Professional Documents
Culture Documents
Maraming Wika22
Maraming Wika22
Conference
Mariano Marcos State University, Mayo 23,
2007
2
wika, at sa ibat ibang genre, kasama
na ang audio at video recording ng
mga pangyayaring komunikatibong may
mga anotasyon at komentaryo; isang
sentro na lumilikha ng mga orihinal at
huwarang mga diksyunaryo,
gramatika, ortograpiya, iskolarli na
mga babasahin, materyales sa
literasiya at reperensya sa pagtuturo sa
magkakaibang disiplina; at isang
sentro na dalubhasa rin sa
teknolohiyang pang-impormasyon at
pangkomunikasyon upang magampanan
ang gawain ng pagpapaunlad,
pagpapalaganap at pagpapanatili ng
mga wika sa Pilipinas.
3
pakikipagtalastasan sa loob at labas ng
bansa; para sa pag-unlad na pang-
ekonomiya; at para sa kaisahan at
katatagang pampulitika.
4
pagiging multikultural ng mga Pilipino.
Sa halip na isang disbentahe,
itinuturing ng komisyon na
napakalaking bentahe ang pagkakaroon
ng Pilipinas ng mahigit na 170ng wika.
Pangsampu tayo sa pinakamaraming
wika sa buong daigdig, sa kabila ng
palasak at mapangmenos na palagay na
ang mga wikang ito’y pawang mga
dialekto lamang. Ang natural na
kundisyon ng karaniwang Pilipino at ng
karaniwang mamamayan ng daigdig ay
hindi lang iisa ang alam nitong wika.
Sa karaniwan, ang Pilipino at ang
karaniwang tao sa daigdig ay may alam
na dalawa o mahigit pang wika. Si
Hesukristo ang pinakamainam na
halimbawa ng pagiging multilinggwal,
sapagkat marunong siya ng Aramaic,
ng Hebrew, Griyego at Latin. Si
pangulong GMA ay mainam na
halimbawa ng isang Pilipino. Maalam
siya sa Kapampangan, Sinebwano,
Ilokano, Tagalog, Ingles at Espanyol.
Dahil sa katotohanang ito, ang ideya at
pangakong pag-unlad sa ilalim ng isang
sentralisadong nasyon-estado na may
5
iisang sentralisadong wikang pambansa
ay naglalaho.
6
Ang ikalawang batayan ay ang
gramatika. Ang gramatika ng umiiral
na “Filipino” ay walang pinag-iiba sa
gramatika ng Tagalog. Totoong sa
ilalim ng konstitusyon, ang wikang
Filipino ay kailangang nakasalig sa mga
umiiral na wika sa Pilipinas. Pero, sa
ngayon, ang gramatika ng wikang
pambansa ay yaong sa Tagalog.
Tingnan lamang ang mga panlapi (
-um-, -in, -an, at i-) at ang mga
gramatikal na pananda (i.e. ang, ng, sa)
at mga partikulo (i.e. pa, na, kung, daw,
kasi). Hindi ba magkapareho lang sa
mga panlapi at gramatikal na pananda
at partikulo ng tinatawag na “Filipino”?
Walang panlapi o gramatikal na
elementong galing sa Ilokano,
Sebwano, Ilonggo at sa ibang
malalaking wika ang may matatag na
katayuan sa wikang pambansa.
7
leksikon ng “Filipino” at ng “Tagalog”,
gaya raw ng “fakulti”, sa halip na
“guro”, “kolehiyo” sa halip na
“dalubhasaan”, “miting” sa halip na
“pulong” atbp. Kinikilala ng KWF na
ang “purismo” at “Tagalismo” ay mga
hadlang sa pagpapaunlad ng wikang
pambansa. Subalit, kailangan ding
alalahanin na hindi panghihiram ng
dayuhang leksikon o leksikon buhat sa
iba pang wika ng Pilipinas ang batayan
sa pagklasipika ng dalawa o mahigit
pang barayti na magkakaibang wika.
