You are on page 1of 20

NOVEMBER 2018 CHE BOARD EXAM

(November 24,25,26 2018)

DAY 1: PHYSICAL AND CHEMICAL PRINCIPLES


References: Guys sa totoo lang wag na kayo na mag-aral ng Day 1.
Sobrang inaral naming yung Day 1 halos lahat ng handouts nagamit
nanamin pero ni isa walang lumabas. Tinodo kami sa Environmental
Engineering tsaka sa Nuclear Chemistry. Siguro maipapayo ko
magbasa kayo ng Mackenzie at Davis na envi book ksi halos nandun
yung problem iniiba lang yung pagkakaconstruct ng sentence. Sa
Nuclear Chemistry yung mga Malala na nuclear chem yung may mga
Becquerel, Gray, aralin niyo yan. Sa AnaChem yung normal lang na
nasa MRII pwede na pero meron talaga minsan kahit madali wala sa
choices. Orgchem wag na kayo masyado mag-aral ifocus nyo nalang
sa iba lalo na sa Envi.

1.) May given na hardness in terms of CaCO3 na naka mg/L.


Tinatanong yung dissolved oxygen pero yung nasa choices 3
yung sagot. Basta nitrification yung nangyari hndi ko
alam paano irerelate. Kaya goodluck 
2.) (CrF6)^3 ano daw yung oxidation number ni Chromium. So
mali yung given guys dapat nakaraise sa negative 3. Kaya
ang sagot dito ay +3.
3.) v/v ng 1 tsp ng milk na nilagay sa cup. Ano daw yung v/v
ratio. Yung conversion ng 1 tsp nasa perry 1-13.
4.) Kung nagooccur daw ba lagi dpt na magkasama yung
oxidation at reduction. Ang sagot ay oo. Isa lang yung
may oo sa choices kaya yun na yung sagot.
5.) Gagamit ng barometric formula. P = Poe^(-MWgz/RT). Walang
given na pressure dun so assume nyo 1 bar. Tas fraction
ng O2 at N2. Nagbgay ng height at temp. So masosolve nyo
bagong pressure. Nandun sa choices. 0.33 SOMETHING sagot.
6.) Rochelle Salt. Hinahanap yung % purity. Alam mo dapat
formula ni Rochelle Salt. Grabe to andali sana kaso di
nmn alam formula tas wala pa sa perry. Kainis!
7.) Ano daw ibang tawag sa lecithin? Phospho something yung
sgot.
8.) Yung reaction na may CX tsa PPh3 ano daw yung tawag?
APPEL REACTION sagot.
9.) Given ng tatlong compound ibat ibang alcohol. Tinatanong
kung primary alcohol, secondary or tertiary. Idrawing
niyo nalang ulit.
10.) May balancing din dalawa ata pero nandun naman lahat sa
choices. Walang typo.
11.) May isa dun reaction ng C2H5N + 02 products. Given ung
delta H na interms of kJ. Ano daw yung change of heat
kapag 81.8 g ng O2 yung nagreact. So gagawin niyo dito
ung kJ na given per mole un ni C2H5N hndi lang siya
inispecify. Tas convert nyo na per 1 mol ni C2H5N may
2.75 mol ni O2 tas convert nyo sa grams pra magng kJ/g o2
tas multiply niyo na sa g na given. So ayun. Pero
goodluck wala sa choices ung sgot nasa 2,533 ksi sagot e.
pero meron dun 633 lang feeling ko kulang ng 2 sa una
natypo kaya yun sinagot ko.
12.) May isa pa Calcium naman na may kJ. Ganun dn gagawin 396
kJ sagot.
13.) May given na mole ng compound. Cesium 125. Nagrelease daw
sya ng beta particle in terms of Joule. Ano daw ung
constant (k) in terms of per year. Bes di naming alam
isolve. Feeling ko kulang given walang half life ni
Cesium na binigay.
14.) May tanong na Avogadro’s Law. 0.21 sgot ang nasa choices
ay 2.10 tsaka may none of these so kayo na bahala. Ewan
ko kung sadya ba na nagnone of these.
15.) Meron dun balloon daw inflated tas nilagay mo daw sa
liquid nitrogen. Ano daw mangyayari sa pressure? Choices
ay goes down, goes up, constant. Feel ko ang sagot goes
down ksi malamig yung liquid nitrogen so bababa temp
bababa din ang pressure. (Double check niyo pa din)
16.) Geraniol ilan daw yung double bonds. Nakita to sa Perry
sa Chapter 2. Two ang sagot.
17.) Nuclear fission ano daw dun yung tamang statement. Yung
unang statement, Naghihiwalay into smaller so tama. Yung
pangalawa, nagrerelease sya ng energy tama din. Basta All
of these sagot.
18.) Yung may given na density ng methanol tas given din ung
grams. Ilan daw yung volume? Ang sagot ay 21.24 ata ang
nasa choices 21.42 pero may none of these dn. So kayo na
bahala 
19.) Si element given ng grams tas bngay din ung Becquerel tas
bngay dn ung Joule pati time. So ayun hnahanap yung
absorbed dose in terms of gray. Gawin niyo dito. Idivide
niyo si Joule tsaka si gram para mgng J/g tas convert
niyo papunta kay J/kg. tas ung Becquerel equivalent yun
sa disintegration/s. 1 becquerel = 1 disintegration/s
times niyo sa time na given then yung makukuha niyo
multiply nyo dun sa J/kg. Tenen nandun na ung sagot.
20.) May isa pang nuclear given ung amu. L/s ata hinahanap.
Gawin niyo ung amu multiply nyo sa u (Constant 18 sa
calcu) para mgang kg tapos mag ideal gas law para makuha
ung volume. May lalabas na sagot 4.0995 X 10 raised to
something di ko na tanda.
21.) May given na AgNO3 na nakagrams. Given din BaCl2 na may
grams tas may volume ano daw ung volume ni AgN03 para
magprecipitate. (Bes goodluck! Inikot ko na to ng sobra
walang lumalabas) Nganga!!!
22.) Kinetics: Table given ung concentration remaining tsaka
time. Hanap order. First ang sagot! Linear regression
lng!!!!
23.) May titration na given si KMnO4 tas si dichromate din
given ung Molarity ni dichromate tsaka ni KMnO4. Bukod sa
given na to may given dn na molarity ni iron something
tsaka may isa pang compound. Pero ang sagot sa choices
iisa lang. In terms of volume. Wala kaming mapalabas so
kayo na bahala.
24.) Meron dun given naman lahat hnahanap pressure in terms of
ideal gas, Redlich kwong, tsaka correlation. Kunin niyo
ideal gas tas andon na yon. Pero icheck niyo pa dn si
Redlich ksi may none of these sa choices, pero nakuha ko
rin nmn na same so sure na yun.
25.) Meron dn magulo choices. Ung bngay yung mga compound tas
tinatanong kung ano daw yung strong electrolyte tsaka
weak electrolyte. Basta ang gulo ng choices pati nung
tanong. Kayo na bahala umintindi.
26.) Meron din naman given ung concentration ni H30+ kunin mo
lang ung pH.
27.) Meron dn given na Ka sino daw yung strong acid.
