You are on page 1of 8

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 6

LAYUNIN Bilang ng Bilang ng Kinalalagyan


Araw ng Aytem % ng Bilang
Turo
Pakikinig
1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa 5 5 10 1-5
napakinggang kwento F6PN-IIa-g-3.1
Pagsasalita
1. Nagagamit nang wasto ang Pang-uri 5 5 10 6-10
sa paglalarawan sa ibat ibang sitwasyon
F6OL-IIa-e-4
2. Nagagamit nang wasto ang pandiwa
sa pakikipag-usap sa ibat ibang 5 5 10 11-15
sitwasyon F6OL-IIf-j-5
3. Nailalarawan ang tauhan batay sa
damdamin nito F6PS-IIj-12.1 5 5 10 16-20
Pagbasa
1. Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar
at di-pamilyar na salita sa pamamagitan
ng pormal na depinisyon F6V-IIc-1.10 5 5 10 21-25
2. Nabibigyang kahulugan ang
tambalang-salita F6V-IIi-4.3 5 5 10 26-30
3. Napagsusunod-sunod ang mga
pangyayari sa kwento sa pamamagitan
ng pamatnubay na tanong F6RC-IIe-5.2 5 5 10 31-35
4. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
binasang anekdota F6RC-IId-f-3.1.1 5 5 10 36-40
5. Nagagamit ang ibat ibang bahagi ng
pahayagan sa pagkuha ng kailangang
impormasyon F6SS-IIf-7.1 5 5 10 41-45

Pagsulat
1. Nakasusulat ng liham- 5 5 10 46-50
pangangalakal F6WC-IIh-2.3

Kabuuan 50 50 100% 50

INIHANDA NI: ALONA C. REYES INAPRUBAHAN NI: LUCIA A. GARCIA

Teacher I Principal I
KAYPAABA ELEMENTARY SCHOOL

NAME _______________________________________________________ SCORE _______________

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 6

Panuto: Basahing mabuti ang kwento at sagutin ang mga tanong. Itiman ang bilog ng tamang sagot.

Ang Leon at ang Ubas

Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo. Nakakita siya ng isang puno ng
ubas na hitik sa hinog na bunga. Swerte ko naman Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas,
ang sinabi ng lobo sa sarili.

Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya
maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, muli at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang
ubas.

Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang Lobo at malungkot na umalis palayo sa puno.

Hindi bale, tiyak na iyon ay hindi masarap, ang sabi niya sa sarili .

1. Sino ang pangunahing tauhan sa Kwento?


A. Ubas C. Lobo
B. Puno D. lahat ng nabanggit
2. Ano ang nakita niya sa gubat?
A. Puno C. Diwata
B. Ahas D. ubas
3. Bakit gusto niyang abutin ang bungkos ng ubas? Upang_______
A. Kainin C. paglaruan
B. Dahil naaakit siya dito D. wala sa nabanggit
4. Anong hindi magandang katangian ang ipinakita ng lobo?
A. Hindi -Masipag C. hindi-mabait
B. Hindi-matiyaga D. hindi- mapagkakatiwalaan
5. Anong aral ang nais ipahatid ng kwento?
A. Maging matiyaga C. maging masipag
B. Maging mabait D. maging matulungin

Pagsasalita

6. Ang probinsiya ng Cavite ay maunlad. Anong pang-uri ang ginamit sa pangungusap?


A. Bayan C. probinsiya
B. Cavite D. maunlad
7. Makikita rito ang naglalakihang pabrika at gusali .Ang pang-uring ginamit sa pangungusap
ay_________
A. Makikita C. pabrika
B. Naglalakihan D. gusali

Lagyan ng tamang pang-uri ang patlang

8. Ang nangyayari sa Marawi City ay nagdulot ng matinding ________________sa mga


mamamayan.
A. Sakit C. galit
B. Hirap D. takot
9. Araw-araw, ang magkapatid ay nagtitinda ng ____________Sampaguita sa terminal ng jeep.
A. Sariwang C. mabangong
B. Maganda D. lahat ng nabanggit
10. Ang aking mga mag-aaral ay matiyagang dumadaan sa ilog upang makarating sa aming
paaralan.
A. Mag-aaral C. matiyaga
B. Dumadaan D. ilog

Basahin at unawain ang mga pangungusap. Itiman ang titik ng tamang sagot.

