You are on page 1of 11

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Naipapakita ang paggalang sa mga Maykapangyarihan.

II. PAKSANG-ARALIN:
Paggalang sa Batas, Maykapangyarihan at Kalayaan
B.P. : Pananagutang Panlipunan
K.P. : Paggalang
E.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 16

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga aral ng simbahan na dapat nating naisasagawa?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
a. Sinu-sino ang mga nagpapairal ng batas sa ating barangay? Sa bansa?
b. Magpapakita ng mga larawan ng mga pulis, barangay tanod at mga naglilingkod sa
pamahalaan.

2. Paglalahad:
May gulo na nangyari sa inyong lugar. May mga pulis na dumating at isa ka sa
napagtanungan tungkol sa gulong nangyari. Paano mo sasagutin ang mga pulis?
a. Pagpangkat sa klase
Hatiin ang mga bata sa apat na pangkat.
b. Pagbalangkas
Ipaliwanag sa mga bata ang dapat nilang gawin upang kanilang maipapakita kung
paano iginagalang ang maykapangyarihan. (drawing o role playing).
c. Pakitang-Gawa
Ipapakita ng mga bata ang kanilang ginawa, maaaring “pagguhit o role playing”.

C. Pagtalakay:
a. Paano sinagot ng mga bata ang pulis na nagtatanong?
b. Paano ipinakikita sa larawan ang paggalang sa mga maykapangyarihan?
c. Kung kayo ang napagtanungan, ano ang gagawin mo?

D. Paglalapat:
Tinanong ka ng pulis kung kilala mo ang mga nasa larawan. Kilala mo ang taong nasa
larawan. Paano mo sasagutin ang pulis?

IV. PAGTATAYA:
Sagutin ang mga tanong
1. Bakit dapat igalang ang maykapangyarihan?
2. Anu-ano ang naitutulong sa ating pamayanan ng mga may kapangyarihan?
3. Paano natin sila dapat kausapin?

V. KASUNDUAN:
Mula ngayon iiwasan ko ang pagsagot nang hindi maayos sa mga maykapangyarihan.
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Nakakasunod sa mga tuntunin at patakaran na pinaiiral ng batas

II. PAKSANG-ARALIN:
Paggalang sa Batas, Maykapangyarihan at Kalayaan
B.P. : Pananagutang Panlipunan
K.P. : Paggalang
E.L.C.1.2 : EKAWP 6, pp. 19

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Bakit mahalaga na igalang ang mga maykapangyarihan?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Bakit mahalaga na igalang ang mga maykapangyarihan?

2. Paglalahad:
Nagpalabas ng batas ang barangay tungkol sa "Curfew Hour" para sa mga kabataang may
edad sampu hanggang dalawampu't isa na bawal maglalagi sa kalsada mula 9:00 ng gabi.
a. Pagpangkat sa mga bata
Pangkatin ang mga bata sa apat na pangkat.
b. Pagbalangkas
Ibigay ang sitwasyon sa mga bata at hayaan silang gumawa ng slogan tungkol sa
curfew hour.
c. Pakitang-Gawa
lsa-isang ipapakita at ipaliliwanag ng bawat pangkat ang kanilang gawa.

3. Pagtatalakay:
a. Ano ang ginawa ng bawat pangkat?
b. Paano nila ipinakita ang kahalagahan ng "curfew hour"?

C. Pagtalakay:
Kung kayo ba ito, susundin din ba ninyo ang sinasaad ng "curfew hour" Bakit?

D. Paglalapat:
Bakit kailangan sundin ang mga pinaiiral na batas?

IV. PAGTATAYA:
Lagyan ng tsek () kung sinusunod ang batas at ekis ( x ) kung hindi sinusunod.
BATAS Sinusunod Hindi-Sinusunod
1. Bawal magtapon ng basura kahit saan.
2. Bawal magpagabi sa labas.
3. Sumunod sa traffic light.

