You are on page 1of 7

Patricia Anne C.

Zita
3JRN2

“May Robot bang Bading”

Malamang pagod na ang siyudad sa paulit-ulit nitong


gawain, pero hindi si Bebang. Sabi ni Pakyo, isang
sampung taong gulang na bata na ipinanganak na may
iisa lamang na daliri sa kanang kamay, si Bebang daw ay
hindi tao kundi isang makinarya. Sa isip-isip ko, may
robot bang bading? Saka wala namang robot na iniuugoy-
ugoy pa ang puwet kapag naglalakad. Itinanong ko kay
Kakang Bo kung may robot na bakla. Tawa siya nang
tawa. Ayoko nga sanang magtanong na sa kanya dahil
tuwing nagsasalita siya, parang gusto kong pasalian ang
ilong ko ng mga sampaguitang inilalako niya sa baho ng
kanyang hininga. Kaso, sa palagay ko, siya na ang
pinakamatalinong tao na nakakausap ko. Nakapagtapos
daw siya ng kolehiyo. Sabi niya BS vendoring daw ang
kurso niya dati sa UP.

“Saan mo naman nakuha ‘yang tanong na iyan?”


“Basta, ano nga hong sagot?”

“Pulos lalaki ang mga robot, wala ngang babae eh,


bakla pa. Bakit may nakita ka bang robot na may suso?”
Ha! Ha! Ha!

Ang talino talaga ni Kakang Bo. Tama na naman siya.


Ngayong papatunayan ko kay Pakyo na hindi robot si
Bebang.
Isang araw, pauwi kami ng nanay ko galing sa
binguhan. Nakasalubong namin si Aling Gloria; pusturang-
pustura, naka-high heels, mini-skirt, at may pagkakapal-
kapal na kolerete sa mukha, halos kahawig na niya ang
anak niyang si Bebang. Si nanay naman, gaya ng dati
nakipag-beso-beso kay Aling Gloria.

“Mukhang pupunta ka ng otel mare ah! Isama mo


naman ako”

“Naku, ikaw talaga diyan lang ako sa munisipyo, may


dinner-date kami ni Meyor, eh.”

“alam ba ng asawa mo na…”

“Sinong asawa? Si Tato? Huli ka na pala sa balita


mare. Divorce na kami kahapon pa. Ni hindi nga sa amin
natulog kagabi ‘yung gagong ‘yun, eh!”

“Eh, ‘di si Bebang!”

Inis na inis ako sa nanay ko noon, tanong siya ng


tanong kay Aling Gloria ng kung anu-ano. Pagkatapos pa
nilang mag-usap, dumaan pa kami sa tindahan ni Aling
Tale at halos isang oras nag-tsismisan. Inulit lang naman
ni nanay ‘yung mga isinagot sa kanya ni Aling Gloria.
Nandidilat pa ang mga malalaking mata ni Aling Tale.
Hindi ko malaman kung nagulat ba siya o natakot sa mga
sinabi ni nanay. Gusto ko na sanang pumunta kina Pakyo
kaso ayaw akong payagan ni nanay. Tinakot pa ako,
kukunin daw ako ng Bumbay. Hindi naman ako
nakapanood ng Ghost Fighter, laban pa naman nina
Eugene at Taguro. Nakakainis talaga.

“Hay, bilisan mo ngang maglakad, hindi ka lang


nakapanood ng TV eh, umarte ka naman!”

“’Nay, divorced na rin ba kayo ni Tatay kaya hindi na


siya umuuwi?”

“Tanga! Wala namang divorce dito sa Pilipinas.


Naniwala ka naman kay Gloria eh, malala na ang sira ng
ulo ‘non. Kakauntog sa kanya ni Tato sa pader.”

Tumango na lang ako kahit hindi naman niya sinagot


ang tanong ko. Baka mabatukan pa ako at masabihan uli
ng tanga.”

Pagkalakas-lakas ng ulan kinabukasan.