28.) May dalawang acid na given acetic acid tsaka benzoic
acid. Given Ka. Ano daw irerelease mo para wala daw
masyado effect. Aba bes ewan. Yun lang ung given.
29.) May pumunta daw na taga Japan tas bngay ung number of
people na nsa lugar tas given ung kg/capita day ng waste.
Ilan daw yung bahay na dapat maconstruct para magamit ung
methane gas. Given naman ung kJ/year na ginagamit nung
mga bahay. So ang sagot namin ay 7. Pero solve nyo pdn.
Nasa Mackenzie to. Sa Solid Waste na part.
30.) Meron dn given din ung per capita day ng waste tsaka
volumetric flow rate. Ano daw ung area. Magdimensional
analysis ka. Ang makukuha mo 76000 m2 pero nasa choices
78 hectares so ito na sagot!!!
31.) Meron pa isa hnahanap ung years given ung hectare tsaka
compacted waste ratio. Ano daw yung year. Nakukuha ko
ditto 14.5 years ang nasa choices pinakamalapit 16 so yun
na snagot ko. Di ako sure dito guys.
32.) Ano daw yung may same mass ni proton? Neutron sagot (jusq
bes dapat alam mo na to ha )
33.) Ano daw pang protect sa Beta emission. Sagot 0.25 cm of
aluminum. Kapag Gamma radiation. Lead ung isagot niyo 
34.) Ano daw ung nakakaeffect sa equilibrium constant. Ang
nasa choices, MAY SOMETHING ABOUT GIBBS, TAS KAPAG DAW
NAGINCREASE TEMP, TAS LE CHATELIER PRINCIPLE IS APPLIED.
Tas merong ALL OF THESE. Kayo na bahala. Di ako sure sa
sagot ko dito na ALL OF THESE tama kasi ung increase temp
e tsaka le chatelier kaso ung about gibbs mali talaga sya
so nagduda ako. Hayst.
35.) Ano daw ung optimum ratio ni N2 kay H2 for ammonia
production ang choices ay 1:6, 1:3, none of these, both
1:6 and 1:3. May given na Kp tas partial pressures nila.
So ayun di namin alam. 
36.) Ano daw yung gagamitin mo na solution pra makapagproduce
ng alcohol. Kitang kita naman sa choices ang sagot. H2O
and H2SO4.
37.) May given na dalawang statement. Yung isa negative log
daw ba ni pka si ka. Yung pangalawa the lower the pkA the
stronger the acid. Sagot ay No at Yes.
38.) May BOD na tanong don. Ano daw ung oxygen deficit kapag
35 miles na. May given na deficit originally tsaka 10
miles na deficit dn. So ayun nganga.
39.) May Benzene dun na solvent siya ano daw ung white
phosphorus. Bale masosolve mo molecular weight gmt ung
delta Tf = Kfm. So Kf ni benzene ay 5.12 ang Kb ay 2.37.
Kabisaduhin niyo nasa MRII.  So ayun ang sagot ay P4
40.) May isa pa hnahanap empirical formula lang. Easy! SnO2.
41.) Yung given ung Sb tas ung totoong weight nya. Tas bngay
dn ung nameasure nung student. Tas nagtitrate daw using
iodine. Ang nacompute ng student ay 70%. Ang actual ay
70.32% ano daw ung error ng student. (So di ko alam
isolve. Wala sa choices nakukuha ko)
42.) May given na 2 volts daw yung napoproduce ng reaction.
Ano daw ung gagawin mo para makaproduce ng 12 volts. So
ang sagot naming 6 na 2 volts in series 
43.) Given ung volts dn tas may mass tas time. Ano daw ung Kwh
na magagamit. Aluminum ung bngay so solve nyo I ung m =
ZIt. So ung electrons ay 3 ha tas time interms of
seconds. So ayun solve nyo na ung current then gamit ng
P= IV. Ayan na makukuha nyo na.
44.) May isa dun tanong hardness in terms of CaCO3 given ung
Ca+2 tsaka Mg+2. Walang sagot sa choices  Madali lang
sana  44 mg/L ung Ca+2, 10 mg/L ung Mg+2. Ang nasa
choices 54, 88, 188 tsaka 200+.
45.) Yung given ung grams ni oxalic acid. Diprotic daw sya ano
daw ung Molarity. Mol/L lang bes. 3 POINT SOMETHING
SAGOT. Letter D un tanda ko HAHAHAHA!
46.) May anachem pa na tanong tapos ano daw ung pH. Titration
to. H2SO4. Ang nasa choices 3 point something, 2 point
something ung isa. So ang ginawa ko dito ung H30+ na
makukuha tinimes ko pa sa 2. Tas un ung inegative log nyo
ayan may makukuha kayo 2 point something medyo malapit sa
isang nasa choices. So yun sinagot ko.
47.) Sa buffer ang ginagamit daw ay weak acid at conjugate
base. Pwede daw ba na weak base at conjugate acid niya.
So ang sagot OO! PWEDENG PWEDE! HAHAHA
48.) May given barbituric acid. Ano daw ung initial
concentration nya pag di sya nagdissociate. Ang pKa na
given ay 5. Tas ung concentration daw ni water tsaka nung
barbituric ion ay 0.0031M. so ayun kayo na bahala wala sa
choices ung sagot 
49.) May titration KOH at HCl. Molarity HCl times Volume niya
= molarity KOH times volume nya. Ganito lng yun. EZ!!!
HAHAHA
50.) May given dn HF tsaka isa pang acid. Sino daw yung mas
strong acid sa kanila.
51.) Ano daw yung ratio ng mass ni sun kay earth. O Kayo na
bahala dyan. Mali choices dito.
52.) May problem about lagoon na kinetics. Ano daw yung K?
easy lang to, k = 0.34/day
53.) Ano daw yung grams ng CO2 na kailangan. Given yung Henrys
Constant. Partial Pressure ni CO2, tsaka liters nung
solution. Dimensional analysis lng guys  3 grams ata
sagot.
54.) Ano daw yung tawag dun sa material nagcacause ng change
ng color? INDICATOR
ADVICES 101 FOR DAY 1: (BASED ON EXPERIENCE)
1. WALA SA MGA INARAL NIYO YUNG LALABAS. MANIWALA KAYO. TOTOO
YUNG DAY 1 PALANG MALULUGMOK KANA PERO WAG KA MAG-ALALA
LAHAT KAYO GANUN NARARAMDAMAN 
2. DAPAT MADISKARTE KA. HINDI PORKET WALA SA CHOICES. HUHULAAN
MO NA AGAD. LEARN HOW TO USE THE CHOICES. MAGCANCEL KA IF
POSSIBLE YUNG TNGIN MO NA SOBRANG MALI. TAS MAMILI KA DON
PERO DAPAT YUNG FINAL NA SAGOT MO TINGIN MO MALAKI CHANCE
NA YUN UNG TAMA 
3. DON KA NA MAGSOLVE SA TESTPAPER MISMO SA TABI NG NUMBER.
BABUYIN MO KUNG GUSTO MO MAHIRAP KSI PAG SA LIKOD PA. HAHA
4. SAMIN, BALE NAGFOCUS SA ENVI, NUCLEAR, ANACHEM (MEDYO),
YUNG CONCEPT NMN MEDYO BNAGO KSI NAGLAGAY NG ALL OF THESE
AT NONE OF THESE. SAMIN DAW NAGSTART YUN 
5. MARAMING TYPO HA. EXPECT NIYO NA. YUNG BRANCHES SA ORGCHEM
KUNG SAN SAN NAKASABIT. KAYA DAPAT MARUNONG KAYO MAGDRAWING
NG STRUCTURE HA.
6. GAMITIN NIYO YUNG CHAPTER 2. BAKA NANDUN UNG HNAHANAP NA
COMPOUND LANG SAYANG KASI!! TSAKA CONVERSION HA. SAYANG KSI
1 POINT DN YUN GUYS. 
7. KAPAG HNDI NIYO ALAM YUNG PROBLEM TULAD KO, IKUT IKUTIN
