You are on page 1of 2

Tanda ng Krus

Panginoong Hesukristo, habang kami’y nagtitipon dito ngayon upang


pagnilayan ang iyong Misteryong Pampaskuwa, pagkalooban mo
kaming lahat ng biyaya na kasuklaman ang kasalanan tulad ng iyong
ginawa, at gugulin ang aming buhay para sa aming kapwa ayon sa
iyong halimbawa. Sa gayon, kami ay maaaring makibahagi hindi
lamang sa iyong paghihirap, kundi maging sa iyo ring Muling
Pagkabuhay. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman.

Amen!

Panalangin: Di malayo ang Kalbaryo mula sa pretoryo, iilang daang


metro lamang. Ngunit, natagalan ka, Panginoon, na tahakin ang
daang iyon, hirap na hirap at bigung-bigong umaasang may tutulong.
Matagal nang naglaho ang iyong lakas. Lubak-lubak ang daan.
Malupit ang mga tao. Pabigat nang pabigat ang krus hanggang di mo
na ito makayanan, at ikaw’y nalugmok na sa lupa!

Tulad mo, Panginoon, napakarami sa amin ang nadarapa at


napapasubasob dito sa mahirap na daan ng krus ng buhay dahil sa
mga pagsubok at kabiguang dumadagok sa amin.

Kapag kami ay nadarapa at nalulugmok, Panginoon, tulungan mo


kami!

At kapag hindi na kayang pasanin ng aming mga kapatidang


maraming pagsubok na dumarating, Panginoon, pagkalooban mo
kami ng pusong mahabagin upang kami’y di na makabigat pa sa
kanilang pasanin.

Ama Namin…
Aba, Ginoong Maria…
Papuri…

You might also like