Professional Documents
Culture Documents
Buod 1
Buod 1
Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang sama ng loob
ukol sa kabiguang natamo, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria
Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habang sila'y
nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito
ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay
natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang
nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng
mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante.
Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam
nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.
Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang
mapawalang-sala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang
tagapagmagitan. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari
Camorra na tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip na makatulong ang
paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng
pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.
uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang buhay. Ipinagtapat niya sa pari
ang tunay niyang pagkatao at isinalaysay niya sa dito ang malungkot na
kasaysayan ng kanyang buhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas buhat
sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria
Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang
Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik.
Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun.