You are on page 1of 8

MGA SAGISAG-PANULAT NG MGA PILIPINONG MANUNULAT

● Emilio Aguinaldo – Rosalia Magdalo, Magdalo


● Virgilio Almario – Rio Alma
● Cecilio Apostol – Catulo, Calipso and Calypso
● Francisco Baltazar – Balagtas
● Andres Bonifacio – Agapito Bagumbayan, Maypagasa, Magdiwang
● Felipe Calderon – Simoun, Elias
● Florentino Collantes – Kuntil-butil
● Jose Corazon de Jesus – Huseng Batute, Pusong Hapis, Luksang Paruparo
● Jose dela Cruz – Huseng Sisiw
● Epifanio delos Santos – G. Solon
● Nestor Vicente Madali Gonzalez – N.V.M. Gonzalez
● Marcelo H. del Pilar – Plaridel, Dolores Manapat, Piping Dilat, Siling Labuyo
● Severino Reyes – Lola Basyang
● Fernando Ma. Guerrero – Fluvio Gil, Florisel
● Amado Hernandez – Amante Ernani, Herninia de la Riva, Julio Abril
● Emilio Jacinto – Dimas-ilaw, Pingkian
● Nick Joaquin – Quijano de Manila
● Graciano Lopez Jaena – Bolivar, Diego Laura
● Antonio Luna – Taga-ilog
● Juan Luna – J.B., Buan
● Apolinario Mabini – Bini, Paralitiko, Katabay
● Jose Palma – Anahaw, Esteban Estebanes, Gan Hantik
● Jose Maria Panganiban – Jomapa, J.M.P.
● Pascual H. Poblete – Anak-bayan
● Mariano Ponce – Nanding, Tikbalang, Kalipulako
● Jose Rizal – Dimas-alang, Laong-laan, Agno
● Lope K. Santos – Anak-bayan, Doktor Lukas, Lakandalita
● Pio Valenzuela – Madlang-awa
● Jose Garcia Villa – Doveglion

WASTONG GAMIT NG SALITA


1) NANG at NG
Nang
a. Ginagamit ang nang bilang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap; katumbas
ng "when" sa Ingles.
Halimbawa: Tulog na ang mga anak nang dumating ang kanilang ina.
b. Ginagamit ang nang sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit.
Halimbawa: tapon nang tapon
c. Ang nang ay nagmula sa na at inaangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng
pandiwa at ng pang-abay.
Halimbawa: Nag-aaral nang mabuti si Juan.
Ng
a. Ginagamit ang ng bilang pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.
Halimbawa: Nagtanim ng palay si Maria na isang magsasaka.
b. Ginagamit ang ng bilang pananda ng aktor o tagaganap ng pandiwa.
Halimbawa: Tinulungan ng dalaga ang kanyang lola sa pagtawid.
c. Ginagamit ang panandang ng kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o
katangian.
Halimbawa: Ang boses ng bayan ang siyang dapat na mananaig.
2) MAY at MAYROON
May
a. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan.
Halimbawa: May kasalanang ginawa sina Juan at Pedro kagabi.
b. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pandiwa.
Halimbawa: May tumawa dahil sa nasabing balita.
c. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pang-uri.
Halimbawa: May magandang karanasan si Jose tungkol sa pag-ibig.
d. Ginagamit ang may kapag sinsundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari.
Halimbawa: Ang mga anak ni Mang Tomas ay may kani-kanilang pamilya na.
Mayroon
a. Ginagamit ang mayroon kapag may napapasingit na kataga (kagaya ng po, pa, din,
at rin sa salitang sinusundan nito).
Halimbawa: Mayroon po kaming ipagtatapat sa inyo.
b. Ginagamit ang mayroon bilang panagot sa isang tanong.
Halimbawa: May pera ka pa ba? -Mayroon.
c. Ginagamit ang mayroon kung nangangahulugan bg pagka-maykaya o mayaman.
Halimbawa: Ang mga Bautista ay mayroon sa probinsya ng Cebu.
3) KUNG at KONG
Kung
a. Ginagamit ang kung bilang isang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap;
katumbas ng "if" sa Ingles.
Halimbawa: Kung may problema ka, puntahan mo lang ako.
Kong
a. Ang kong ay buhat sa panghalip na ko at nilalagyan lamang ng pang-angkop na ng
sa pakikiugnay sa salitang sumusunod.
Halimbawa: Ang tangi kong hangad ngayong taon ay ang makapasa sa LET.
4) DIN/DAW at RIN/RAW
Din/Daw
a. Ginagamit ang din/daw kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig
maliban sa w at y.
Halimbawa: Magpapatingin daw siya sa doktor ngayon.
Rin/Raw
a. Ginagamit ang rin/raw kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa patinig at sa
malapatinig na w at y.
Halimbawa: May handa raw tayo sa darating na kaarawan ni tatay.
5) SINA at SILA
Sina
a. Ang sina ay panandang pangkayarian sa pangngalan.
Halimbawa: Sina Pablo at Simon ay pupunta sa Davao.
Sila
a. Ang sila ay ginagamit bilang isang panghalip panao; katumbas ng "they" sa Ingles.
Halimbawa: Sila ay pupunta sa Davao.