V. KASUNDUAN:
Mula ngayon ipagpapatuloy ko ang pagsunod sa mga batas na pinaiiral ng barangay at ng bayan.
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Nakatutulong sa pagpapatupad ng mga tuntunin at batas.

II. PAKSANG-ARALIN:
Paggalang sa Batas, Maykapangyarihan at Kalayaan
B.P. : Pananagutang Panlipunan
K.P. : Paggalang
E.L.C.1.3 : EKAWP 6, pp. 19

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
a. Anu-ano ang mga batas na pinaiiral sa inyong barangay?
b. Bakit kailangan sundin ang mga batas na iyon?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
a. Anu-ano ang mga batas at tuntunin na kailangan ipatupad sa mga mamamayan?

2. Paglalahad:
Malapit na ang eleksyon kaya magkakaroon ng pagpaparehistro sa mga bagong botante
mula sa labing-walong taong gulang pataas. lpinaalam ng mga guro sa mga mag-aaral ang
petsa ng pagpaparehistro. Pagdating sa bahay, kaagad-agad na ibinalita ni Imelda ang sinabi
ng guro tungkol sa takdang araw ng pagpaparehistro. Hindi lamang sa kanyang mga
magulang pati na rin sa kanyang mga tiyuhin at mga pinsan.

3. Pagtatalakay:
a. Ano ang ibinabalita ni Imelda sa kanyang mga magulang at kamag-anak?
b. Tama ba ang kanyang ginawa?

C. Paglalahad:
Kung kayo si Imelda, ibabalita nyo rin ba ang bilin ng guro sa inyong mga magulang at
kamag-anak?

D. Paglalapat:
Nakita mong nakapaskil sa Health Center ang tungkol sa pagbabakuna sa tigdas. Lahat ng
bata mula sa isang buwan hanggang sa sampung taon ay kailangan magpabakuna upang
makaiwas sa sakit na tigdas. Ano ang gagawin mo?

IV. PAGTATAYA:
1. Anu-ano ang mga batas at tuntunin na dapat ipatupad sa mga mamamayan?
2. Paana ka makatutulong sa pagpapatupad sa mga batas na ito?
3. Anong pagpapahalaga ang ipinakikita sa pagtupad ng mga tuntunin at batas?

V. KASUNDUAN:
Mula ngayon ipagpapatuloy kong tuparin ang mga tuntunin at batas sa pamamagitan ng
pagbabalita nito sa mga mamamayan.
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Naibabalita sa mga magulanglmag-anak ang mga takdang araw ng pagpaparehistro ng eleksyon.

II. PAKSANG-ARALIN:
Paggalang sa Batas, Maykapangyarihan at Kalayaan
B.P. : Pananagutang Panlipunan
K.P. : Paggalang
E.L.C.1.3 : EKAWP 6, pp. 19

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Bahaginan: Isang awit

B. Panlinang na Gawain
1. Mungkahing Kalagayan:
Paglalahad ng isang usapan tungkol sa pagrerehistro.

2. Pagtatalakay:
a. Paano nalaman ng anak artg petsa ng pagpaparehistro?
b. Tama bang maging mulat ang mga batang tulad mo sa mga gawaing may kinalaman sa
pagboto? Bakit?

C. Paglalahad:
Paano makatutulong ang batang katulad mo sa mga gawaing panlipunang katulad ng
eleksyon?

D. Paglalapat:
Ano ang iyong gagawin kung ang isa sa iyong kamag-anak ay di enteresadong rnagpatala
para sa darating na eleksyon?

IV. Ebalwasyon:
Papaano ka makatutulong sa pamahalaan sa paghihikayat sa mga mamamayan na makilahok
sa mga pambansang gawain katulad ng pagpaparehistro bago maghalalan?

V. KASUNDUAN:
Makiisa sa mga gawaing panlipunan
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Nakakasali sa mga kampanya tungkol sa iba’t ibang batas.