11. _________siya ng almusal bago pumasok sa paaralan kaninang umaga.


A. Kinakain C. Nakakain
B. Kakainin D. Kumain
12. Ang mga mag-aaral ay _____________sa Lakbay_aral na gagawin sa darating na Sabado.
A. sasama C. sumasama
B. Sumama D. sasamahan
13. Ang kawawang pulubi ay ______________sa tabi ng simbahan araw-araw.
A. Namalimos C. namamalimos
B. Mamamalimos D. mamalimos
14. ____________ng tulong para sa mga mamamayan sa Mindanao ang mga mamamayan
kahapon.
A. Magbibigay C. Nagbibigay
B. Nagbigay D. Bibigyan
15. Lahat ay _______________sa pagpapanatiling malinis na ating kapaligiran noong nagdaang
brigada eskwela.
A. Tumulong C. Tumutulong
B. Tutulong D. Tinulungan
16. Maagang gumising si Aling Marita upang pumunta sa palengke. Sa kanyang pagmamadali
nabundol siya ng batang tumatakbo. Ano ang maaring maramdaman ni Aling Marita para sa
bata?
A. Magagalit C. matutuwa
B. Malulungkot D. magugulat
17. Nasa labas ng simbahan ang batang pulubi. Nakita ito ni Bb. Reyes at binigyan ng pagkain.
Ano ang naramdaman ng bata ?
A. natuwa C. nabigla
B. nalungkot D. nainis
18. Pasigaw na tinawag ni Mang Kardo ang kanyang anak habang may dalang sinturon. Si Mang
Kardo ay ___________________.
A. nalulungkot C. naiinis
B. natutuwa D. nagagalit
19. Abalang-abala si Gng. Cruz sa paggagawa ng kanyang banghay-aralin sa Filipino ng bigla
siyang ipinatawag ng kanyang punongguro upang bigyan ng sertipiko ng pagkilala. Ano
Ano ang mararamdaman ni Gng. Cruz?
A. nagulat C. nalungkot
B. nabahala D. natuwa
20. Natapakan ni Alyana ang balat ng saging. Napahiga siya sa harap ng maraming tao. Ano ang
kanyang naramdaman?
A. Napahiya C. nagalit
B. Nalungkot D. nayamot

Pagbasa

Panuto: Basahin ang mga pangugusap at piliin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.

21. Ang mga dahon ay masayang umiindayog sa hangin.


A. nag-aawitan C. nagsasayaw
B. nagliliparan D. naglulundagan
22. Ang mga ibon ay namumugad sa itaas ng punungkahoy.
A. namamahay C. naglalaro
B. nakadapo D. nakahapon
23. Sumungaw ang munting inakay sa mga malalagong dahon..
A. Dumapo C. nahulog
B. Lumabas D. sumilip
24. Dahil sa gutom, nagtatalak ang mga munting inakay.
A. Umaawit C. nag-iingay
B. Naglulunday D. nanahimik
25. Napakisig ng prinsipe sa kaniyang maganda at lapat na kasuotan.
A. mayaman C. malusog
B. magandang lalaki D. matangkad

Piliin ang kahulugan ng tambalang salita sa pangungusap.

