Professional Documents
Culture Documents
BOB Ong
BOB Ong
ABNKKBSNAPLAKo?!
Ni Bob Ong
Apostol, Marco P.
II – Sampaguita
Buod ng ABNKKBSNAPLAKo?! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1, 2
Si Roberto Ong ay ang isang simpleng lalaki, na ay kung sabihin, simple rin ang
hangarin sa buhay, yung ay “mag ka trabaho ng naka polo at naka korbata.” Noon bata
siya, nag aral siya sa isang pampublikong paaralan, doon ay naranasan niya ang tipong
edukasyon na ay tawagin natin na “low quality.” Kahit papaano ay natuto rin siyang
paghalagaan ito ngunit ang Math ay isang pagkalibre. Naranasan ni Roberto ang buhay
ng isang tipical na estudyante sa elementary. Wala gaanong requirements, pero
nahahanap niya sarili niyang problemado. Naranasan niya ang pagka makiling ng mga
guro sa eskuwelahan, ang pagkakaroon ng mga “teacher's pet” kung sabihin, at lahat ng
ganyan. Nang grumaduate at tumungo papuntang Highschool, naranasan niya ang
paunti-unting paghihirap ng tunay na buhay ng studyante. Dito niya nakilala ang iba't
ibang uri ng tao sa mundo, ang mga grupo, ang mga walang grupo, mga bobo at mga
matalino. Nakita rin niya ang mga tamad at hindi tamad (kung meron man), na isang
gabi lang gagawin ang project, na umaga bago mag klase gumagawa ng takdang aralin.
Dito ay dahan-dahan nang nawawalan ng interes si Roberto sa pag-aaral. Ng papuntang
kolehiyo, dito ay nakita ang katalinuhan niya. Halos lahat ng i-napplayan niya ay nai-
pasa niya ang eksam. Ngunit nung kolehiyo na siya, ay nagbago lahat. Ang
pagpapatungo niya pagaaral. Madalas kung malate, kung minsan absent, napilitan tuloy
lumipat. Ng ito'y ginawa niya, hindi parin naisalba ang problema niya sa pagaaral. Ang
tanging problema niya ay katamaran, ang katamaran niya ang taos-pusong nagpakita
nung siya'y nag kolehiyo na. Nakapagtapos siya kahit papaano, ilan taong nga lang ang
inubos niya rito. Sinumpa niya na ayaw niya ng mag aral, ngunit pagiging guro ang
naranasan niya bilang unang propesiyon. Dito natuklasan niya ang buhay ng isang guro,
at nalaman niya na ang buhay ng guro ay hindi madali. Mas marami ka pang aaralin
kaysa sa mga studyante mo, kasi nga ikaw ang magtuturo; minsan rin raw ay magiiba
ang nalalaman mo ukol sa paksa na iyon. Hindi daw maiwasan ang tawag natin na
“favoritism” sa klase, dahil sa isang klase naman talaga, may mga bobo at may mga
matalino, laging may dibisyon. Nang “nag-sawa” si Roberto sa tatlong taon na pag
tuturo, pinili niyang isuko ang propesiyon na ay hindi naman pala niya gusto.
Pagkatapos nun ay “lumiwaliy” siya sa mga “pinang-galingan” niya. Madami siyang
nalaman na bagay na dapat pala ay naunawaan niya pa nuon. Mahalaga ang pag aaral,
at kung sabihin natin ay mura ang isang taong pang tuition fee, pag sama samahin mo
ay ang laki ng halaga na nabayad mo. Na kahit grade 1 lesson ay mahalaga. Na kung
pinag butihan niya mas maganda sana trabaho niya. Nahiya rin siya nung nakita niya
yung mga kabatch niya nung highschool, dahil puro mataas na posisyon nila sa trabaho,
puro “big-time” ang dating, habang siya naman, ay naging guro, at masaklap ay sinuko
ay ito.
Tauhan:
Si Roberto Ong ay isang lalaki na nagmahal ng pag aaral nung bata siya. Tulad na
rin sa karamihan ng batang estudyante, yung tipong may-ayaw sa Math dahil daw hindi
maintindihan (one fruit + one fruit = bagong fruit.) Nakikita sa kwento na isa siyang
tamad na lalaki, hindi gumagawa ng mga proyekto at mga takdang aralin. Mejo may
kabalukturan din siya sa kanyang ugali, kung minsan ay natuklasan ang pagdaraya niya
sa mga eksam. Saka lang niya nalaman ang halaga ng pagbubuti ng pag aaral nung huli
na.
Teorya para sa kwentong “ABNKKBSNPLAKo?!”
Teoryang Realismo :
→ Mga linya pang katibayan :
→ “Hindi maiiwasan sa buhay ang bagyo. Kahit sa classroom.”
→ “Sa elementary, may subject na Good manners and Right conduct para
magturo ng kabutihang asal. Sa highschool, may School Regulations and Rules of
Conduct para magturo sa mga natutunan.”
→ “Hell ang high school.”
→ “Kaya lang 'yun pa lang ang nagagawa ko, kung baga sa bahay e nasa
poste palang ako. At ang deadline... within 60 minutes.”
→ Madami Pa...xD :))
→ Mismong katibayan xD :
Bisang Panlipunan :
→ Ang bisang kaisipan ng kwento ay ang mga pag kakahuli ng mga naisip o ng
mga aksyon ng isang tao. Ang nakita natin sa kwento ay may pagsisisi si Bob Ong sa
kanyang hindi pag seseryoso ng pag aaral, na napapahiya lang siya sa mga ka batch niya
nuong high school, ngunit may kakayahan naman kahit papaano. Pwede natin sabihin
na si Bob Ong ang Kapitan ng kanyang buhay, at siyang pumipili ng kanyang gawain sa
buhay niya. (Nakita ito nung tinago niya sa mga magulang niya ang tungkol sa kanyang
pagaaral nuong kolehiyo siya.) Pwede natin sabihin na si Bob Ong ay isang talinghaga ng
Pilipinas, may kakayahan, pwede pa nga maka top. Nung mga naunang henerasyon ay
naranasan ng Pilipinas ang pagiging isa sa mga pinaka maunlad na bansa sa Asia, tulad
rin ni Bob Ong, ay maunlad rin siya kahit papaano nung hindi pa siya kolehiyo. Eh tingan
mo ngayon, may kakayahan nga tayo, bilang bansa, ang nuong isa sa mga pinaka
maunlad na bansa ay ngayon isa sa mga pinaka hindi nagagampanan na bansa sa
mundo.
Bisang Pangdamdamin :
→ Kahit hindi ako nag pampublikong paaralan nung elementary ako, masasabi ko
na nakakarelate ako kahit ng kunti. Hindi lang naman kasi sa pampublikong paaralan
ang pag rurush ng mga requirements, or ang pag dadaya. Naramdaman ko na AKO
YUNG NASA KWENTO, NA AKO SI ROBERTO ONG. Pinaparamdam satin ng akda ang mga
“pinagdadaanan” ng pangunahing tauhan.