(Maging ang mga Tagalog sa Batangas
at Bulakan ay nanghihiram din at
nagko- code-switch.) Gaya ng
nabanggit sa itaas, ang
pagkakaunawaan at ang gramatika ay
higit na mapagpasyang batayan.
Idagdag pa rito ang katotohanan na
karamihan ng mga Pilipino ay
tumatawag pa rin sa wikang pambansa
na “Tagalog”. at madaling
maintindihan kung bakit kakaunti
lamang, maliban sa kakarampot sa
akademya, ang naniniwala na ang
“Tagalog” at ang “Filipino” ay
“magkaibang wika.”
8
Pero may isang malaki at hindi
matatawarang pagkakaiba ang wikang
Tagalog noon at ang wikang pambansa
ngayon. Ang kasalukuyang wikang
pambansa ay ang pangalawang wika ng
nakararaming Pilipino. Mas marami
nang Pilipino ngayon na marunong mag-
Tagalog pero hindi ito ang kanilang
kinagisnan o unang wika. Ito ang
pangalawang wika nila. Ito ang isa sa
tampok na dahilan sa pagtawag dito ng
ibang pangalan—Filipino. Ito rin ang
panlipunang batayan sa paglitaw ng
mga pasalitang barayti ng “Filipino”;
mga barayti na hindi lamang limitado
sa Katagalugan at Kamaynilaan, kundi
sumasaklaw sa Davao, Iloilo, Cebu,
Baguio, Angeles, Cagayan de Oro,
Zamboanga City at sa ibang punong
sentrong lungsod kung saan nagtatagpo
ang magkakaibang grupong etniko. Sa
ngayon, ang barayting
pinakaprestihiyoso ay ang barayti sa
Metro Manila at kanugnog na mga
lugar, na siyang itinuturo ngayon sa
mga paaralan at pinalagaganap ng
masmidya. Pero hindi maipupuwing na
9
ang wikang Tagalog ay naging
pambansa na.
10
Ang lohika ng patakarang
multilinggwal sa pagpapaunlad ng mga
wika sa Pilipinas ay unti-unting
tinatanggap ngayon ng mas maraming
mananaliksik sa wika at/o tagagawa ng
patakaran sa ating pamahalaan.
Nitong kamakailan, may isang grupo
ng mga mananaliksik ang naglabas ng
KRT 3 Formulation of the National
Learning Strategies for the Filipino and
English Languages na nagmumungkahi
sa pamahalaan na:
11
para sa Grade 4 pataas, Filipino
bilang midyum ng pagtuturo para
sa Makabayan at subject na
Filipino at/o panitikan at English
bilang midyum sa Math at Science.
Gagamitin ang wika ng bata bilang
pantulong na wika;
samantala, sa sekundarya,
magtuturo ng mga language
elective sa wika ng bata, wikang
pangrehiyon, Arabic at anumang
wika sa ibayong dagat;
12
Ang isang halimbawa ng
empirikal na pag-aaral na nagbibigay-
balidasyon sa bisa ng multilinggwal na
patakaran ay ang resulta ng 2006 NAT
Grade 3 reading test sa dibisyon ng
Kalinga. Sa sampung distritong ito,
tanging ang Lubuagan lamang ang may
first language component, ibig sabihin,
ang unang wika ay siyang ginamit na
midyum ng pagtuturo sa naturang
eskuwelahan, kahit sa science at math.
Ang natitirang siyam na dibisyon ay
sumailalim sa regular na edukasyong
bilinggwal. Ipinakikita ng reading test
na ang distrito ng Lubuagan ang
nakapagtala ng pinakamataas na marka
sa English (76.5%) at Filipino (76.44%).