26. Dating kawani si Mang Ramon sa isang bahay-kalakal.


A. tindahan C. kinakalakal na bahay
B. kalakalan D. tindahan ng bahay
27. Natatakot sila sa mga engkantada, duwende at lamang-lupa.
A. Mahiwagang bunga mula sa lupa.
B. Mahiwagang nunong nakatira sa ilalim ng lupa
C. Malaman ang lupa
D. Nasa ilalim ng lupa
28. Dapit-hapon na ay wala pa ang mag-asawa.
A. Bago maghapon C. malapit nang gumabi
B. Gabi na D. madilim na
29. Kapit-bisig sa paggawa ang mga taganayon kaya madali nilang natatapos ang gawain.
A. Tulong-tulong C. magkadikit ang mga bisig
B. Watak-watak D. magkakahawak
30. Tumugtog ang orasyon sa kalapit na simbahan at napansin ko ang malungkot na takipsilim.
A. Dakong ikaanim ng gabi
B. Malapit ng sumikat ang araw.
C. Katanghalian
D. Maagang-maaga

Basahin ang maikling kuwento TambelinaLandas sa Pagbasa pp. 167-173 at pagsunud-sunurin ang
mga pangyayari ukol dito sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5.

________31. Dinukot ng palaka si Tambelina upang ipakasal sa kanyang anak.

_______ 32. Lumabas ang maliit at magandang dalaga na si Tambelina mula sa ubod ng bulaklak ng
halamang itinanim ng mag-asawa.

_______33. May mag-asawa na humingi ng tulong mula sa bruha upang magkaanak.

_______34. Tinulungan ng mga isda si Tambelina upang makaalis sa pinaglagyan sa kanya ng palaka.

_______35. Naging maligaya si Tambelina sa piling ng mga anghel ng mga bulaklak.

Basahin ang talaarawan at sagutin ang sumusunod na mga tanong.

Marso 15, 2017

Madilim-dilim pa ay nasa pier na kami ng Basco. Papuntang Itbayat naman kami ngayon.
Bago sa aking paningin ang bangkang de-motor dito. Pabilog ang ilalim nito at di-tulad ng lagi kong
nakikita kapag sumasakay kami papuntang Puerto Galera sa Mindoro. Sa una, naaaliw pa kami sa
magagandang tanawin sa paligid. Napakalinaw ng tubig! May mga isda pang nagtatalunan! Habang
lumalayo kami sa isla ay lumalaki, tumataas at nag-iiba-iba ang direksiyon ng alon! Kaya raw walang
katig ang bangka ay upang makasayaw ito sa alon. Masisira daw ang katig sa lakas at sa paiba-ibang
direksiyon ng alon. Kinakabahan na ako.

Nahilo ako, dear Diary! Pero nang matanaw namin ang isla ng Ikbayat paglipas ng mahigit na
tatlong oras ay natuwa na kami pero naglaho agad ito kasi iikot at gigilid pa kami sa kabila ng isla. Sa
ibaba ng isang matarik na batuhang burol ang daungan! Maliit lamang ito at mahirap dumaong ang
bangka dahil malakas ang alon. Tumataas, bumababa ang bangka sa gilid ng batuhang daungan.
Titiyempo ang pasahero at sasabayan ng pagtalon kapag malapit na ang kinalalagyan niya sa lupa.
Inaalalayan ng crew ng Bangka ang lahat ng pasahero upang makatalon sa lupa. Sanay na sanay ang
mga tagarito. Ang mga turista ay tila naman handa sa anumang kakaiba at magagandang
karanasang naghihintay sa kanila. Umakyat pa kami sa matarik na hagdan ng Chinapoliran Port sa
papainit na sikat ng araw.
Nanananghalian kami sa masarap at kilalang karinderya sa tapat ng simbahan. Ang sarap ng
coconut crab at gulay!. Sa homestay rin kami tumira. Tahimik ang lugar. Pagdilim ay bahagya na
kaming nakakita ng mga taong naglalakad-lakad pa. Ano kaya ang naghihintay sa amin

