You are on page 1of 2

Appendicitis o apendisitis: Ano Sanhi, sintomas, lunas, gamot, paano maiwasan, Signs, symptoms

Dr. Ed is a Medical expert in Saudi Arabia

Ang appendicitis ay isang kondisyon kung saan ang iyong appendix ay namamaga at nagkakaroon ng
nana sa loob. Ang appendix (apendiks) ay isang “finger-shaped pouch” na nakausli palabas sa colon sa
ibabang bahagi ng kanan na bahagi ng tiyan. Ang bahagi na ito ng katawan ay walang naitalang gawain o
responsibilidad, ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi ito magdadala ng problema. Ang appendicitis
ay nangyayari kapag may bacteria na lumulusob sa appendix at nag-infect sa wall nito. Dahil paiba-iba
ang laki at lokasyon ng appendix at malapit ito sa ibang organs, kung minsan ay mahirap tukuyin ang
kaibahan nito sa iba pang sakit sa tiyan at pelvic diseases. Alamin kung ikaw ay sinisikmura.

Ano ba ang appendix?

Ang appendix (apendiks) ay isang sarado, maliit at masikip na tubo na naka-attach sa cecum (ang unang
parte ng colon). Ang bukas na parte ng appendix ay nagde-drainatungo sa cecum. Ang dingding ng
appendix ay gumagawa ng mucus na may halong lymphatic tissue na parte ng immune system para
makagawa ng antibodies.

Ano ang Sanhi o Dahilan ng Appendicitis? Anong pangontra?

Sa simpleng pagkasabi, ang appendicitis ay ang pamamaga ng appendix. Sinasabing ang appendicitis ay
nagsisimula kapag ang bukas na parte nito ay natabunan. Ang blockage ay maaaring naimbak na mucus
mula sa loob ng appendix o kaya naman ay dumi na pumasok sa appendix mula sa cecum. Ang mucus o
ang dumi ay tumitigas na parang bato at nagsasara sa opening. Ang tawag sa batong ito ay fecalith.
Matapos maganap ang pagkakasara ng appendix, ang mga bacteria na karaniwang nasa loob ng appendix
ay nagsisimulang atakihin ito at i-infect ang appendix. Ang katawan naman ay rumeresponde sa atakeng
ito sa pamamagitan rin ng pag-atake sa bacteria na tinatawag na inflammation. Kapag ang infection at
inflammation ay kumalat na sa wall ng appendix, ito ay maaaring pumutok. Pagkatapos pumutok, ang
infection ay maaaring kumalat sa tiyan. Kung minsan, ang katawan ay nagagawang pagalingin ang
appendicitis kahit walang operasyon. At ang sintomas, inflammation at infection ay tuluyang
nawawala.Karaniwan nagkaroon ng appendicitis ang mga taong mula 10-30 na taon.

Hindi pa lubos na naiintindihan ang ugat ng sanhi ng appendicitis. Ganun pa man, may mga pag-aaral na
nagsasabing maaaring 2 ang pinaka dahilan ng pagkakaroon ng appendicitis. Isa na rito ang impeksiyon
sa tiyan, na nakapasok sa ating appendix. Sa kabilang banda, mayroon din na nagsasabi na ang posibleng
ugat ay kapag naiwan ang dumi sa appendix. At ang bacteria sa naiwan na dumi ay naka-sanhi ng
impeksiyon sa appendix.

Ano Sintomas/Signs , Symptoms, Senyales?

Ang mga sintomas ng appendicitis ay masakit na pakiramdam na nagsisimula sa pusod at karaniwang


napupunta sa kanang parte ng tiyan sa ibaba na parte, sakit na mas lumulubha pagkalipas ng maraming
oras, masakit hawakan ang right abdomen, parang tinutusok na klase ng sakit sa lower right abdomen
kapag dinidiin ito at biglaang binibitawan o “rebound tenderness”, guma-grabeng sakit kapag inuubo,
pakiramdam ng nasusuka, pagsusuka, walang ganang kumain, hirap sa pagbawas ng dumi, hindi maka-
utot, pagtatae at pamamaga ng tiyan. Maaari ring magkaroon ng lagnat (fever) at panginginig (chills).

Napakahalaga ng maagang pagtuklas ng pagkakaroon ng appendicitis upang maiwasan posibleng


komplikasyon, tulad ng pagkilala sa mga senyales at sintomas. Kaya kailangan na maging alisto tayo kung
posible ba tayo merong appendicitis. Iilan sa mga karaniwan na sintomas nitong kalagayan ay ang
mapurol na sakit sa banda taas at ibaba ng pusod na lalong sumasakit habang lumilipat ang sakit sa
bandang mas mababang kanang bahagi (lower right) ng tiyan (kadalasan ito ang unang senyales ngunit
hindi nararanasan ng lahat ng pasyente), kawalan ng gana kumain, pagduduwal at pagsusuka pagkatapos
magkaroon ng pananakit ng tiyan, pamamaga ng tiyan at lagnat, la

You might also like