Professional Documents
Culture Documents
Ang Araw at Ang Hangin
Ang Araw at Ang Hangin
Sino kaya ang mas malakas, ang araw o ang hangin? Madalas daw ay nag-aaway
itong dalawang ito noong araw dahil sa nagpapalakasan nga.
Ngumiti ang araw. "Sige, para hindi ka laging nagyayabang, tingnan natin.
Hayun, may lalakeng dumarating. Kung sino sa ating dalawa ang makakapagpaalis ng
suot niyang polo, siya ang kikilalaning mas malakas."
Pinalitaw ng araw ang sinag niya, at unti-unti niyang pinainit ito. Tumulo ang
pawis ng lalake. Dinagdagan pa ng araw ang init na inilalabas niya, at ang lalake ay
nagkalas ng mga ilang butones sa baro.
Maya-maya, nang uminit pang lalo ang araw, hindi na nakatiis ang tao at
tinanggal nang lahat ang mga butones ng polo at hinubad ito. Panalo ang araw! Mula
noon, di na nagyabang uli ang hangin.
Buod ng Ang Hangin at ang Araw
Mabilis naman itong sinagot ng araw: "Hindi! Mas malakas ako sayo."
Di kalaunan nakakita sila ng isang lalaki. Upang malaman kung sino talaga sa kanilang
dalawa ang mas malakas, napagkasunduan nilang kung sino man sa kanilang dalawa
ang makapagpatanggal ng suot na pangginaw ng lalaki ay ay siyang mas malakas.
Sinimula nang magtago ng araw sa mga ulap. Nagsimula namang umihip ang hangin sa
lakas ng kanyang makakaya. Ngunit habang lumakas at tumitindi ang pag-ihip niya ng
hangin ay siya namang higpit ng hawak ng lalaki sa kanyang pangginaw. Pagkatapos
ng ilang pagsubok ay sumuko na rin ang hangin.
Ngayon naman ang pagkakataon na araw. Lumabas ang araw mula sa kanyang
pinagkukublihan. Marahn at tahimik siyang lumabas at nagsimulang magbigay ng
matinding liwanag.