Ang pumangalawa na distrito ay ang
Tinglayan na nakaiskor ng 64.5% sa
English at 61.4% sa Filipino. Ang
pumangatlo naman ay ang Pasil, na
nakaiskor ng 51.9% sa English at
47.7% sa Filipino.
13
maraming mga pag-aaral ang
nagpapakita na ang paggamit ng
wikang hindi-sa- bata ay hindi
makatutulong manapa’y makasasama
pa nga sa pang-akademikong
performance ng bata. Mahalagang
banggitin muli ang mga napatunayan sa
pananaliksik ni Taufeulangaki (2004):
14
inferiorization ng iba pang wika sa
Pilipinas. Ninanakaw ng kasalukuyang
patakarang bilinggwal ang wika ng bata
at hinahalinhan ito ng isang wikang di-
pamilyar at tiwalag sa kanilang kultura
at karanasan. Ang mensahe ng
bilinggwal na edukasyon sa marami
nating mag-aaral ay walang kuwenta
ang kanilang kinagisnang wika. Sa
halip na tingnan bilang resource at
pundasyon ng panimulang kaalaman,
itinuturing ang pagkakatuto ng wikang
sarili na isang malaking kakulangan o
deficiency, o dikaya’y kapansanan. Sa
halip na pagmamahal at pagpapahalaga
sa sariling kultura’t wika, pagkutya at
pagmamaliit sa sarili ang itinuturo ng
kasalukuyang patakaran.
15
kasanayang pangliterasi at
pangkognitibo ng estudyante sa
kinagisnang wika at kultura, ipakilala
ang Ingles at ang Filipino bilang mga
subject. Sa paglaon ay maaari na ring
ituro ang iba pang subject sa Filipino
at Ingles. Gayunpaman, ang katatasan
sa Ingles ay hindi makakamtan lamang
sa eskuwelahan. Sa labas ng
eskuwelahan, kailangang magkaroon
ang mga estudyante ng mga modelo o
huwaran sa pagsusulat at pagsasalita
ng mabuting Ingles, at kasabay nito ng
mga pagkakataon para magamit ang
kanilang kasanayan sa Ingles. Sa
kasalukuyan ay walang sapat na
motibasyon at oportunidad maliban sa
eskuwelahan upang mapaunlad ng mga
estudyante ang kanilang kasanayan sa
Ingles, laluna sa pagsasalita nito.
16
lamang, ang tradisyunal na
Gantimpalang Collantes sa sanaysay sa
wikang Filipino. Noong 2006, sa
kauna-unahang pagkakataon ay
nagdaos ang KWF ng magkakahiwalay
na mga timpalak sa pormal na pagsulat
sa Sebwano (tula at maikling kuwento),
Iloko (tula at maikling kuwento),
Hiligaynon (maikling kuwento) at
Pangasinan (tula). Ang nagwaging mga
akda ay nakatipon ngayon sa isang akda
na pinamagatang Ani ng Wika 2006.
Ang tema ng buwan ng wika 2006 ay:
“Ang buwan ng wikang pambansa ay
buwan ng mga wika ng Pilipinas.”
17
Ang multilinggwal na adhikain ng
KWF ay hindi lamang naipapahayag sa
taunang pagdiriwang ng buwan ng
wika at pagkilala sa mahusay na mga
akdang pampanitikan, kundi sa mga
pangmatagalang programa at
proyektong inako nitong isakatuparan.
18
bagay na may kinalaman sa wika.
Makatwiran lamang na ang unang
benepisyaryo ng aming mga
pananaliksik ay ang pamahalaan na rin.
19
edukasyon; pinapaganda ang aming
website; nagkakaloob ng mga research
grants o tinutulungan ang mga
stakeholder na makakuha ng mga
research grants; nagtatayo ng mga
language councils sa mga rehiyon;
pinalalakas ang mga kakayahang pang-
IT at pampananaliksik, at sinisikap na
magkaroon ng sarili naming tahanan at
gusali.
20
21
22