FIGURE OF SPEECH
1) SYNECDOCHE - an association of some important part with the whole it represents.
Example: The face who launched a thousand ships.
2) SIMILE - an indirect association.
Example: She is like a flower.
3) PERSONIFICATION - giving human attributes to an inanimate object (animal, idea,
etc.)
Example: The sun is looking down on me.
4) OXYMORON - a self-contrasting statement.
Example: Loud silence
5) METONYMY - an association wherein the name of something is substituted by
something that represents it.
Example: Toothpaste is sometimes called Colgate.
6) METAPHOR - a direct comparison.
Example: You are the sunshine of my life.
7) IRONY - the contrast between what was expected and what actually happened.
Example: No smoking sign during a cigarette break.
8) HYPERBOLE - an exaggeration.
Example: Cry me a river.
9) EUPHEMISM - creating a positive connotation out of something negative.
Example: Comfort women (prostitute)
10) ELLIPSIS - omission of words in a sentence.
Example: She walked away and so the world turns....
11) ASYNDETON - not putting any connectors (conjunctions or prepositions).
Example: No retreat, no surrender
12) APOSTROPHE - a direct address to an abstract things or a person who passed
away.
Example: Love, please come and take me!

MGA URI NG TAYUTAY


1) ALITERASYON (Alliteration) - pag-uulit ng mga tunog-katinig sa
inisyal na bahagi ng salita.
Halimbawa: Makikita sa mga mata ni Maria ang mga masasayang
nangyari sa kaniya kasama si Marco. (makikita, mga, mata, Maria,
masasayang, Marco)
2) KONSONANS - pag-uulit ng mga tunog-katinig sa final na bahagi ng salita.
Halimbawa: Ang aking pagmamahal para kay Rosal ay lalong tumatatag habang
tumatagal. (pagmamahal, Rosal, tumatagal)
3) ASONANS - pag-uulit ng mga tunog-patinig sa alinmang bahagi ng salita.
Halimbawa: Ang aking alagang aso ay agad kong pinaliguan pagdating ko sa amin.
4) ANAPORA - pag-uulit sa unang bahagi ng pahayag o taludtod.
Halimbawa:
Ikaw ang aking pangarap.
Ikaw ang bigay ng maykapal.
Ikaw ang lahat sa akin.
5) EPIPORA - pag-uulit sa huling bahagi ng pahayag o taludtod.
Halimbawa:
Ang Konstitusyon ay para sa mamamayan,
Gawa ng mamamayan,
At mula sa mamamayan.
6) ANADIPLOSIS - pag-uulit sa una at huling bahagi ng pahayag o
talutod.
Halimbawa:
Ang mahal ko ay tanging ikaw,
Ikaw na nagbigay ng ilaw,
Ilaw sa gabi na kay dilim,
Dilim n o liwanag, ikaw ay mahal pa rin.
7) PAGTUTULAD (Simile) - isang di-tuwirang paghahambing ng
dalawang magkaibang bagay gamit ang pariralang tulad ng, kawangis ng, para ng,
gaya ng, makasing, at magkasim.
Halimbawa: Parang hari si Tonio kung mag-utos.
8) PAGWAWANGIS (Metaphor) - isang tuwirang paghahambing ng magkaibang bagay
at hindi gumagamit ng mga pariralang nabanggit sa itaas.
Halimbawa: Ang kanyang buhay ay isang bukas na aklat.
9) PAGHAHALINTULAD (Analogy) - ito ay paghahambing na nagpapakita ng ugnayan
ng kaisipan sa kapwa kaisipan.
Halimbawa: Ang mga dalaga ay bulaklak at ang mga binata naman ay bubuyog.
10) PAGBIBIGAY-KATAUHAN (Personification) - ginagamit ito upang bigyang-buhay
ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng pagkakapit sa mga ito ng mga
gawi o kilos ng tao.
Halimbawa: Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa akin.
11) PAGMAMALABIS (Hyperbole) - lagpas sa katotohanan o eksaherado ang mga
pahayag kung pagkasusuriin.
Halimbawa:
a. Narinig ng buong mundo ang iyong sigaw.
b. Huminto ang pagtibok ng aking puso nang makita kong may kasama siyang iba.
12) PAGPAPALIT-TAWAG (Metonymy) - ito ang pagpapalit ng katawagan o pangalan
sa bagay na tinutukoy.
Halimbawa: Ang palasyo ay nag-anunsyo na walang pasok bukas. (palasyo -
Presidente ng Pilipinas)
13) PAGPAPALIT-SAKLAW (Synecdoche) - ito ay ang pagbabanggit ng bahagi bilang
