You are on page 1of 1

PIYOK

Nakakahiya minsan ang bagay na ito, ung tinatawag nilang pag PIYOK , at kahit gaano ka kagaling na mang -
aawit tiyak na ikaw ay pumiyok na din , kaya naman masasabi ko na ang bagay na ito ay natural lang sa isang
mang - aawit , ( kaya hindi dapat matakot na pumiyok) kadalasan lang talaga minsan nagkakaroon ng
psychological effect ( specially pag high notes ) na minsan hindi mawala sa isip ni singer na pag mataas na
ang nota baka sya ay pumiyok, kaya naman sa choral strategy na ito ay ibabahagi ko sa inyo kung bakit
pumipiyok ang isang singer.Maraming dahilan kung bakit napiyok ang isang singer pero ang aking ibabahagi
ay batay sa aking sariling karanasan.

Una - Hindi kasi ready - mas maganda siguro kung sasabihin ko din na hindi ka focus, ang isang singer ay
dapat focus halimbawa kung alam nya na ang susunod na nota ay isang mataas na nota , kailangan maging
handa sya , breathing technique, placement, etc. Be ready!

Pangalawa - Kulang sa warm-up - Mahalaga ang vocalization para sa boses, para hindi ito mabigla, mahirap
kumanta ng bagong gising , tama? at pag pinuwersa mo ang high notes mo or even ung mga middle notes mo
tsak ang pag piyok.

Pangatlo - Pagod na ang boses- pag sobra na ang pag gamit natin ng ating mga boses , napapagod din ito at
pumipiyok ang isang singer hanggang sya ay mapaos.

Pang- apat - Wala ka sa range - may mga singers na minsan kumakanta ng mga nota na hindi nila abot at ang
resulta pumipiyok sila , pwede mo namang gawin ito kung ikaw ay nasa ensayo subalit aking iminumungkahi
na magkaroon ka ng PUBLIC NOTES, eto ang mga nota na kakantahin mo during the time of your
performance.

Pang- lima - Hindi relax - Pangkaraniwan lang na kabahan ang isang singer lalo na kung medyo bago pa
lamang syang nagpeperform at minsan pag kinakabahan ka, hindi ka relax and usually ito rin ang nagiging
sanhi ng pagpiyok.

Muli maraming pang rason kung bakit napiyok ang isang mang- aawit , ang limang rason na ito ang pinaka
common batay sa aking karanasan at nais kitang anyayahan na pag - aralan din ang mga bagay na ito para sa
ikagaganda ng iyong pag awit

You might also like