NIYO YUNG GIVEN IMULTIPLY NYO BASTA DIMENSIONALLY
CONSISTENT DPAT MAGUGULAT KA NALANG MAY LALABAS NA SAGOT.
8. SA BAWAT PAGHULA NIYO, DASALAN NIYO HA PAG SOBRANG HNDI
TLGA ALAM. NEED DIN NATIN GUIDANCE NI LORD EVERYTIME 
9. MAGINGAT SA PAGSHESHADE. ANG GAWIN NIYO MAGSAGOT MUNA KAYO
SA TESTPAPER TAS TSAKA NALANG KAYO MAGSHADE PAG MALAPIT NA
MAGTIME LIKE 30 MINS GANUN. 
DAY 2: CHEMICAL ENGINEERING PRINCIPLES
1.) Ano daw yung about combination ng silica at aluminum na
mapoproduce na magagamit sa mataas na temp. – KAOLINITE
(nasa material of construction)
2.) Ano daw dun sa mga choices ung about sa thermal radiation
detection (TRD). Ang choices ay mga optical pyrometer,
low filament chuchu, tas may dalawa pa. Di ko alam to.
Search niyo nalang.
3.) Meron din isa pang pdc, about sa ano daw ung gnagamit pra
daw makaiwas sa pagshut down ung planta. Ang choices ay
interlock, alarm, meron pang dalawa. Di ko na matandaan.
4.) Ano daw mangyayari pag nareach na nung particle ung
grinding limit? Choices ay dust explosion, changes shape,
walang change ng size, magiging powder daw.
5.) Ano daw yung tawag sa disturbance basta sa pdc sya. –
PERTURBATIONS
6.) Ano daw yung relation ni k kay temp. – k=koexp(-E/RT)
7.) Meron din isa pang equation dun, basta magcancel lang
kayo may lalabas na sagot sa choices.
8.) Ano daw yung reason kung bakit ginagamit ung log mean
radius kesa sa arithmetic mean? Ang choices ay yung isa
parallel daw, ung isa give correct heat flow for thick
materials, easy to use than arithmetic mean, limot ko na
ung isa – GIVE CORRECT HEAT FLOW FOR THICK MATERIALS
9.) May tao dun. Nagstate daw na yung design ay conversion ng
ill chuchu. Choices ay Chaddock, Polyal, Jones, tsaka may
isa pang Cha dn pangalan. Di ko alam sagot to.
10.) Ano daw yung local equilibrium? Ang choices ay explosion,
boiling steam, molten polymer, shock wave
11.) Alin daw sa choices ang nagdedefine ng fundamental
definition ng thermodynamics. – Either Carnot Cycle or
Zeroth Law lang sagot. Feel ko magCarnot Cycle kayo medyo
mas malapit sya.
12.) Ano daw yung nagdedescribe doon sa transformation ng
thermal energy to mechanical and other forms of thermal?
Ang choices ay walang nangyayari na change process, hindi
na babalik sa original state yung system, hndi pa
nacoconvert yung internal energy sa external energy, last
is any cyclic process.
13.) Ano daw ung difficulty ng C kung bakit hndi sya nagging
state function tas given na C = dQ/dT. Ang choices ay
because heat is energy in transit, change in temp cause
chuchu something. Hndi ko rin to alam guys 
14.) Ano daw ung tamang statement sa choices regarding
kinematic viscosity. – Rapid increase of kinematic
viscosity for GASES!
15.) Ano daw yung process na nagcoconvert sa H2 na
nagrerelease ng light hydrocarbon. – COAL GASIFICATION
16.) Ano daw yung Boudouard Reaction? – C + CO2 -> 2CO
17.) Ano daw yung ibig sabihin nung middle root sa cubic
equation – Insignificant
18.) Ano daw yung dinagdag sa ideal gas basta theorem daw. –
Principle of Corresponding State
19.) Ano daw yung walang physical meaning pa rin hanggang
ngayon na hndi namemeasure directly – INTERNAL ENERGY
20.) Ano daw yung ibang tawag sa Yamatake System – AZBIL
21.) Paano daw mamemeasure yung humidity sa polished disc –
Ang choices yung una kapag daw equal ung temp ni vapor
kay liquid, panglawa kapag nagcondense daw lahat ng
liquid, tas dalawa pa na di ko na matandaan.
22.) Ano daw yung hndi ginagamit doon sa flash distillation?
Una ay colloidal solution, high concentration, comparable
relative volatility. Di ko alam sagot
23.) Ano daw yung nagdedecrease yung viscosity with respect to
time – EZ NA TO! THIXOTROPIC
24.) Ano daw yung sa mga statement yung similar sa lahat ng
positive displacement pump – DISCHARGE RATE IS DIRECTLY
PROPORTIONAL TO ROTATION RATE
25.) Ano daw yung sa mga material yung magpoproduce ng dye –
Chromogen
26.) Ano daw sa mga Portland cement ung may tricalcium
silicate tsaka dicalcium silicate – Low Heat Portland
Cement
27.) Ano daw yung glass na hndi nababasag ata kappag ininit mo
ng cherry hot pepper tas binabad sa malamig na tubig –
Choices ay fused silica glass, tempered, laminated glass,
tsaka high silica glass.
28.) Ano daw dun ung gagawin mo para maimprove daw ung product
distribution kapag constant ung k1 at k2 tsaka kapag
variable ung k2/k1. Choices, itaas ung concentration,
dagdag ng catalyst, ibaba ang concentration, ichange ung
pressure. Di ko din alam to sorry!  - Pinakapossible
sagot siguro ay use of catalyst dito.
29.) Ano daw yung tawag kapag daw nasa final design kana tas
kinoconsider mo na yung internal constraint. Choices ay
possible, plausible, best, probable
30.) Ano daw yung ginagamit na programming sa pagkuha ng
optimum – choices ay linear programming, step-wise,
design chuchu na programming tas may isa pa.
31.) Ano daw yung tawag sa kapag cinompare mo ung measured
value sa set point – Shet sa wakas may madali! Haha
“error” ang sagot.
32.) Ano daw yung kinoconsider mo sa pagpili ng design ng
reactor. Una overall economics nung design, cost of
reactor, tas may dalawa pa di ko na tanda
33.) Ano daw yung tawag sa step by step sa cost analysis.
Choices ay profit and loss, factorial, step something
tsaka cost escalation – FACTORIAL
34.) Ano daw yung nagcacause ng high velocity kapag daw walang
heat. Q=0? – TURBULENT EDDIES
35.) Ano daw sa mga statement yung mali about molar density
tsaka molar volume? – Molar density and molar volume are
extensive property.
36.) Ano daw sa mga statement yung hindi totoo regarding sa
air na pinapasok sa dryer. Choices ay una ginagamit daw
pang vaporize ng water, pangalawa ichange daw yung temp
ni water sa air, pangatlo para maalis ung tubig sa solid,
pang-apat ay para machange yung temp ni solid. – Machange
yung temp ni solid. Wala tayo pakelam dun bes!

