You are on page 1of 3

HUDKUNYAPI

Noong unang panahon, sa lupain ng Butong. May dalawang tribong


naninirahan sa pagitan ng ilog Ayab, ang tribong hudyapi at kunyapi. Ang bawat
tribo ay pinangunguluhan ng dalawang magtalik na kaibigang sultan, si Sultan
Abo ng tribong hudyapi at Sultan Idaw ng tribong kunyapi. Gayunpama'y may
mga sari-sariling anak ay pabirong pinagkakasundo ng dalawang sultan ang kani-
kanilang mga anak upang maging mag-asawa kahit na nasa mga murang edad pa
lamang ang mga ito.

Si Ibam, ang anak na babae ni sultan Abo. May angking kagandahan ngunit
may pagkaadonis ang ugali dahil sa tapang at galing nito sa pakikipaglaban. Si
Awon, anak na lalaki ni sultan Idaw. May maamong at kaakit-akit na
pagmumukha, mahusay rin sa pakikipaglaban ngunit mahina pagdating sa mga
kababaihan. Dahil sa pagkakaibigan ng kani-kanilang ama ,ay gayun narin ang
pagkakaibigan ng dalawa. Kahit na ayaw at tila naiinis ang dalawa kapag pinag
uusapan ng kani-kanilang ama ang ukol sa kanilang pagpapakasal ay hindi na
lamang nila pinapansin ang mga ito sapagkat imposible raw mangyari iyon.

Imbis na paglalaro sa isa't isa, pagsasanay sa pakikipaglaban ang kanilang


libangan mula pa noong nasa ika-6 na taong gulang pa lamang sila. Masasabing
tunay na mahusay at hilig ni Ibam ang pakikipaglaban sapagkat palagi niyang
natatalo si Awon sa kanilang pagsasanay. Tila mga aso't pusa ang kanilang
relasyon sa isa't isa, subalit maihahalintulad mo naman sa mag-asawa ang
kanilang pagdadamayan kapag may pagsubok silang nararanasan.

Lumipas ang panahon, nagdalaga at nagbinata na sina Awon at Ibam. Naging


mandirigma si Awon sa kaniyang tribo samantalang si Ibam naman ay sinasanay
ang sarili sa pagiging mabini sapagkat siya nga ay prinsesa. Mahinhin mang
kumilos at nagsusuot ng magagarang kasuotan at mga alahas si Ibam ay hindi pa
rin nawawala ang pagiging mahusay nito sa pakikipaglaban sa tuwing nagsasanay
pa rin sila ni Awon.

Isang araw, habang sila ay nagsasanay na makipaglaban sa tabi ng ilog Ayab,


nadulas si Ibam at kamuntikang mahulog sa rumaragasang agos ng tubig. Sa
kabutihang palad ay naagapan ni Awon na hawakan ang kamay ni Ibam at
iniligtas sa pagkakahulog. Napayakap ang dalaga sa binata, doon ay lumagkit ang
pagtitinginan ng dalawa sa isa't isa. Sa damdaming tila nahulog ang binata sa
ganda at kislap ng mata ng dalaga ay nautal ito at dali-daling umalis sa pauwi sa
kanilang tribo. Naiwan ang dalagang may bahid ng pagkakaba sa kaniyang puso
at tinatanong sa sarili kung ano itong naramdaman niya kay Awon. Sa gitna ng
pag-iisip ni Ibam, isang babala ang dumating sa kanilang tribo. Hinipan ng katribo
ni Ibam ang sungay na ang ibig sabihin ay mayroong kalaban. Hindi na
nagpaatubili pa si Ibam at kinuha ang kaniyang sandata at pumunta sa kanilang
tribo. Pagsapit sa kaniyang tribo, nakita ni Ibam na bihag ng isang malaking tao
ang ama niya. Sa galit niya, sinugod niya ang higante ngunit mabilis rin itong
napigilan ng kalaban. Lubhang napakalakas ng kalaban, hindi ito matalo ni Ibam.
Matapos wasakin ang tribo ng kudyapi ay umalis ang higante dala si Ibam at si
sultan Abo.

Ang balita ay nakarating sa kabilang tribo. Nabahala ang lahat lalo na ang
Sultan at si Awon. Tawag ng pangangailangan, buong tapang at pag-asa na
maliligtas nila ang prinsesa at ang sultan ng tribo ng kudyapi. Naghanda ang
kawan ng mga mandirigma, nagsimulang maglakbay at nag imbistiga kung saan
at ano ang maaring gumawa ng ganitong bagay.