Raquel

______36. Saan patungo ang sumulat ang ng diary pag-alis ng pier ng Basco?

A. Itbayat C. daungan
B. Puerto Galera D. Bangka

______37. Ano ang kanilang sinakyan patungo sa daungan ng Itbayat?

A. Barko C. Bangka
B. Bangkang de motor D. bapor

______38. Paano ka makakababa sa daungan sa ibaba sa matarik at batuhang daungan?

A. Luluhod C. lulundag
B. Bababa sa hagdan D. tatalon

______39. Bakit nahihirapan ang mga pasahero na bumaba sa matarik na batuhang burol?

A. Dahil malakas ang alon C. tumitiyempo pa ang pasahero upang makatalon


sa batuhang daungan
B. Tumatalon at bumababa ng Bangka D. lahat ng nabanggit

______40. Paano mo mailalarawanang lugar na pinuntahan ng sumulat ng diary?

A. May mga isdang nagtatalunan C. napakalinaw ng tubig


B. Lahat ng nabanggit D. nakaaaliw ang magagandang tanawin

Paggamit ng mga bahagi ng pahayagan.

______41. Anong bahagi ng pahayagan ang iyong babasahin kung nais mong mag-aplay ng trabaho?

A. Editoryal C. balitang panlibangan


B. Balitang isports D. anunsiyo klasipikado

______42. Nais mong magsagot ng palaisipan, sa anong bahagi ng pahayagan mo ito makikita?

A. Editoryal C. balitang panlibangan


B. Balitang isports D. anunsiyo klasipikado

______43. Kung nais mong malaman ang kuru-kuro ng may akda patungkol sa isang isyu, anong

bahagi ng pahayagan mo ito titingnan?

A. Editoryal C. pandaigdig
B. lokal D. isports

______44. Nais mong malaman ang kinalabasan ng laban ni Manny Pacquiao, saang bahagi ng
pahayagan mo ito makikita?

A. Editoryal C. pandaigdig
B. Lokal D. isports

_____45. Nais mong malaman kung ano na ang nangyayari sa giyera sa Marawi City, saang bahagi

ng pahayagan mo ito makikita?

A. Isports C. lokal
B. Pandaigdig D. editorial

Isulat nang maayos ang sumusunod na mga bahagi ng isang liham-pangangalakal. Pagsunud-sunurin
ang mga ito. Gumamit ng wastong bantas.

______46. Paaralang Elementarya ng Angel L. Bawalan

General Trias City, Cavite

Ika-12 ng Hulyo, 2017

______47. Lubos na gumagalang

Ana Luna

_____48. Waltermart Manggahan

Governors Drive

General Trias City, Cavite

_____49. Ginoong dela Cruz

_____50. Nabasa ko po sa pahayagan sa nangangailangan kayo ng Assistant Manager sa inyong

tanggapan. Nais ko po sanang mag- aplay sa posisyong ito. Nagtapos po ako sa Lyceum of

the Philippines nitong Mayo 2017. Ang akin pong kurso ay Bachelor of Science in Business

Administration Major in Management. Kung inyong mamarapatin, nais ko po sanang

makipag- usap sa inyo para sa interbyu at upang ipakita ang aking kakayahan. Sana po ay

mabigyan ninyo ako ng pagkakataong makapagtrabaho upang makatulong naman po ako

sa aking mga magulang.


Lubos po akong umaasa sa inyong pagsagot.

Susi ng Pagwawasto

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 6

1. C 21. C 41. D
2. D 22. A 42. C
3. A 23. D 43. A
4. B 24. C 44. D
5. A 25. B 45. C
6. D 26. A 46-50- Pagwawasto ng Guro
7. B 27. B
8. D 28. C
9. D 29. A
10. C 30. A
11. D 31. 3
12. A 32. 2
13. C 33. 1
14. B 34. 4
15. A 35. 5
16. A 36. A
17. A 37. B
18. D 38. D
19. D 39. D
20. A 40. B

INIHANDA NI: ALONA C. REYES

You might also like