PROBLEMS:
1-3.) CHE CALCULATIONS: COMBUSTION
Given ng gas tas ang hinahanap ay: Una, moles ng O2 na
pumasok. Pangalawa, Percent CO2 sa flue gas include nyo water sa
pagtotal. Pangatlo, Total products or flue gas
4-6.) THERMODYNAMICS: HYDROGEN GAS PROBLEM (PAST BOARD PROBLEM)
Hydrogen gas P1=15 psia, T1= 80 degree F. Compressed at a
rate of 20 ft3/min in a hot environment until P2= 75.3 psig.
Heat is introduced at a rate of 20 BTU/min and the change in
entropy is 0.268 BTU/min-R.
T1= 540R, H1= 3660.9, U1=2588.5, Sp.Heat = 31.232
What is final T in R? Ans: 970 R
What is the work equivalent Hp if the system is non flow? Ans:
2.14 hp
Work if the system is steady flow in btu/min? Ans: -135
7-9.) HUMIDIFICATION
Nagbigay ng barometric pressure in terms of inches Hg (29.72 in
Hg), tsaka %RH = 90% T1 = 100 deg F. Kinompress daw sa 50 psig
na pressure and T2= 120 deg F.
Partial pressure of dry air at inlet? 28.02 in Hg
Partial pressure of dry air at outlet? 108.3 in Hg
Amount of original water that condensed? Wala sa choices pero
pag tinry mo na gawing amount lang ng initial water 87 sgot ang
nasa choices 876 so baka typo.
10-12.) MASS TRANSFER: WETTED WALL COLUMN
Ang haba ng problem na to eh given diameter at length nung
column. Given dn mass ng air na pumasok.
Ano daw ung pumasok na air in terms of lbmol/hr? Convert nyo lng
ung bngay. 0.4061 lbmol/hr
Ano daw ung area? pi(D)(L) lang gamitin dito. 1.056
Ano daw ung mass transfer coefficient sa gas phase in terms of
lbmol/hr-ft2-atm. Divide mo lang ung nakuha mo sa unang tanong
sa area tsaka sa pressure na given. Wala lalabas sa choices.
0.379 nakukuha ko pero may 0.479 sa choices so baka ayun yun.
13-15.) GAS ABSORPTION: AMMONIA PROBLEM
Problem siya sa Coulson. Sa Gas Abs. Nagincrease daw yung
pressure from 100 kPa to 200 kPa
Hinahanap ay ano daw yung partial pressure ni Air if 100 kPa ung
pressure? Mali tanong dito dapat ano ung Pbm yun yung hnahanap.
94.91 ata ang sagot.
Ano daw yung increase sa absorption if naging 200 kPa ung
pressure? Ans: Unchanged. Gamitan lang ng unicomponent diffusion
na formula.
Ano daw increase sa absorption kapag yung partial ay 5 kPa? Ans:
48%
16-18.) FLUID FLOW: NOZZLE
Nasa coulson din problem. Problem 2.1 sa Volume 3 ata.
Ang tanong ano daw yung specific volume? 0.016 ata
Ano daw yung flow rate? 6.02 kg/s
Ano daw yung work? -840.
19-21.) CHE CALCULATIONS 1: CODVSS PROBLEM
An anaerobic reactor, operated at 35 deg C., treats wastewater
with a flow of 5,000 m3/day and a biological soluble COD
concentration of 3,000 g/m3. At 95% COD removal and a biomass
synthesis yield of 0.04 g VSS/COD used, 65% of biogas is
methane.
Given: 1.42 g COD/g VSS
64 g COD/ mole CH4