II. PAKSANG-ARALIN:
Paggalang sa Batas, Maykapangyarihan at Kalayaan
B.P. : Pananagutang Panlipunan
K.P. : Paggalang
E.L.C.1.3 : EKAWP 6, pp. 20
Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Bahaginan: Balitang Napakinggan

B. Panlinang na Gawain
1. Mungkahing Kalagayan:
Isang katulong ang ibig na tumigil sa pagtatrabaho sa kanyang amo ngunit ayaw siyang
payagang makaalis.

2. Talakayan:
a. Alam n'yo ba ang inyong mga karapatang naaayon sa batas?
b. Ano ang dapat na ginagawa ng mga batang katulad n'yo?

C. Paglalahat:
Paano ka makatutulong sa pagpapalaganap ng mga batas na pinaiiral sa bansa?

D. Paglalapat:
Ano ang magagawa ng isang batang tulad mo sa pagpapalaganap ng mga batas na pinaiiral sa
bansa?

IV. PAGTATAYA:
Ipaliwanag ang iyong gagawin sa ganitong sitwasyon.
1. Nalaman mo ang kahalagahan ng pagbabayad ng tamang buwis. Narinig mo ang iyong ama at ina
na nag-uusap at sinabing dadayain nile ang buwis na kanilang babayaran. Ano ang gagawin mo?
2. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura sa Iog at kanal. Nakita mo ang iyong
kapitbahay na patuloy na nagkakalat at nagtatapon ng basura sa ilog. Ano ang gagawin mo?
3. Ang pamahalaan ay patuloy sa pangngampanya laban sa "dynamite fishing." Napag-alaman mo
na ang iyong ama ay isa pala sa gumagamit nito. Ano ang gagawin mo?

V. KASUNDUAN:
Tumutulong sa pagpapalaganap ng mga pinaiiral na batas.
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Nagagamit ang Kalayaan ng may pananagutan

II. PAKSANG-ARALIN:
Paggalang sa Batas, Maykapangyarihan at Kalayaan
B.P. : Pananagutang Panlipunan
K.P. : Paggalang
E.L.C.1.4 : EKAWP 6, pp. 19

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paano natin napapatupad ang mga tuntunin at batas na pinaiiral sa pamahalaan?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Anu-ano ang mga kagamitang ibinibigay ng parnahalaan sa ating paaralan?

2. Paglalahad:
Maraming kagamitan ang dumating sa inyong paaralan. Kaagad ipinarnamahagi ng
punong-guro ang mga desks at cabinets para sa Klase na nangangailangan. Isa sa inyong
klase na nabigyan ng mga kagamitang iyon.
a. Pagpangkat sa klase
Hatiin ang klase sa apat na pangkat.
b. Pagbalangkas
Ipaliwanag sa mga bata ang nararapat gawin para sa mga kagarnitang kanilang
natanggap.
Wastong paggamit at pag-iingat sa mga kagamitang pampubliko.
c. Pakitang Gawa
Pagpapakita ng mga gawain ng bawat pangkat . Du!a-dulaan o pagguhit.

3. Pagtatalakay:
a. Anu-ano ang mga kagarnitang pampubliko ang pinadala ng pamahalaan?
b. Paano ipinakita ng mga pangkat ang paggamit ng mga kagami ang pampubliko?
C. Paglalahad:
Kung bago ba ito, paano mo gagamitin ang mga kagamitang pampubliko?

D. Paglalapat:
Bukod sa paggamit ng mga kagamitang pampubliko nang maingat. anu-ano pa ang ibang
bagay na malaya nating nagagamit ng may pananagutan?

IV. PAGTATAYA:
1. Bakit kailangan nating pag-ingatan ang mga kagamitang pampubliko?
2. Ano ang mangyayari kung hindi tayo matapat sa pagpili ng mga taong maglilingkod sa ating
bayan?

