You are on page 1of 8

Scrapbook

sa
MAPEH
Ipinasa ni:
Christelle D. Delfin
Grade V - Roxas

Ipinasa kay:
G. Raymar Relator
Guro
Ang rondalya ay isang pangkat ng mga instrumentong may kuwerdas. Ito ay
kinabibilangan ng mga instrumenting may tono at maaring gamitin na pansaliw sa pag-
awit at maari rin namang tumugtog bilang isang pangkat. Karaniwang ginagamit ang
rondalya sa mga pagtitipong Filipiniana, sa mga pataltuntunan sa paaralan at sa pistang
bayan.
Lima ang pangunahing instrumentong bumubuo ng rondalya; ang bandurya,
oktabina, laud at baho de arko. Ang instrumentong ito ay may tiyak na tono at may
kani-kaniyang timbre kaya’t mayroong bahagi sa awit o komposisyong musikal na bagay
sa kani-kanilang tunog. Ang rondalya ay maihahambing sa pag-awit ng may apatang
tinig.

Bandurya
Ang bandurya ay may maraming kuwerdas. Mayroon itong tatlong
kuwerdas sa bawat tono. Ito ay tinutugtog sa pamamagitan ng
“pick” na pinagpapabalikbalik nang mabilis sa isang tono ng
magkakalapit na kuwerdas. Ito ay maaaring ihambing sa soprano.
Karaniwang tinutugtog nito ang pangunahing himig o melodiya.

Oktabina
Ang oktabina ay mas malaki kaysa bandurya at ang hugis ay tulad
ng isang gitarang maliit. Tulad ng bandurya ay marami rin itong
kuwerdas na tinutugtog sa pamamagitan ng “pick”. Ito ang tenor
ng grupo sapagkat mataginting ang timbre nito.

Laud
Ang hugis ng laud ay tulad ng sa bandurya subalit ito ay mas malaki
nang kaunti. Ang laud ay may maraming kuwerdas at tinutugtog
tulad ng sa bandurya at oktabina. Mababa ang tunog ng laud at ito
ang sumusuporta sa melodiya. Ito ang alto ng rondalya.
Baho De Arko
Ang baho de arko ang pinakamalaking instrumento ng rondalya.
Kasintaas ito ng tao kaya’t ang tumutugtog nito ay nakatayo.
Apat lamang ang kuwerdas ng baho de arko at ang mga ito ay
tinutugtog sa pamamagitan ng pagkalabit ng mga daliri.
Matataba ang kuwerdas nito kaya’t ang timbre ay mababa.

Gitara
Isang daloy na himig lamang ang natutugtog ng bandurya,
oktabina, laud at baho kaya’t kinakailangan ang instrumentong
pansaliw. Ang gitara ang nagbibigay ng akorde bilang pansaliw sa
mga melodiyang nanggagaling sa mga instrumento ng rondalya.

A. Instrumentong Brass

Ang mga instrumentong ito ay yari sa tanso. Ang ihipan ng mga ito ay hugis kopa.
Napapatunog ang mga ito sa nais na tono sa pamamagitan ng mga slides at mga piston
na siyang nagpapaikli o nagpapaha-ba sa tubong dinadaanan ng hangin na nag-bibigay
ng tunog.

Trumpeta – may pinakamataas na tono sa mga


instrumentong brass. Ang kanyang tatlong piston ay
ginagamit upang mabago ang kanyang tono.

Trombone – ang pag-urong sulong ng slides nito ay


nakapagpapatunog ng iba’t ibang tono.

French horn – Nababago ang tono nito sa pagbabago ng diin ng ihip


at sa paggamit ng mga piston. Nababago ang timbre nito sa
pamamagitan ng pagpasok ng kamay sa maluwang na dulo nito.
Tuba – pinakamalaki at may pinaka-mababang tono sa lahat ng
instrument-tong brass.

B. Instrumentong Woodwind
Ang mga instrumentong ito ay may ihipang yari sa manipis na kawayan na
tinatawag na reed. May mga butas sa kata-wan ang mga instrumentong ito na binu-
buksan at sinasarhan gamit ang mga pisada na itinutulak ng mga daliri.

Clarinet – may 24 na butas ito na naka-pagbibigay ng


mataas na tono.