What is the amount of CODVSS in feed?


5,000 m3/day (3,000 g/m3)(0.95)(1.42)(0.04)(1/1000) = 809.4 kg/d
What is the amount of COD converted into methane?
5,000(3,000)-0.05(5,000)(3,000)-809.4(1000) = 13,440,600 g/day
(Wala to sa choices, 13,400.60 lang so ayun isasagot niyo)
What is the amount of biogas produced in m3/day.
13,440,600 g/day (1/1000)(1 kg mole CH4/64 kg
COD)(1/0.65)(25.27/1 kgmole)
= 8,164.52 m3/day (Wala to sa choices ang sinagot ko dito ay
7218 m3/day kasi pag ginamit mo yung 13,400,600 imbes na
13440600 tas if 22.4 ung ginamit mo na pangconvert ang lalabas
ay 7215.71 sobrang lapit kaya feel ko ganun yung nangyari)
**USING STP: 1 kgmole = 22.4 m3 @ 273.15
22.4/273.15 = V2/273.15+35
V2 = 25.27 m3
22-24.) FLUID FLOW: PUMP PROBLEM (MCCABE AND SMITH EXAMPLE 4.4 –
PAST BOARD)
A pump draws a solution of specific gravity 1.84 from a storage
tank through a 3-in (75 mm) Schedule 40 steel pipe. The
efficiency of the pump is 60%. The velocity in the suction line
is 3 ft/s. The pump discharges through a 2-in Schedule 40 pipe
to an overhead tank. The end of the discharge pipe is 50ft above
the level of the solution in the feed tank. Friction losses in
the entire piping system are 10 ft-lbf/lbm.
What is velocity at the outlet?
Use continuity equation dito. 6.61 ft/s
What is the pressure developed in the pump?
Sagot dito ay 47.9 psi. Wala sa choices 48.5 na pinakamalapit.
Work ideal of the pump?
Sagot ay 60.68 (di na need idivide sa 0.6 kasi ideal hinahanap)
25-27.) CHE CALCULATIONS: AMMONIA PROBLEM
The synthesis of Ammonia proceeds according to the following
reaction. N2+3H2 -> 2NH3. In a given plant 4202 lb of nitrogen
and 1046 lb of hydrogen are fed to the synthesis reactor per
hour. Production of pure ammonia from this reactor is 3060 lb
per hour. If nitrogen is the limiting reactant,
How much H2 is in excess? Simple che cal lang to guys basta
nakamoles sagot
Moles of N2 na nagreact lang? Gamitin ung 3060 na naproduce tas
kunin si N2.
Yung isa di ko sure kung degree of completion ba basta madali
lang din siya 
28-30.) HEAT TRANSFER: RUBBER PROBLEM (UNSTEADY STATE)
Hindi ko tanda tanong dito at hindi ko rin mahanap pero ang
sabi. May rubber daw na napapaligiran ng dalawang plate na 280
deg F. Ung temperature. Yung rubber initially 70 deg F daw yung
temperature. Nagbigay ng Fourier number, thermal conductivity at
thermal diffusivity. Ang tanong
Ano daw yung time para maging 270 deg F yung middle nung rubber?
Ano daw yung temp ng rubber kapag 0.25 ft nalang yung lapit nya
sa dalawang plate?
Ano daw yung time para maging 270 deg F yung buong rubber?
**ANALYZE niyo guys ginawa ko dito, syempre sa unang tanong mas
mababa dpt ung time kesa sa pangatlong tanong so kinancel ko na
yung mga di posibleng sagot. Basta dpt mas mataas yung sa
pangatlo na sagot. Sa pangalawang tanong may choices dn dun na
247, 247.4, 270.4, 274. Sinagot ko 274 ksi imposible ung 247 at
247.4 di pwede bumaba. Yung 270.4 masyado nmn atang anliit ng
increase sa temp nun. Kaya ayun haha
31-33.) FLUID FLOW: PITOT TUBE PROBLEM
Dito ang given ay diameter at velocity. Water ung fluid.
Ang hinahanap ano raw Reynolds Number. So madali lang to nasa
80K ata sagot dito.
Ano daw yung maximum velocity? Bale pag nakuha mo na ung
Reynolds gamit ka graph sa perry yung may relation ng reynold
max at reynold lang. Gamitin mo ung sa reynold lang then hanapin
mo ung V/Vmax na ratio. Tas ayun makukuha mo na Vmax ksi may
given naman na velocity initially yun ung average velocity.
Ano daw yung Manometer reading? Bale dito gagamitin mo yung
formula na square root of 2gc(Delta h) = Vmax. 101.3 mm Hg ata
sagot
Makukuha mo yung delta H tas pag nakuha mo na equal yung delta H
sa Hm(pm/p-1)g.
Hm = manometer reading, pm = density ng manometer fluid, p =
density ng fluid which is water) g = acceleration due to
gravity.
34-36.) FLUID FLOW: ORIFICE PROBLEM
Dito naman ang hnahanap dito ay volumetric flowrate, yung V2
tsaka yung height yung delta H. Ganun din approach pero ito mas
madali direct na makukuha mo agad.
37-39.) CHE CALCULATIONS: BISULFITE PROBLEM
Your plant has a furnace that uses a fuel that contains sulphur
and negligible amount of nitrogen. A scrubber with 90% sulphur
reductance was installed. The water scrubber was treated with
caustic soda producing bisulphate (bisulphate talaga nakalagay
imbis na bisulfite)
What is the amount of sulphur in the feed if 980 kg of bisulfite
was produced? 301.5
How much caustic soda was used? 376.6
How much SO2 was produced? 67
40-42.) THERMODYANAMICS: N-BUTANE PROBLEM
Basta guys nasa thermo ito, hinahanap dito ano daw yung molar
volume kapag ideal gas, pitzer correlation, tsaka virial
coefficient ginamit. (!669.1, 1480, 1489) ayan ata ang sagot
43-45.) THERMODYNAMICS: COMPRESSOR PROBLEM
Air yung fluid. Given P1,P2,T1 AT RATIO NG SPECIFIC HEAT
icocompute mo pa 1.3966 ata makukuha mo gamitin mo yan wag 1.4
kasi dikit dikit tlga yung value sa choices
Ito hindi ko mahanap yung tanong pero madali lang hinahanap dito
ay kung ano daw yung Temperature 2. Gagamit ka lang dito ng
T1P1^(1-GAMMA/GAMMA) = T2P2(1-GAMMA/GAMMA) makukuha mo na si T2.
Pangalawang tanong ano daw yung work? Dito ginamit ko ay W =
R(T2-T1)/(GAMMA-1). Wala sa choices. Ilang beses ko inulit wala
tlga. So tinry ko using isothermal na work ng compressor. Yung
RT1(GAMMA)/(GAMMA-1)[(P2/P1)^(GAMMA-1/GAMMA) – 1] AYON MAY
LUMBAS NA SAGOT. (PAANO MO IISIPIN ISOTHERMAL TO EH NAGCHANGE
NGA ANG TEMP. DAPAT TALAGA MAUTAK KA SA GANITONG PROBLEMS)
PANGATLONG TANONG ANO DAW YUNG POWER. CONVERT CONVERT LANG nung
nakuha mo sa pangalawang tanong.
46-48.) and 49-51.) THERMODYNAMICS: HYDROGEN AND OXYGEN MEMBRANE
(ITUTURO TO NI SIR DELFIN DON’T WORRY  BINGAY NIYA TO SAMIN
KAYA EZ NA)
Oo guys naulit yung tanong kaya sure 6 pts. Madali lang to
entropy problem lng. Hinahanap ano daw yung entropy ng each gas.
Gamit ka lang ng nRln(P1/P2) makukuha mo na.
Yung pangalawang tanong total entropy daw? Dito 5 point
something sagot
Tas yung pangatlo ano daw molecular weight nung gas after masira
ung membrane. Tanda ko 68 sagot
52-54.) HEAT TRANSFER: HEAT EXCHANGER PROBLEM
NASA BANDANG DULO SIYA MADALI LANG to.
Unang tanong ano daw yung Q ng water.
Given naman yung T1 at T2 ni water so ncpdT lang makukuha mo na
Q. 1245 KW ata sagot.
Pangalawa ano raw yung overall heat transfer coefficient. Given
yung ho ng water. Given yung hi ng fluid tas given din yung hi
in terms of outside diameter. Wala ka na pakelam sa hi na given
dun ka sa nakain terms of outside diameter
U= 1/(1/ho+!/hi(na nakainterms of outside diameter))
Pangatlo total length ng tubes daw na gagamitin. Makukuha mo si
U diba tas may Q kana. So Q = UA(Delta T log mean) makukuha mo
si area bale. Tas equate mo yun sa pi(D)(L) makukuha mo na si L