V. KASUNDUAN:
Anu-ano ang kalayaang tinatamasa ng isang batang tulad mo? Papaano mo ito ginagamit?
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Nasasabi ng Malaya ang isinasaloob ng di-nakalalabag sa batas

II. PAKSANG-ARALIN:
Paggalang sa Batas, Maykapangyarihan at Kalayaan
B.P. : Pananagutang Panlipunan
K.P. : Paggalang
E.L.C.1.4 : EKAWP 6, pp. 21

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Bahaginan: Isang awit

B. Panlinang na Gawain
1. Paano mo dapat ipahayag ang iyong saloobin?

2. Mungkahing Kalagayan:
Paglalahad ng isang usapan tungkol sa pagwewelga.

3. Talakayan:
a. Ano ang gagawin ng mga dayuhan upang maiparating ang kanilang saloobin?
b. Bakit di nile pupwedeng piliiin ang mga ayaw makiisa?
c. Tama ba ang sinabi nina Mang Tinoy at Mang Isko?

C. Paglalahad:
Paano mo maipararating ang iyong saloobin ng di-lumalabag sa batas?

D. Paglalapat:
Kasali ka sa mga nagwewelga sa isang pabrika dahil sa maling pamamalakad ng namumuno
dito. Nakita mo na ang isa mong kasamahan ay nagsusulat sa pader ng pabrika. Ano ang iyong
gagawin? Bakit?

IV. PAGTATAYA:
Sabihin kung tams o mali ang isinasaad ng sumusunod na sitwasyon.
1. Sulatan ang mga gusali upang maiparating sa kinauukulan ang iyong saloobin.
2. Magwelga ng payapa at maayos.
3. Pwersahang isama sa welga ang mga mamarnayang ayaw makilahok.
4. Makipag-away at makipagpukulan kung ayaw pakinggan ang iyong saloobin.
5. Magsagawa ng isang pamayapang welga upang ipaabot ang pagbabago.

V. KASUNDUAN:
Iparating ang anumang saloobin ng di gumagawa ng karahanasan at di lumalabag sa batas.
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Napipili ang sariling kandidato ng buong katapatan.

II. PAKSANG-ARALIN:
Paggalang sa Batas, Maykapangyarihan at Kalayaan
B.P. : Pananagutang Panlipunan
K.P. : Paggalang
E.L.C.1.4 : EKAWP 6, pp. 20

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Bahagian: Isang awit

B. Panlinang na Gawain
1. Mungkahing Kalagayan:
Paglalahad ng isang usapan tungkol sa pagpili ng kandidatong ibobot sa eleksyon.

2. Pagtalakay:
a. Tama ba ang ginawang batayan ng nanay ni Rodel sa pagpili ng kandidatong iboboto?
b. Anu-ano, ayon kay Rodel ang mga katangian ng pipiliing kandidato?

C. Paglalahat:
Paano ninyo dapat piliin ang kandidatong dapat ihalal?

D. Paglalapat:
Binigyan ka ng pagkakataong burnoto, anu-ano ang magiging batayan mo sa pagpili ng
kandidatong iyong iboboto?

IV. PAGTATAYA:
Basahin ang kalagayan at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Panahon ng halalan at nabatid mo kung sinu-sino at ano ang pagkatao ng bawat kandidato. Ano
ang dapat mong gawin?
a. Hihikayatin ang magulang na iboto ang taong may malinis na pagkakataon?
b. Pababayaang pumili ang mga magulang ng kandidatong pinakapopular.
c. Sasabihin sa mga magulang na iboto ang kandidatong namimigay ng pera.
2. Ang punung-guro ay nagpahayag na magkakaroon ng halalan ng Barangayette sa paaralan. Nais
ng iyong kaibigan na lumaban bilang pangulo. Batid mo sa loob mo na hindi siya karapat-dapat.
Ano ang gagawin mo?
a. iboboto pa rin ang kaibigan
b. pipiliin ang karapat-dapat na walang kinikilingan
c. hindi na lamang boboto

V. KASUNDUAN:
Sinu-sino ang mga lingkod-bayan na paborito mo? Bakit?
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Nagagamit ang kagamitang pampubliko ng maingat.

