kalimura ng utak na kumukulo sa dibdib ng kabundukan at himagsik ng pusong nagdurugo? sa mahamog na mga bulaklak kanino ko ibubulong sa pusod ng kagubatan himutok at pagdaramdam sa dagundong ng alon ng mga katawang inilugmok ng karimlan sa naninimdim na pasigan sa mga bangketa ng kalunsuran? sa tungayaw ng kulog kanino ko ibubulong at sagitsit ng kidlat hinagpis ng bitukang nabalumbon sa makulimlim na kalawakan? tagulaylay ng mga matang luhaan kanino ko ibubulong ang lahat-lahat? lagi’t laging nakatitig sa kawalan sa singasing ba ng mga punglo ng papawiring walang hanggan? upang malinaw na marinig, maunawaan kanino ko ibubulong ng uring gahaman at tampalasan lagutok ng mga buto litanya ng dusa’t bagabag ng pawisang katawan ng obrerong ng nakabartolinang mga sawimpalad? inalipin ng kasakiman? kanino ko nga ba ibubulong kanino ko ibubulong dalamhati ng uring ginagahasa ng lungkot daing ng butuhang mga bisig dahil sa mga diyus-diyosang budhi ay ng sakadang nakaluhod sa tubuhan baluktot at magsasakang naninimdim sa palayan? walang pakialam sa kinabukasan kanino ko ibubulong ng bansang hinuthot angking kayamanan? hinagpis ng munting mga daliring tiyak mga bulong ko’y mauunawaan nagkakalkal ng basurahan ng mga kadugo at kauri lamang para magkalaman ang tiyan? kataling-pusod at kaisang-diwa maririnig kaya ito sa kalbaryo ng dusa’t dalita ng diyos ni abraham walang hinahangad kundi makalaya o ng uring mayamang walang sa tanikala ng pagkatimawa pakiramdam? laging bumabangon sa pagkagupiling maulinigan kaya ito ng binging lipunang upang milyong sulo ay paglagablabin! namanhid na yata ang budhi’t isipan? oo, mga kauring sakbibi kanino ko nga ba ibubulong ng dusa’t dalita… dalamhati ng lahing sumisiksik sa “ang daing ng maralita kamalayan ay maririnig lamang at mga eksena’y nagmamartsa sa ng kapwa maralita.” kaisipan? ibulong ko na lamang kaya sa naglilingkisang cadena de amor sa limot na’t ulilang libingan sa ragasa ng marahas na habagat