55-57.) given yung electricity na naka per kWh. Tas yung isa din
naka per therm.
Ang tinatanong ano daw yung basis na megajoules? 3.6 daw sagot.
Conversion lang daw to ng kWh to MJ.
Ano daw cost ng electricity per MJ. Convert niyo lang to.
0.28/MJ
Ano daw yung cost ng isa pa nakaper therm un e. Convert niyo lng
dn. 0.14/MJ
58-60.) THERMODYNAMICS: TURBINE PROBLEM
Di ko matandaan tanong dito. Akala mo sa una gagamit kapa ditto
ng steam table. Hindi na. Magreverse engineering ka nalang.
Hinahanap dito velocity head, potential head tsaka yung specific
enthalpy change (Kj/kg) basta overall energy balance ka lang.
Yung velocity head at potential head direkta mo makukuha e. Yung
enthalpy change gagamit ka overall energy. Wala ka makukuha na
sagot sa choices yung given ksi na heat loss ay 100,000 kcal/hr
pag ginawa mo na 10,000 lang may lalabas. -650 Kj/kg
61.) ION EXCHANGE: COULSON PROBLEM
NASA ION EXCHANGE NA PROBLEM TO SA COULSON, ANG HINIHINGI LNG
ANO DAW YUNG CONC NI HNO3. ANS: 20% (TANDAAN NIYO NALANG)
62.) MEMBRANE SEPARATION: (MCCABE AND SMITH)
Hinihingi ditto ano raw yung concentration polarization. ANS:
0.068 (Tandaan niyo nalang din to)
** MAY KASUNOD TO NA PROBLEM SA MCCABE HINHINGI UNG PRESSURE TAS
KAPAG DAW HALF NALANG YUNG LENGTH ANO DAW UNG PRESSURE, DI KASI
HININGI SA BOARD EXAM NAMIN TO PERO IF EVER SA INYO. 5.03 atm
yung isang pressure tas kapag nging half ung length. Divide nyo
lang sa 4 yung 5.03, 1.26 atm approximately ata**
63.) FILTRATION: DUAL MEDIA FILTER
Given ka ng size ng sand tas specific gravity ni sand at ni
anthracite. Ano raw yung size ni anthracite. As in ganun lng
yung tanong hndi ko alam gagawin. Hahaha ginawa ko ditto gumamit
ako terminal velocity kahit alam ko na mali na using stokes law
tas kinuha ko terminal velocity ni sand. Tas inequate ko yun kay
anthracite para makuha yung dp. 0.844 nakukuha ko. May 0.87 sa
choices kaya yun sinagot ko.