Dumadagundong ang kulog. Inabutan si Aling Juana ng
ulan sa bahay namanin. Hindi naman siya mukhang reyna
pero ang tawag sa kanya, “Huweteng Queen ng
Brgy.Kasile.”Nang tumila na ang ulan, umalis na ang
mahal na reyna. Matapos ang mga tatlong minuto,
humahangos siyang bumalik sa amin. Nag-aamok daw si
Mang Tato, may hawak na taga at gustong patayin ang
lahat ng bakla sa barangay namin. Bakit kaya siya
ganoon? Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit
siya sa mga bakla. Si Fortunato Jr. pa naman niya ay
isang binabae. Bebang kung tawagin siya.

“Wow! balbon”

“Maputi sana pare he kaya lang pasas! Ha! Ha! Ha!”

“Anong pasas? Pigsa kamo! Ha! Ha!”

“Mga bastos! If you don’t do anything, don’t care


about me! At least ako may trabaho at kumikita
samantalang all of you walang ginawa maghapon at
magdamag kundi maglaklakan ng alak. Sa katamaran
niyo, iimpis din iyang mga bola ninyo!!! Tse!”

Isang linggo na marahil ang nakakaraan pero


tandang-tanda ko pa rin ang mga katagang ito ni Bebang.
Hanep! Naglalaro kasi kami noon ng text nina Pakyo at
Iboy sa may tabi ng tindahan ni Aling Tale nang dumaan
si Bebang at mapagkatuwaan ng mga “alab-baga boys”.

Hanga talaga ako kay Bebang. Masipag na,


marunong pang mag-Ingles. Ratsada yata si Bebang araw
at gabi. Sa umaga, tumatanggap siya ng labada. Minsan
naglalako siya ng dila-dila. Siya rin ang nag-aalaga kay
Iboy, ang sakitin niyang kapatid sa ina. Dati pa nga,
nagbukas siya ng karinderya. Masarap naman siyang
magluto kaya lang ginagawang tambayan ang puwesto
niya kung kaya’t siya ay nagsara. Sa gabi naman,
kumakanta siya sa klab.
Walang makapigil kay Mang Tato sa pagwasiwas sa
kanyang taga. Dumating ang idol kong si Bebang.
Nagmakawa siya sa kanyang ama na tanggapin na ang
kanyang pagkatao. Nanlilisik ang mga mata ni Mang Tato.
Mabilis ang naging pangyayari.

Kinabukasan, laman ng diyaryo, ‘Baklang anak,


tinaga ng Ama”

Umiyak din ako sa nangyari. Hinahanap pa ngayon si


Mang Tato ng mga pulis. Sabi ko na nga ba. Hindi robot si
Bebang. ‘Yung kaisa-isa kong robot hindi ko kayang
saksakin. At wala ring umaagos na dugo at luha sa robot
ko.