Plauta (flute) – ang ihipan nito ay isang butas lamang sa


gawing dulo nito. Ito ay maaaring yari sa pilak o kahoy.
Ang piccolo ang pinakamaliit at may pinakamataas na tono
ng plauta.

Oboe – may ihipang yari sa dalawang reed na pinagtaklob


at may pagitan. May haba itong 2 talampakan at yri sa
kahoy.

Bassoon – ang ihipan nito ay nasa tagi-liran. Ang katawan


nito ay sinlaki ng braso ng tao. Makapal ang tunog nito.
C. Instrumentong Perkusyon
Ang mga instrumentong ito ay pina-palo, tinatapik o pinagtatama upang mapa-
tunog.

Tambol – pinapalo ng isa o dalawang pamalo.

Timpani – ito lang ang tanging perkusyon na may tiyak na


tono. Hugis kaserola at bilog ang katawan nito. May mga
pihitan sa gilid nito na nahi-higpitan o naluluwagan upang
mapatu-nog sa nais na tono. May foot pedal ito na
nakatutulong sa pagbabago ng tono nito.

Pompiyang – ito ay yari sa tanso. Pinagtatama ang pares


nito upang magbigay ng maingay at mataginting na tunog.
Maaari rring ibitin ito at paluin ng patpat na kahoy.
Ang Pilipinas ay mayaman sa mga mga katutubong instrumentong pangmusika.
May tatlong Uri: Pinupukpok, Hinihipan at Kinakalabit.

A. Mga Instrumentong Pinupukpok

Gong
Ito ay yari sa tanso at mayroon ibat-ibang
pantawag ayon sa laki,uri ng tunog at pook na
pinagagamitan.

Saylopon
. Ito ay may dalawang uri:
1. Gabbang-saylopong kawayan ng Tausug.
2. Karandil-saylopong kahoy ng mga
Maguindanao. Ito ay pinapatunog sa
pamamagitan ng pagpupukpok ng isang
martilyo na yari sa kahoy.

Kalutang
Ito ay binubuo ng dalawang piraso ng kahoy ng
pinagtatama.Ito ay isa sa pinakamatangdang
instrumento etniko.

Bukaka o Bilbil
Ito ay instrumentong ng mga Tingguian at Igorot
na yari sa kawayan ang isang dulo nito ay
pinatatama o pinapalo sa palad upang tumunog.
Tambol
Ang mga Igorot ay mayroong tambol at
tinatawag nilang Sulibao.

B. Mga Instrumentong Hinihipan

Plauta
Ito ay yari sa kawayan.
 Sansik -Negrito,Zambales
Sahunay  Kaleteng -Tinggunian
 Tulate –Pangasinan
 Palendag –Maguindanao
 Sahunay –Sulo,Ilocos

Palendag

Lantoy
Ito ay isang uri ng Clarinet na matatagpuan sa
Visayas. Ito ay tinatawag ring subbing ng mga
Mindanao.

Pasiyak
Ito ay isang uri ng water whistle na ginagamit
hanggang ngayon sa ibang parte ng Panay
Island. Ito ay pinatutunog sa pamamagixcang
ng pagpuno sa katawang ng tubig at pagihip
sa isang maliit na butas sa dulong tubo.
Diw-diw as
Ito ay isang instrumentong ng mga Tinggunian
ng Abra.Ito ay binubuo ng 5 maninipis na
kawayan na tinalian.Ito ay pinatutunog sa
pamamagitan ng mga butas nito nang hindi
sumasayad ang mga labi ng manunugtog.Ito ay
kadalasang tinutugtog ng mga kababaihan.

C. Instrumentong Kinakalabit

Pas-ing
Ito ay isang uri ng gitara na yari sa kawayan
at ginagamit ng mga
Igorot at Kaguapayaw.Ito ay mayroong 2
kwerdas na yari sa balat ng kawayan.

Kabungbung
Ito ay hawig sa pas-ing at ginagamit ng mga
Negrito sa Bataan.

Kudyapi
Ito ay hugis bapor at tinugtugtog nang tulad
sa Cello. Ito ay may kuwerdas na copper

Litquit
Ito ay isang uri ng byolin na matatagpuan sa
mga Negrito ng Capiz ito ay mayroon 2
kwerdas at tinutugtog sa pamamagitan ng
pahilis ng arko.

You might also like