pagtukoy sa kabuuan.
Halimbawa: Apat na mata ang patuloy na tumititig sa kanya.
14) PAGLUMANAY (Euphemism) - ito ay paggamit ng mga piling salita upang
pagandahin ang isang dikagandahang pahayag.
Halimbawa: Sumakabilang buhay kagabi ang ama ni Nena.
(sumakabilang buhay - namatay)
15) PANAWAGAN (Apostrophe) - ito ay isang panawagan o pakiusap sa isang bagay
na tila ito ay isang tao.
Halimbawa:
a. O tukso! Layuan mo ako!
b. Buhos na ulan, aking mundo’y lunuring tuluyan.
c. Kamatayan nasaan ka na? Wakasan mo na ang aking kapighatian.
16) PAGHIHIMIG (Onomatopeia) - sa pamamagitan ng tunog o hiimig ng salita ay
nagagawang maihatid ang kahulugan nito.
Halimbawa:
a. Dumagundong ang malakas na kulog na sinundan ng pagguhit ng matatalim na
kidlat.
b. Ang tik-tak ng relo ay nangibabaw.
17) PAG-UYAM (Irony) - isang pagpapahayag na may layuning mangutya ngunit
itinatago sa paraang waring nagbibigay-puri.
Halimbawa: Siya ay may magandang mukha na kung saan tanging ina niya lang ang
humahanga.
18) PAGTATAMBIS (Oxymoron) - ito ay ang paglalahad ng mga bagay na
magkasalungat upang higit na mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag.
Halimbawa: Kailan nagiging tama ang mali?
19) PAGLILIPAT-WIKA (Transferred Epithet) - tulad ng pagbibigay-
katauhan na pinagsasabay ang mga katangiang pantao na ginagamit ang pang-uri.
Halimbawa: Madilim ang kinabukasan para sa kaniya at kaniyang pamilya mula nang
iwanan sila ng kanilang ama.
20) TANONG RETORIKAL (Rhetorical Question) - ito ay isang tanong na walang
inaasahan sagot na ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang mensahe.
Halimbawa:
a. Natutulog ba ang Diyos?
b. Bakit napakalupit ng kapalaran?
DRILL 1(DATE: )
MGA SAGISAG-PANULAT NG MGA PILIPINONG MANUNULAT
● Emilio Aguinaldo –
● Virgilio Almario –
● Cecilio Apostol –
● Francisco Baltazar –
● Andres Bonifacio –
● Felipe Calderon –
● Florentino Collantes –
● Jose Corazon de Jesus –
● Jose dela Cruz –
● Epifanio delos Santos –
● Nestor Vicente Madali Gonzalez –
● Marcelo H. del Pilar –
● Severino Reyes –
● Fernando Ma. Guerrero –
● Amado Hernandez –
● Emilio Jacinto –
● Nick Joaquin –
● Graciano Lopez Jaena –
● Antonio Luna –
● Juan Luna –
● Apolinario Mabini –
● Jose Palma –
● Jose Maria Panganiban –
● Pascual H. Poblete –
● Mariano Ponce –
● Jose Rizal –
● Lope K. Santos –
● Pio Valenzuela –
● Jose Garcia Villa –
DRILL 2 (DATE: )
MGA SAGISAG-PANULAT NG MGA PILIPINONG MANUNULAT
● Emilio Aguinaldo –
● Virgilio Almario –
● Cecilio Apostol –
● Francisco Baltazar –
● Andres Bonifacio –
● Felipe Calderon –
● Florentino Collantes –
● Jose Corazon de Jesus –
● Jose dela Cruz –
● Epifanio delos Santos –
● Nestor Vicente Madali Gonzalez –
● Marcelo H. del Pilar –
● Severino Reyes –
● Fernando Ma. Guerrero –
● Amado Hernandez –
● Emilio Jacinto –
● Nick Joaquin –
● Graciano Lopez Jaena –
● Antonio Luna –
● Juan Luna –
● Apolinario Mabini –
● Jose Palma –
● Jose Maria Panganiban –
● Pascual H. Poblete –
● Mariano Ponce –
● Jose Rizal –
● Lope K. Santos –
● Pio Valenzuela –
● Jose Garcia Villa –
DRILL 3 (DATE: )
MGA SAGISAG-PANULAT NG MGA PILIPINONG MANUNULAT
● Emilio Aguinaldo –
● Virgilio Almario –
● Cecilio Apostol –
● Francisco Baltazar –
● Andres Bonifacio –
● Felipe Calderon –
● Florentino Collantes –
● Jose Corazon de Jesus –
● Jose dela Cruz –
● Epifanio delos Santos –
● Nestor Vicente Madali Gonzalez –
● Marcelo H. del Pilar –
● Severino Reyes –
● Fernando Ma. Guerrero –
● Amado Hernandez –
● Emilio Jacinto –
● Nick Joaquin –
● Graciano Lopez Jaena –
● Antonio Luna –
● Juan Luna –
● Apolinario Mabini –
● Jose Palma –
● Jose Maria Panganiban –
● Pascual H. Poblete –
● Mariano Ponce –
● Jose Rizal –
● Lope K. Santos –
● Pio Valenzuela –
● Jose Garcia Villa –

You might also like