula pa nang junior high school
hanggang mag kolehiyo, ang una at huling taong kanyang mamahalin, marami ang
humanga sa kanilang relasyon na tumagal nang walong taon kaya naman lahat ay boto
para sa kanila lalong lalo na ang kanilang mga magulang, mahal na mahal nila ang
isat isa kung kayat kapag nagkaroon na sila nang matatag na trabaho at disposisyon
ay hindi na sila mangingiming magpakasal. Bumuo na sila nang mga pangarap at
ngayon unti unti na itong natutupad.
Octoberian si Hector sa kursong dentistry, may usapan na silang sabay na
magtapos, ngunit dahil sa pagiging pasaway nito ay hindi na ito nangyari, isang easy
go lucky palibhasa nakaririwasa sa buhay at nag iisang anak, parehong nurse ang
kanyang mga magulang na nagtratrabaho sa isang ospital sa amerika, tuwing
enrollment nalang ay panay kakaunting subjects ang kanyang kinukuha kung kayat
nagtagal siya at naunahan pa ng kasintahan, ngunit para sa kanya hindi na ito
mahalaga dahil mas pinahahalagahan niya ang suportang ibinibigay sa kasintahan
kaysa sa sariling pag aaral.

***

Malakas pa din ang buhos nang ulan habang binabagtas ni Hector ang
N.L.E.X , bakas sa mga mata ang saya para sa kanyang nobya, humuhuni pa ito sa
tunog nang graduation hymn, habang sinusulyapan ang isang maliit na kahon na
nakapatong sa dashboard, nasa katabing upuan ang isang boquet ng bulaklak na
nakapatong sa kahon nang cake, sorpresa ni Hector ang maliit na kahong may lamang
engagement ring, hindi na siya makapaghintay kung kayat nakatakda siyang
magpropose nang engagement sa kasintahan.
Habang nagmamaneho, nakatawag pansin sa binata ang isang gumegewang
gewang na delivery van mula sa side mirror, pinihit niya ang manibela pakanan upang
maiwasan ito.
Dumere-deretso naman ang delivery van na lumagpas sa kanya, nanatili itong
gumegewang sa pagtakbo, huminga nang malalim ang binata.
ingat Hector, konteng ingat bulong niya sa sarili.

***

CLARISSA MONTEMAYOR!!! tawag nang emcee.


Tumayo si Clara at naglakad patungong stage, abot langit ang kanyang ngiti.
Sa di kalayuan naroroon ang kanyang mga magulang na hindi magkanda-ugaga sa
pagkuha nang litrato at video, at habang papalapit dinig niya graduation hymn, tila
nag slow motion ang lahat nang pangyayari sa buong paligid.
Isang paru-paro ang bigla nalang sumulpot at lumipad paikot ikot sa kanyang
kabuuan, hindi niya ito napansin sapagkat nakatuon ang kanyang sarili patungong
stage, wala siyang kaalam alam na tumigil ang paru-paro at dumapo sa kanyang
balikat.

***

Ma-ingat na nagmaneho si Hector, madami ang tumatakbo sa kanyang isipan,


nagmumuni muni siya sa pinagdaanan nila ni Clara bilang magkasintahan, ang
pagiging saksi nito sa mga paghihirap sa pag-aaral, ang hindi niya malilimutang
pakikipag-away dahil sa pagtatanggol niya dito nang may bumastos sa kanya nang
magperform si Clara sa kanyang humanities.
Likas na maganda ang nobya kung kayat hindi maiiwasang madaming
estudyanteng lalake ang humanga sa kanya kahit pat alam nilang si Hector na ang
nagmamay-ari dito, napapangiti ang binata habang sinasamyo ang mga ala-alang iyon,
mahal na mahal niya si Clara at hinding hindi niya ito iiwan.
Akmang aabutin niya ang celphone sa dashboard nang muli na naman niyang
makita ang biglang pagsulpot nang delivery van, hindi maiwasang mapa-preno ang
binata.
SHIT!!
Napahigpit ang paghawak niya sa manibela, kinambyo niya pakanan ang
sasakyan.
Biglang natumba ang delivery van at napadaus-dos sa basang kalsada,
nagtuloy tuloy ito kung kayat nasalpok nito ang ibang sasakyang kasabayan niya sa
harap.
Nanlaki ang mata ni Hector sa nasaksihan, alisto siyang muling nagpreno
ngunit huli na ang lahat.
Nadamay siya sa salpukan at kasunod nito ay nagkaroon nang malaking
karambola.
Bigla naman ang pagsulpot nang isang oil tanker na isa isang inararo ang mga
nagkarambolang sasakyan.
Nagkaroon nang malaking pagsabog.
Umalingaw-ngaw ang sigawan sa buong paligid, at naging magulo ang
sumunod na pangyayari.

You might also like