Napagtanto ni Awon na si Buhamon ang higante sa alamat na naninirahan sa


tuktok ng bulkan ang kumuha kay Ibam at ni sultan Abo. Naging gabay nina Awon
ang mga yapak na nalikha ng higante papunta sa kuta nito. Habang papalapit na
kinaroroonan ng higante, isang patibong ang bumunyag sa kanila. Naglalakihang
mga kasama ng higante ang nakipaglaban sa kanila. Naging abala ang lahat sa
pakikipaglaban tumagal ang labanan ng tao laban sa mga higante. Hindi
masaktan ng mga mandirigma ang mga higante sapagkat matitigas ang mga
katawan nito. Nakaisip ng paraan si Awon upang matalo ang mga higante, sa
paraang hiwaan ang litid sa bandang sakong nito. Ipinakalat sa mga mandirigma
ang ukol sa paraang ito, matapos malaman ni Sultan Idaw ang paraan kung paano
talunin ang mga higante, pinauna niya si Awon upang iligtas sina Sultan Abo at
Ibam. Nagmadali si Awon na pumunta sa kuta, at doon ay nakita nga niya sina
Ibam at ang sultan. Tahimik na pinakawalan niya ang dalawa ngunit nahuli ito ng
higante. Kamuntikan ng mapisa si Awon, mabuti na lamang ay naiwasan niya
agad ang malaki nitong kamay. Kakabangon pa lamang ni Awon sa pagkakahiga
dahil sa kaniyang pag iwas ay nahampas agad ito ng higante. Humampas si Awon
sa pader, nasaktan at tila nanghina. Lubhang nag alala si Ibam kay Awon,
pinalakas ang loob nito sa pamamagitan ng palagian nilang biruan sa isa't isa.
Natawa si Awon at nabigyan ng lakas ng loob upang talunin ang higante. Ginamit
ni Awon ang mga natutunan niya sa palagiang pagsasanay nila ni Ibam, mabilis at
buong lakas na hiniwa ang litid sa sakong ang higante. Hindi makakilos ang
higante, at dahan dahan naging alikabok at nawala. Napakawalan ni Awon ang
mag-ama, niyakap ni Ibam si Awon dahil ligtas siyang nailigtas sila. Nagtapat ng
pag-ibig si Awon kay Ibam at gayundin si Ibam. Natuwa si sultan Abo sapagkat
magkatotoo ang kanilang pagbibiro sa kanila noong bata pa sila. Nakauwi silang
lahat ng ligtas at payapa sa kani-kanilang tribo at ipinagdiwang ang kanilang
pagtatagumpay mula sa mga higante.
Lumipas ang mga panahon, si Awon at si Ibam ay nagpakasal sila dalawang
araw bago ang full moon sa paniniwalang magiging maligaya ang mag-asawa sa
kanilang pagsasama. Laking lugod din naman ng mga sultan sapagkat bago pa
man lang magpakasal ang dalawa ay pareho silang nanilbihan sa kani-kanilang
mga magulang na nagpapakita ng pagrespeto at paggalang sa kanila. Ang bawat
tribo ay naghanda para sa dadausan ng kasal mula sa lugar, sa mangangasiwa ng
kasal at sa mga magiging parte ng seremonya. Nagtapos ang kasal sa
pamamagitan ng paghagis ng bulaklak na dala ni Ibam sa kaniyang mga katribo
nilang kanilang tradisyon. Ang pag-ibig nilang dalawa ay ipinagkaisa na at
makakasama sama na sila sa hirap man o ginhawa.

You might also like

  • Appenndix B
    Appenndix B
    Document3 pages
    Appenndix B
    STAR CHINEMA
    No ratings yet
  • BALANGKAS
    BALANGKAS
    Document5 pages
    BALANGKAS
    STAR CHINEMA
    100% (2)
  • Appendix A
    Appendix A
    Document3 pages
    Appendix A
    STAR CHINEMA
    No ratings yet
  • Chapter 2
    Chapter 2
    Document22 pages
    Chapter 2
    STAR CHINEMA
    No ratings yet
  • Chapter 3
    Chapter 3
    Document5 pages
    Chapter 3
    STAR CHINEMA
    No ratings yet
  • Preliminary
    Preliminary
    Document10 pages
    Preliminary
    STAR CHINEMA
    No ratings yet
  • Chapter 1
    Chapter 1
    Document10 pages
    Chapter 1
    STAR CHINEMA
    No ratings yet
  • Chapter 5
    Chapter 5
    Document9 pages
    Chapter 5
    STAR CHINEMA
    No ratings yet
  • Itok
    Itok
    Document4 pages
    Itok
    STAR CHINEMA
    No ratings yet
  • Kidapawan
    Kidapawan
    Document3 pages
    Kidapawan
    STAR CHINEMA
    No ratings yet
  • Ang Iraya (Epiko)
    Ang Iraya (Epiko)
    Document2 pages
    Ang Iraya (Epiko)
    STAR CHINEMA
    No ratings yet