You are on page 1of 2

Ipinasa ni: Amparo, Sharmine D.

Nobyembre 18, 2018


Kurso at Seksyon: BSN1-C
Takdang Aralin sa FIL101: Panitikang Filipino
Mga Bugtong
1. Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.
Sagot: Mga paa
2. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: Mga mata
3. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: Tenga
4. Dalawang punsu-punsuhan, ang laman ay kaligtasan.
Sagot: Suso ng Ina
5. Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko.
Sagot: Ngipin
6. May tubig na pinagpala, walang makakakuha kundi bata.
Sagot: Suso ng Ina
7. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Sagot: Langka
8. Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.
Sagot: Bayabas
9. Isang prinsesa nakaupo sa tasa.
Sagot: Kasoy
10. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.
Sagot: Atis
Mga Kasabihan
Kasabihan Tungkol sa Edukasyon
1) Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtan.
2) Kung walang tiyaga, walang nilaga.

Kasabihan Tungkol sa Wika


1) Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang malansang isda.

Kasabihan Tungkol sa Buhay


1) Aanhin mo ang palasyo,
Kung ang nakatira ay kuwago?
Mabuti pa ang bahay kubo,
Ang nakatira ay tao.
2) Ako ang nagbayo,
Ako ang nagsaing.
Saka ng maluto’y,
Iba ang kumain.
3) Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang,
Tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran.
4) Ang bayaning nasugatan
Nag-iibayo ang tapang.
5) Ang buhay ay parang gulong,
Minsang nasa ibabaw,
Minsang nasa ilalim.
6) Ang bulsang laging mapagbigay,
Hindi nawawalan ng laman.
7) Ang hindi napagod magtipon,
Walang hinayang magtapon.

You might also like