II. PAKSANG-ARALIN:
Paggalang sa Batas, Maykapangyarihan at Kalayaan
B.P. : Pananagutang Panlipunan
K.P. : Paggalang
E.L.C.1.4 : EKAWP 6, pp. 21
Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Bahaginan: Isang Awit

B. Panlinang na Gawain
1. Mungkahing Kalagayan:
Kabubukas pa lamang ng eskuwela ng magbigay ng aklat ang guro sa ika-anim na
baitang. Dahil sa may kalumaan na ang mga libro, ang iba rito ay may punit-punit na pahina.

2. Talakayan:
a. Anu-ano ang mga alam ninyong kagamitang pampubliko?
b. Ano ang dapat natiog gawin sa mga ito?
c. Bakit daw kailangang pangalagaan ang mga aklat at iba pang kagamitang pampubliko?

C. Paglalahat:
Bakit kailaogang gamitin ng maayos ang mga pampublikong kagamitan?

D. Paglalapat:
Nakita mo ang isang mag-aaral na nagsusuiat sa bakuran ng paaralan. Ano ang dapat mong
gawin?

IV. PAGTATAYA:
Ano ang iyong ginagawa sa mga kagamitang pampublikong ipinagagamit sa inyo?
Bakit dapat pangalagaan ang mga pampublikong kagamitan?

V. KASUNDUAN:
Maging maingat sa paggamit ng mga kagamitang pampubliko.
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Nagbibigay/Nanghihingi ng tulong para sa nangangailangang pangkat etniko, biktima ng labanan
at nakatira sa lugar ng mga dukha.

II. PAKSANG-ARALIN:
Malasakit sa mga Nangangailangan
B.P. : Pananagutang Panlipunan
K.P. : Pagmamalasakit/Kabutihan ng Nakararami
E.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 22

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
a. Anu-ano ang mga kalayaan ng mga may pananagutan?
b. Bakit kailangang pag-ingatan ang mga kagarnitang pampubliko?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Saan lugar dito sa ating bansa ang palaging nasasalanta ng baha?

2. Paglalahad:
Panahon ng tag-ulan at maraming lugar ang binabaha. Isa na rito ang Barangay
Masagana. Halos taun-taon ay binabaha ang lugar na ito lala na at malapit sa ilog. Isa ang
mag-anak ni Mang Berta na nasalanta ng baha. Nawala ang kanilang bahay at walang gamit
na naisalba. Tumira sila sa relocation site. Maraming NGO's ang nagbigay ng tulong sa kanila
a. Pangkatin ang klase
Hatiin ang klase sa apat na pangkat
b. Pagbalangkas
Ipaliwanag sa mga bata ang mga gawain
1. Unang pangkat - pinasasaya ang ma dalita at kapuspalad
2. Pangalawang pangkat - lumalahak sa mga programa
3. Pangatlo at pang-apat na pangkat – ibinabahagi ang tirahan damit o laruan.

3. Pagtatalakay:
a. Anu-anang paksa ang iginuhit ng bawat pangkat?
b. Paanoa ipinakikita ang bawat pagtulong sa mga nangangailangan?

C. Pakitang-Gawa:
Pag-uulat ng bawat pangkat

D. Paglalahat:
Kung kayo ba ito, gagawin rin ba ang nasa larawan? Bakit?

E. Paglalapat:
a. Ano ang nararapat na gawin kapag rnayroong nangangailangan ng tulong sa ibang lugar?
b. Nagbibigay din ba kayo sa mga taong nangangailangan ng tulong?
IV. PAGTATAYA:
MGA GAWAIN Ginagawa Hindi-Ginagawa
1. Nagbibigay ng mga laruan sa mga dalita.
2. Ayaw makibahagi ng mga pagkain at mga lumang
damit
3. Ayaw tumulong sa mga nawawalan ng tirahan.
4. Nag-aalok ng mga kagamitan para sa mga nawawalan ng
bahay at mga gamit sa pamamahay.

V. KASUNDUAN:
Mula ngayon uugaliin ko na ang pagtulong sa aking kapwa lalo na sa mga biktima ng labanan,
baha at bagyo at sa mga kapus, palad.

DepEd hassle free quick download: Deped teaching materials at teachershq.com

You might also like