You are on page 1of 2

SUMMATIVE TEST IN FILIPINO NO.

Lagyan ng tsek (/) kung tama ang ugnayang sanhi at bunga at ekis (X)kung mali.
_____1.Palaging nalilipasan ng gutom si Marie kaya sumigla ang kanyang katawan.
_____2.Laging nahuhuli sa pagpasok sa klase si David kaya pinuri siya ng kanyang guro.
_____3.Madalas magsunog ng kilay si Lina dahil dito, matataas ang kanyang marka.
_____4.Nahulog si Efren sa kanal dahil hindi niya tinitignan ang kanyang dinaraanan.
_____5.Masaya si Aling Mila sapagkat suwail ang kanyang mga anak

Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Piliin ang pangungusap na aayon sa sitwasyong nakalahad.
1. Nagtatanong si Clark sa kanyang Nanay kung dadaan sila sa palengke.
a. Dadaan ba tayo sa palengke Nanay?
b. Nanay, daanan na natin ang palengke.
c. Nanay, inuutusan kita, dumaan tayo sa palengke.
d. Yehey! Dadaan tayo sa palengke!
2. Inutusan si Jayson ng kaniyang Ate Joan na magdilig ng halaman.
a. Jayson, bakit hindi ka nagdidilig ng halaman? c. Wow! Nagdidilig ng halaman si Jayson!
b. Magdilig ka nga ng halaman, Jayson. d. Si Jayson ay nagdidilig ng halaman.
3. Naipit ang kamay ni Ester sa pinto.
a. Bakit naipit ang kamay mo sa pinto? c. Pakiipit nga ang kamay ko sa pinto.
b. Aray! Naipit ang kamay ko sa pinto! d. Naipit ang kamay ko sa pinto.
4. Naiwan mo ang iyong lapis na gagamitin sa inyong klase sa sining, paano ka makikiusap sa iyong kaklase
upang manghiram ng lapis?
a. Bakit mo ako pahihiramin ng lapis? c. Pahiram nga ng lapis.
b. Maaari bang makahiram ng lapis? d. Ako ay nanghiram ng lapis.
5. Sinabi ni Nicole sa kaniyang guro na tapos na siyang sumagot sa pagsusulit.
a. Binibining Cruz, tapos na po ako sa pagsusulit. c. Yes! Tapos na ako!
b. Ginoong Ramos, iwawasto na po ba natin ang sagot? d. Sinong hindi pa tapos?

Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang Tama kung tama ang pahayag at Mali naman kung
hindi.
___________1. Sa pakikipagdebate malilinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pag-iisip.
___________ 2. Malilinang din ang wasto at bilis ng pagsasalita.
___________ 3. Hindi nakakatulong ang pakikipagdebate upang malinang ang lohikal na pangangatwiran.
___________ 4. Sa pikikipagdebate, nabibigyang kahalagahan ang magandang-asal tulad ng paggalang at
pagtitimpi o pagpipigil ng sarili.
___________ 5. Nakakatulong din ang pakikipagdebate upang magkaroon ng pang-unawa sa mga katwirang
inilalahad ng iba at pagtanggap sa nararapat na kapasyahan.

Basahin ang nakatala . Isulat kung Tama o Mali ang mga nakalahad sa ibaba:

Maraming kapakinabangang nakukuha sa ating mga kagubatan.Pinagmumulan ito ng matabang lupa. At


pumipigil sa pagbaha.Nagsisilbing tahanan ito at napagkukunan ng pagkain ng mga ibon at hayop. Nararapat
mabatid ng bawat isa ang kahalagahan ng mga kagubatan. Gumagawa ng mga hakbang ang pamahalaan upang
mapangalagaan ang kagubatan.
Ang gawaing ito ay hindi maisasakatuparang mag-isa ng pamahalaan. Kailangan nito ng tulong ng mga
mamamayan. Nararapat sundin ang mga batas sa pangangalaga ng kagubatan.
_______1. Maraming pakinabang ang nakukuha sa kagubatan.
_______2. Wala tayong nakukuhang kahit ano sa kagubatan.
_______3. Putulin ang mga puno sa ating mga kagubatan.
________4. Dapat sundin ang mga gawain sa pangangalaga ng kagubatan.
________5. Mahalaga ang mga kagubatan sa ating mga mamamayan.

You might also like