You are on page 1of 3

AJM

MCHS
LAMPA, Marie Nicolette A. 17
12 Curie Hulyo 25, 2017

Maynila, Tahanan ng Pangarap?

Nakabibingi ang katahimikan ng kalsada sa probinsya. Paniguradong dinig na dinig ang


pagkalaksing ng baryang mahuhulog sa sahig. Marahil nagtataka ka kung bakit nga ba
tahimik ang kalsada dito sa probinsiya. Bakit nga ba? Kaming mga taga-probinsiya ay
takot sa bitbit na panganib ng hinaharap kaya mas pinipili naming magkulong na lamang
sa aming mga lungga.
Gayunpaman, pinipili naming lumuwas at makipagsapalaran sa Maynila para maabot ang
aming mga pangarap. Marahil sumagi sa iyong isipan kung bakit pa kami lumuluwas para
lang mag-aral. Bakit nga ba? Ang mga unibersidad na kilala sa kanilang kahusayan sa
larangan ng akademiko ay nasa Maynila.

Ang kalsadang na napakatahimik kahit hapon pa lamang ay ibang-iba sa kalsada ng


Maynila na kung saan kakikitaan ito ng nagniningningang ilaw ng mga gusali. Dagdag pa
rito ang mga taong nasa labas kahit gabi na. Ang gabi sa Maynila ay parang umaga sa
Probinsya.
Maaaring ang mga taga-probinsya ay mahimbing na ang kanilang pagtulog tuwing hating-
gabi, ang mga taga estudyante naman ay subsob pa rin sa kanilang mga nagkakapalang
aklat. Ang mga kainan dito ay bukas anumang oras, mapa-umaga o hating-gabi. Ito ang
nagsisilbing silid-aklatan ng mga estudyante tuwing hatinggabi.

You might also like