Pero kahit gaano pa kasipag si Bebang, hindi pa rin ito makuhang


tanggapin ng ama. Isa pa ay pinagbubuhatan sya nito ng kamay dahil sa
isa syang bakla. Puro galit ang nasa isip ni Mang Tato at hindi iniisip na
si Bebang ang gumagawa ng paraan para may pagkain at mabuhay ang
pamilya nila araw araw. Wala namang naitutulong si Mant Tao dahil
puro pag-iinom lang ang inaatupag nito buong araw. Ang asawa naman
nyang si Aling Gloria ay palagi ding wala sa bahay nila at wala rin itong
pakialam.
Naging miserable ang buhay ni Bebang sa kamay ng kanyang ama.
Sa loob ng ilang taon, kahit na anong pagsusumikap nito para
matanggap ng kanyang ama ay walang epekto kay Mang Tato. Kayod
kalabaw ito mula umaga hanggang gabi. Halos wala na itong panahon
para sa kanyang sarili. Hanggang sa isang araw, habang naghahanda si
Bebang papasok ng trabaho ay narinig nyang may kumalabog sa kwarto
ng kanyang mga magulang. Pumasok si Bebang sa kwarto at nakita nya
ang tatay nang nakahandusay sa sahig.
"Tay! Tay! gumisng kayo. Anong nangyari sa inyo?"
Dali daling humingi ng tulong si Bebang sa mga kapitbahay para
dalhin si Mang Tato sa hospital. Agad na pinasok ang kanyaang ama sa
emergency room. Habang nasa loob ng ER si Mang Tato ay sinubukang
tawagin ni Bebang ang kanyang ina. Ngunit nabigo lamang ito dahil
puro ring ang telepono. Sobra ang pagaalala ni Bebang sa kanyang ama.
Pagkaraan ng ilang oras lumabas ang doktor. Napagalaman na
Bebang na may naapektuhan na ng sobra ang kidney ng kanyang ama
dahil sa madalas nitong paglalasing. Binalaan sya ng doktor na kung
hindi titigil sa paginom si Mang Tato ay maaring lumubha ang kanyang
kalagayan.
Ilang araw munang nagpalipas sa ospital si Mang Tato. Sa buong
pamamalagi nya dito aay si Bebang ang kanyang nakasama. Paminsan
minsan lang kung dumalaw si Aling Gloria. Hanggang sa nakauwi na
sila sa bahay.
Inalagaang mabuti bi Bebang ang kanyang ama. Hanggat maaari ay
pinagbawalan na din nya itong uminom pa ng alak dahil lalong
makakasama ito sa kanyang kalugusan. Mas naaging pagod si Bebang
dahil ngayon ay dagdag ang pag-aalaga sa kanyang ama sa kanyang mga
trabaho. Pagkatapos magtrabaho sa labas ay ang kanyang ama naman
ang kanyang inaasikaso.
Lingid sa kaalaman ni Bebang ay unti unti ding nagbago ang tingin
sa kanya ng kanyang ama. Simula ng magkasakit ito at sa mga oanahong
inaalagaan sya ni Bebang, napaatunayaan ni Mang Tato na hindi
masamang tao ang kanyang anak. Hindi masama ang maging bading.
Minsan mas nakakatulong pa ang katulad ng kanyang anak sa ibang tao.
Mas may pakinabang at naitutulong pa sa pamilya si Bebang kaysa sa
mga lalaki na walang trabaho at diskarte sa buhay. Napatunayan din nya
na mabait na bata ang kanyang anak at itoy matulungin sa pamilya. Nais
na nyang humingi na tawad sa kanyang anak upang sila'y
makapagsimulang muli. Gusto na rin nyang magbagong buhay para sa
kanyang pamilya.
Sinimulan ni Mang Tato na makipag-ayos sa kanyang asawa na si
Aling Gloria. Napag-alaman nya na kaya lang nanlalake ang kanyang
asawa dahil sa bisyo nito. Nagkasundo silang ayusin ang kanilang buhay
para sa kanilang mga anak at nangako sa isat isa na hindi na muling uulit
sa mga ginagawa nilang masama. Pinangako no Aling Gloria na titigilan
na nito ang panlalake at magpopokus sa kanyang pamilya, at si Mang
Tato naman ay titigilan na ang pag-inom ng alak at maghahanap na ng
trabaho.
Pinaghandaan ng mag-asawa ang pag-uwi ni Bebang. Naghanda
sila ng kaunting salo salo para anak. Gusto nilang bumawi dito dahil sa
loob ng ilang taon si Bebang ang tumayong nanay at tatay sa pamilya.
Nabigla si Bebang sa sorpresa ng kanyang mga magulang. Hindi
nya akalaing mabubuo pa at maaayos ang pamilya nito. Natuwa sya
dahil sa wakas ay natanggap na sya ng kanyang ama. Naging masaya rin
sya sa pagbabago ng kanyang ina. Iyak lang ang nasagot ni Bebang sa
sorpresa ng kanyang mga magulang. Dahil dito mas pinagigihan nya ang
kanyang trabaho para sa kanyang sarili at pamilya.
Napatunayan sa kwento na walang bading na robot. Na hindi robot
si Bebang. May damdamin din at nasasaktan ang mga katulad no
Bebang. Hindi man sila tanggap ng ibang tao, walang may karapatan
para apihin at saktan sila. Dahil pare pareho lang tayong ginawa sa
mundong ito.

You might also like