You are on page 1of 7

NAME: RHIAN HONEY FRANCINE DEJESUS

GRADE 6 – 2

NAME: RHIAN HONEY FRANCINE DEJESUS


GRADE 6 – 2

Kilala sa tawag na Ina ng Biak na Bato si Trinidad Tecson.


Ipinanganak siya sa San Miguel, Bulacan noong Nobyembre 18,
1848. Isa siya sa labing-anim na anak nina Rafael Tecson at
Monica Perez. Natutuhan niya ang sining ng pagbasa at pagsulat
mula sa kaniyang guro na nagngangalang Senor Quintino. Di
tulad ng ibang dalagita na bihasa sa pananahi at pagbuburda, si
Trining o Idad ay tuwang-tuwang nagpaturo ng sining ng
eskrima. Para kay Idad, dapat matutuhan ng kalalakihan at
kababaihan ang paghawak sa iba’t ibang uri ng sandata. Ayon
sa kaniya, magagamit ang sandata sa oras ng kagipitan upang
ipagtanggol ang sariling karapatan. Bata pa ay kinakitaan na ng
tapang si Trining. Isang gabing may nangahas na pumanhik sa
kanilang tahanan ay patakbo niya itong initak. Duguang bumaba ng bintana ang
pangahas at kakawag-kawag na sumisigaw na hindi na raw siya uulit sa
katampalasanan. May isang alperes naman na nang ayawan ni Idad sa panliligaw ay
nakaisip manggulo. Pinapunta ng nabigo ang mga tauhan. Pilit nilang hinanapan si
Idad ng mga puslit na tabako. Sa galit ng dalaga ay iwinasiwas nito ang matalim na itak
at itinaboy ang mga bastos. Matapang si Trinidad sa lahat ng pagkakataon. Wala siyang
pinangingimian. Lagi at lagi niyang binibigyang diin na walang sinumang mang-aalipin
kung walang magpapaalipin. Marami ang nag-akalang hindi na mag-aasawa pa si
Trinidad. Ang tila lalaking mga gawi nito ay ikinatatakot ng maraming gusto sanang
manligaw. Pero may isang mapangahas na nagtagumpay. Disinwebe anyos nang
magpakasal si Trinidad. Malungkot isiping dalawang anak niya na pinangalanan niyang
Sinforoso at Desiderio ang kapwa namatay. Kwarenta’y syete anyos na si Trinidad nang
sumali sa Katipunan. Bihasa na siya sa mga nasyonalismong ipinakikipaglaban ng
samahan sapagkat isa siyang mason. Kakaiba talaga si Idad. Siya lamang ang
katipunerang pumayag na ipirma ang sariling dugo sa dokumento ng panunumpa.
Walang bakas ng pangamba sa mga kilos ni Trining bilang katipunera. Ito ang dahilan
kaya siya isinasama sa aktuwal na labanang kung saan ang buhay niya ay nabibingit
sa kamatayan. Noong panahon ng rebolusyon, lumaban si Idad sa pamumuno ni
Heneral Francisco Makabulos sa mga tunggalian sa Zaragoza at San Antonio, Nueva
Ecija. Nagpakita rin siya ng tapang sa pamumuno ni Heneral Isidoro Torres sa
tunggalian sa San Rafael, Bulacan. Nakipagtagisan din siya nang bala sa bala sa
pamumuno ni Heneral Mariano Llanera sa mga tunggalian sa San Miguel, Kupang, Biak
na Bato at San Idelfonso sa Bulacan, gayon din naman sa Cabanatuan, Nueva Ecija.
Sa isa sa mga pakikipaglaban ay nabaril sa hita si Trining kaya kaagad inilikas sa Biak
na Bato na punong kwartel ng mga rebolusyonaryo. Nang gumaling ang sugat ay
nakipagdigmaan na naman ang walang takot na katipunera. Kapag hindi
nakikipaglaban ay nasa pagaalaga siya ng mga kasamahang nasugatan. Upang
masapatan ang bilang ng mga nag-aalaga sa mga sugatan, sinikap niyang manghikayat
ng mga Pilipinong maaaring tumulong sa mga kaawa-awang kawal na may
karamdaman. Ang digmaan ay nakapagpaalala kay Trining sa pagpapakasakit ng
maraming katipunero at katipunerang nakibahagi sa ikalalaya ng bansa. Sa mga
labanan, inialay ni Trinidad Tecson ang kaniyang tapang alang-alang sa bayan.
Ochenta anyos nang mamatay si Trinidad Tecson noong Enero 28, 1928.
NAME: RHIAN HONEY FRANCINE DEJESUS
GRADE 6 – 2
NAME: RHIAN HONEY FRANCINE DEJESUS
GRADE 6 – 2
NAME: RHIAN HONEY FRANCINE DEJESUS
GRADE 6 – 2
NAME: RHIAN HONEY FRANCINE DEJESUS
GRADE 6 – 2
NAME: RHIAN HONEY FRANCINE DEJESUS
GRADE 6 – 2
NAME: RHIAN HONEY FRANCINE DEJESUS
GRADE 6 – 2

You might also like