ADVICES 101 FOR DAY 2: (BASED ON EXPERIENCE)


1.) Guys, seryoso to. MINSAN TIGNAN NIYO YUNG PATTERN!! KASI
IN MY CASE, SA CONCEPT. NAPAPANSIN KO NA KAPAG NAGSASAGOT
AKO KUNWARI NASAGUTAN KO UNG NUMBER 2 AT 4 PAREHAS LETTER
B NAKUHA KO. TAS DI KO ALAM SI 3, SINASAGOT KO DIN LETTER
B. GANUN GAWIN NIYO. KASI MAHILIG SA GANUN UNG BOARD
EXAMINER. DAY 1-DAY 3 GANUN GINAWA NILA. TAS NUNG
PAGKAUWI KO CHINECK KO YUNG MGA CONCEPT NA HINULAAN KO SA
DAY 2. AS IN TAMA TALAGA SO MAY PATTERN DIN TALAGA
MINSAN. PERO IDOUBLE CHECK NIYO DIN HA KUNG VALID BA YUNG
SAGOT NIYO NA UN KSI KUNG MALI TLGA SA PANINGIN NIYO ABA
WAG NIYO ISAGOT.
2.) HANAP LANG SA PERRY HANGGANG KAYA. MERON TANONG SAMIN ANO
RAW YUNG BOUDOUARD REACTION NANGHULA NA KO SANA PERO
NAKITA KO BIGLA SA MAY FUELS NA PART SA HANDBOOK TAGONG
TAGO SYA NASA TABLE. KAYA HANGGAT KAYA MAGHANAP HA!
3.) IF ALAM NIYO NA SAGOT SA PROBLEM KASI NASAGUTAN NIYO NA
NUNG NAGREREVIEW KAYO, WAG NIYO NA ISOLVE ULIT KUNG SURE
NA SURE KAYO NA YUN UNG SAGOT. ISAGOT NIYO NA AGAD.
TANDAAN TIME KALABAN NIYO GUYS KAYA DPAT MAUTAK KAYO.
4.) WAG KAKABAHAN, KUNG SA TINGIN MO ANDAMI MONG DI NASAGUTAN
BALIKAN MO LANG NG BALIKAN WAG KA PAPAAPEKTO. GANYAN DIN
AKO. BINIBILANG KO NGA YUNG AKIN E PERO SINASABI KO SA
INYO WAG NA MADADOWN LANG KAYO. SAGOT LANG NG SAGOT
HANGGANG KAYA.
5.) PWEDE MAGRELO HA. PARA MACHECK NIYO YUNG TIME
6.) IN OUR CASE MAS NADALIAN AKO SA PROBLEM KESA CONCEPTS,
PERO DPT PAG-ISIPAN TALAGA GUYS. TANDAAN SA TAGAL NG
REVIEW MO WAG MO BASTA HULAAN. NEED MO PUMASA YUN ANG
ISIPIN MO.
DAY 3: GENERAL ENGINEERING, ETHICS AND CONTRACT

