You are on page 1of 1

CARIOSA

Ang Cariosa ay isang uri ng panrarahuyong sayaw sa buong Kapuluan ng Pilipinas na may Hispanikong pinagmulan. Ang sayaw ay ginagamitan ng pamaypay at panyo. Orihinal na isinasayaw ang Cariosa na suot ang damit Maria Clara at Barong Tagalog dahil ito ay isang Kastilang sayaw nang ito ay ipakilala ng mga Kastila ang kanilang kultura ng tugtog ng Cariosa ay nagpapakita ng malaking impluwensya ng mga Kastila sa mga Pilipino. Ito ay may 3/4 sa kumpas gaya ng ilang mga sayaw na Kastila. Ang Rondalla ang tumutugtog sa tugtog ng sayaw kung saan ito ay isang pangkat o isang orkestra ng mga instrumentong na may pisi na binubuo ng mga bandurya, mandolin, gitara, tambol at banjo. Kadalasang lalaki ang tumugtog sa rondalla.

You might also like