You are on page 1of 3

Ang Banal na Misa sa Namayapa

Ang Paghahanda

Kapahingahang walang hanggan ang igawad mo sa kanila O Panginoon


At marapating ang busilak na liwanag ang tumanglaw sa kanila
Ikaw, O Diyos ang pinupuri ng Sion
At sa iyo, ang banal na pangako ay isasakatuparan sa Herusalem
Ikaw na dumirinig ng dalangin,
Sa iyo ang lahat ng mga laman ay tutungo.
Kapahingahang walang hanggan ang igawad mo sa kanila, O Panginoon.

Pari: Pagpalain ang Diyos na ating Ama.


Bayan: Na siyang nagbangon kay Hesukristo mula sa kamatayan. At siya ring
nagbigay ng bagong buhay sa ating katawang namamatay, sa pamamagitan ng
kanyang nananahang Espiritu.

ANG TRISAGION

Lahat: Banal na Diyos, Banal na Makapangyarihan


Banal na walang kamatayan, maawa ka sa amin.

Banal na Diyos, Banal na Makapangyarihan


Banal na walang kamatayan, maawa ka sa amin.

Banal na Diyos, Banal na Makapangyarihan


Banal na walang kamatayan, maawa ka sa amin.

ANG PANALANGIN

Pari: Ang Panginoon ay sumainyo.


Bayan: At sumainyo rin.
Pari: Tayo ay manalangin.

O Diyos, na walang hanggang awa, tanggapin mo ang aming


panalangin na aming inaalay para sa iyong anak na si (sina) _______ upang
ipagkaloob sa kanya (kanila) ang pagpasok sa lugar ng liwanag at kagalakan
sa piling ng iyong mga banal; alang-alang kay Hesukristong aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

ANG LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS

Pagbasa mula sa Lumang Tipan Lahat ay uupo.

Tagabasa: Isang pagbasa mula sa aklat ng/ni _____, sa ika- _____ kabanata,
nagsisimula sa ika- ___ talata.

Ang kasagutan: Manatiling nakaupo.

LEVAVI OCULOS (SALMO 121)

Sa gawi ng bundok, tumitingin ako.


Saan manggagaling ang aking saklolo?
Ang hangad kong tulong, sa Diyos magmumula.
Sa Diyos na lumikha ng langit at lupa.

Huwag sana akong bayaang mabuwal.


Handang lagi siya sa pagsasanggalang
Ang tagapagtanggol ng bayang Israel
Hindi natutulog at palaging gising!
Ang Diyos na si Yahweh, siyang magbabantay
Laging nasa piling, upang magsanggalang.
Di ka magdaramdam sa init ng araw.
Kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan.
Ang mga panganib, ika’y ililigtas.
Nitong Panginoon, siyang mag-iingat
Saan man naroon, ika’y iingatan.
Di ka maaano, kahit kailan.

You might also like