1.) Ano daw yung tawag sa employment na inoobserve ka pa for


a period of time para mamake sure na suitable ka sa
position. Jusko bes easy to sa inyo, PROBATIONARY
EMPLOYMENT
2.) Ano daw yung clay mineral na ginagamit sa ceramics –
KAOLINITE
3.) Ano daw yung ceramics ata sa choices- REFRACTORY
4.) Ano daw yung tawag doon sa theorem about standard
deviation. – CHEBYSHEV’S THEOREM
5.) Ano daw sa mga rosette yung may angle na 0,60, 120. So
ayun bes nganga. Di ko alam sagot. Search nyo nalang
6.) Theorem sa calculus na about daw sa definite integral –
FIRST THEOREM OF CALCULUS. (Take note walang third at
fourth theorem ha. First at Second lang meron so don lang
kayo mamili hahaha)
7.) Ano daw yung stress na kapag equal ung magnitude in all
direction. From the definition itself, malalaman mo na. –
ISOTROPIC STRESS.
8.) Ano daw yung tawag dun sa right nung author na kung saan
yung idea yung pinoprotektahan hindi yung mismong gumawa.
– COPYRIGHT
9.) Meron din dun about envi about sa water guidelines yun
bsta mahaba – DAO-2016-08
10.) May ethics dun about sa chem engg ano daw yung dapat mong
di gawin. May isa dun na hndi siya karapat dapat gawin so
yun na ang sagot.
11.) Halflife: Makukuha mo yung k tas ilan daw ung time na
kapag 10 grams nalang matitira. Easy na to sa inyo.
12.) Ano daw yung property ng rigid body na kung saan
magpoproduce ng torque na nakabase sa mass tas manghuhula
ka daw ng axis. Medyo nakakalito to. Ang choices,
centroid, center of gravity, moment of inertia. So ang
sagot moment of inertia.
13.) Yung sa earth hnahanap ung speed ng pagikot. Elliptical
daw ung earth given ung a at b ng ellipse. Tas 365 days
daw. Ano daw ung speed in terms of km/hr. gamit lng kayo
ng perimeter ni ellipse. 2 pi square root of (a^2+b^2/2).
Ayun divide niyo lang ung perimeter ss 365 tas convert
nyo na sa km/hr.
14.) MDB: Aluminum (problem sya sa mathalino bsta hnahanap ung
force sa first part, combination ng first at second tas
ung total elongation) (3 questions)
15.) MDB: Cantilever beam. Nasa chapter 7 ng mathalino to.
Hnahanap ung elongation, ung increase in stress kapag
nagdrop daw ng 90 degree Fahrenheit tas ung load. (3
questions)
16.) MDB: Wheel na may radius na 10 tas block na 5 in. Ano daw
ung horizontal force P (1732 sagot) ta sung Reaction ng
block (2000). Tas ano daw force P horizontal kapag 4 in
lang yung block (1333 ung sagot) – Nasa Mathalino din to
(3 questions)
17.) Ano daw yung stress nanagcacause ng bending? –FLEXURAL
STRESS
18.) Conical tank. Ano daw yung dh/dt. Use diff calc. Maraming
ganito kaya focus kayo dito pag nagaral.
19.) Ano daw yung integral ng sec^2u du. Easy breezy, tan u +C
20.) May trough dn na trapezoidal. Ano daw ung dh/dt, tas
paano daw kapag ganito ung height ano daw ung dh/dt ulit.
Madali lang to guys calculus lang 
21.) Statistics tatlong given. May tremor magnitude ng
earthquake na table tsaka yung number of killed people
ayun bale ang gagawin lang. Mag A+BX na stat. tas lagay
nyo sa X si tremor tas Y si killed. Tas kunin nyo ung r.
yun na ung correlation coefficient. Yung R^2 un ung sagot
sa pangalawa. About correlation din sya nagexplain about
variance. Pangatlo, ano daw ung sample variance ni
tremor. Wala sa choices. 0.133 ung nakukuha namin pero
ang nasa choices 0.2 something at 0.3 pero kapag kinuha
nyo ln gung standard deviation 0.364 sgot. May 0.36 sa
choices baka yun un.
22.) May tanong about acceleration, Nagbgay ng velocity at 10th
seconds, tas at 12th seconds. Ano daw yung acceleration.
VF-VI/t. Tas ano daw ung distance na nacover. Tas yung
isa what if daw kapag may pinalitan sa given, ano daw
yung bagong ek-ek. Di ko na matandaan. Basta madali lang
din.
23.) May dalawang ball na ung isa daw sa inclined sya tas ung
isa free fall. Ano daw initial velocity nung nasa
inclined. Answer ay 0 m/s. Ano daw ung distance nila sa
baba. Pythagorean lang. square root of 20^2-12^2 = 16
sagot. Tas ano daw yung time na nacover. Gamitin niyo
nalang yung kay B na ball pra mas madali. 1/2at^2.
24.) Yung may dalawang equation ni circle. Yung isa hnahanap
lang radius nung isa, yung pangalawa center nung isa.
Yung pangatlo length ng common chord. Answer dito ay 2
square root 3.
25.) May given na mahaba may initial sya na capital tas may
binili sya na equipment tas madami pang transaction. Ang
tinatanong accounts payable, receivable at tsaka total
cash available. Ung payable 2M ung receivable 1M ung
total cash 27
26.) Yung Machine 1 at 2 tas may product A at B. Bngay yung
rate ni Machine 1 sa pagproduce ng A at B. Ganun din si
Machine 2. Ano daw sa mga choices ung magpoproduce ng
maximum profit, tas optimum units tsaka total profit na
naoptimize. (goodluck medyo madugo to nakakalito basta
pagisipan niyo mabuti)
27.) Yung solution na may given na initial volume ni stock
solution ni 10% HCL (6 gal) ung 30% ay (4 gal). Yung
unang tanong ano daw yung volume ng 10% pra makagawa ng
15% na 10L. tas ung panagalawa ano naman daw kay 30%.
Pangatlo ano daw ung maximum volume na mabubuo.
28.) May tatlong refractive index dun. Ano daw yung speed ng
light. Sa diamond, sa tubig, tsaka isa pang material.
Easy lang to guys. n = c/v
29.) May dalawang tanong about kq1q2/r2. Direct lang naman
kayang kaya. k = 9x10^9 ang value non.
30.) Yung may given na spring. Ano daw yung amplitude of
vibration, ung k ng spring tsaka period. Madali ung k at
period pero ung amplitude. Ewan hahaha
31.) Ano daw yung length at width na magbgay ng maximum area.
L = W = 37.5 ang sagot?
32.) Study ng light? Optics ang sagot
33.) Given ung weight tas ung variable mass nung tali na
nakabase sa length. 3 yun na linked problems bsta ganun.
Hnahanap yung work.
34.) Torsion: FORMULA IS THE KEY. Hnahanap ung Maximum stress,
Deformation, Pag iniba ung number of turns ano na ung
deformation
35.) Ano daw yung study ng mechanics na about sa at rest?
EZ!!! STATICS ANG SAGOT.
36.) Yung nagbake ng caramel bar tsaka ng brownies. Tas 3
trays each daw ung binake. 15 pesos daw ung per bar. 24
pcs daw per tray. Bngay yung cost per tray ng caramel at
brownies. Ano daw yung pcs na ibebenta pra daw magbreak
even if yung caramel na nabake ay 6 trays.
37.) Tatlong Eng eco dn na madali lang simple, compound, tsaka
kapag iniba yung year.
38.) May probability pa tatlo dn un. Madali lang given pcs ng
chocolate at ice cream.
39.) Ano daw sa mga material yung ginagamit madalas sa
pagcoconstruct – EZ TO! STEEL 
40.) Ano daw yung tawag sa lines sa hyperbola na nagiintersect
sa center - ASYMPTOTE
ADVICES 101 FOR DAY 3: (BASED ON EXPERIENCE)
1.) Mag-ingat sa computation dahan dahan lang sa pagsosolve.
Wag madaliin.
2.) Matuto mag reverse engineering. Mabubuhay ka tlga dito
ksi halos lahat linked problems.
3.) Kung ako sa inyo itodo niyo nlng aral niyo sa mechanics,
ksi dun ung mahihirap tlga. Yung math kasi answerable
tska ung physics basic lng. Magkabisa lang ng formula.
4.) DASAL DASAL DIN PAG NAGHULA HA. LABAN LANG. PAMBAWI ANG
MATH SAMIN. KASI PINATAY KAMI NUNG DAY 1 AT DAY 2 EH.

You might also like