You are on page 1of 18

Banghay-Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10

4As

I. Layunin
a. Natutukoy ang mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos at sa kasagraduhan ng buhay na ginagawa ng ibang
mga tao sa iyong pamayanan.
b. Nasusuri ang mga sitwasyon tungkol sa mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos at kasagraduhan ng buhay.
c. Nakakabuo ng repleksiyon mula sa aralin

II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Mga Isyung Moral Tungkol sa Buhay
Code: EsP10PBIIIc-10.1

B. Petsa at Oras: November 22, 2019/10:45-11:45


C. Sanggunian: ESP10 LM pp. 258-262 , bidyu mula sa internet

D. Kagamitan: TV,PPT,cartolina, manila papers, pentel pens,laptop,Larawan,


Graphic Organizers,Speaker,Box

III. Pamaraan/Proseso ng Pagtuturo

A. Panimulang Gawain

• Panalangin

• Pagtukoy sa Liban

• Pagpapangkat-pangkat

B.Pagbabalik-aral

 Ano ang leksyon na ating tinalakay natin noong nakaraang sesyon?


 Mayroon pa ba kayong mga katanungan?
 Handa naba kayo sa ating leksyon ngayon?

C. Pagganyak

• Paglalaro ng “4 PICS 1Word”

• Pagsusuri at pagtukoy sa mga larawan ukol sa iba’t-ibang isyung moral tungkol sa buhay.

• Mga Tanong:

1. Anu-anong isyu sa buhay ang nakita mo sa mga larawan?

2. Alin sa mga isyung ito ang madalas mong nababasa at naririnig na pinag-uusapan dito sa ating
pamayanan?Bakit?
GAWAIN/AKTIBIDAD

Unang Pangkat- ABORSIYON

ANO RAW?

Magbigay ng mga impormasyon tungkol sa aborsiyon gamit ang KNOCK2x Who’s there.

Ikalawang Pangkat- ALKOHOLISMO

FACT-WAL INTERBYU

Magsagawa ng isang interbyu tungkol sa mga taong nalululong sa alkohol dito sa ating pamayanan.

Ikatlong Pangkat – PAGGAMIT NG DROGA

Magpresenta ng isang maikling pagsasadula tungkol sa paggamit ng droga.Pagkatapos ay pumili ng


isang miyembro ng iyong pangkat upang ipaliwanag ito.

Ikaapat na Pangkat- PAGPAPATIWAKAL

MOVIE-SURI

Pagpapaliwanag sa mga sanhi/ dahilan ng pagpapatiwakal ng isang tao mula sa bidyung


ipinalabas.

Ikalimang Pangkat- EUTHANASIA

Radyong Pagbabalita

Magpalabas ng isang panradyong pagbabalita tungkol sa Euthanasia

Mga Pamantayan sa Pangkatang Gawain/Rubriks

Pamantayan Mahusay Katamtaman Kailangan pang magsanay


5 pts. 3 pts (2 pts)
Kawastuhan ng mga konsepto
Kaangkupan ng mga diyalogo
Linaw ng mensahe
Pagkamalikhain

PAGSUSURI/ANALISIS

 Presentasyon ng pangkatang gawain.

• Pagsusuri sa kinalabasan ng pangkatang -gawain

PAGHAHALAW/ABSTRAKSYON
 Pagpapaliwanag sa paksa gamit ang power point presentation
 Malayang talakayan/ Tanungan at Sagutan
1. Ano ang kahulugan ng isyu?
2. Paano naiiba ang buhay na ipinagkaloob sa tao kung ikukumpara sa buhay ng
ibang nilikha ng Diyos?
3. Paano nakaaapekto sa ating isip at kilos-loob ang paggamit ng ipinagbabawal na
gamot at alkoholismo?
4. May karapatan ba ang tao na maging Diyos ng sarili niyang buhay? Ipaliwanag
ang iyong sagot.
5. Bakit sagrado ang buhay ng tao?

PAGLALAPAT/APLIKASYON

Tara,Usap Tayo

Sagutin ang tanong.


Paano mo mapapanatili ang “kasagraduhan” ng buhay mo?

IV. Pagtataya

Pagbibigay ng marka mula sa kinalabasan ng pangkatang gawain.

V. Kasunduan

I-download at panoorin ang mga bidyung nakapaloob sa mga link na ito.

Unang Pangkat: Former drug addict shares life story, lessons


http://www.youtube.com/watch?v=z25TmQk_AeM
Ikalawang Pangkat:Pinay Alcoholics (Sandra Aguinaldo’s I-Witness Documentary)
http://www.youtube.com/watch?v=XoJLkFa76Y8
Ikatlong Pangkat: Abortion in the Philippines documentary (1 of 2): Agaw-Buhay (Fighting forLife)
http://www.youtube.com/watch?v=qUgZSBc_asc
Ikaapat na Pangkat: Philippines has most cases of depression: NGO
http://www.youtube.com/watch?v=AueZNzvMadE
Ikalimang Pangkat: Euthanasia: Life In The Hands Of Others
http://www.youtube.com/watch?v=ZEFRKYY_C7k

Inihanda ni:

JONALYN B. BALUCA
SST-I

Iniwasto ni:

ARIELJUN P. ROSAL
Head Teacher I
Anu-ano ang mga paraan upang maibsan ang pagbabago ng klima o climate change?
3. Paghahalaw (Abstraction)

-Pagpapaliwanag sa paksa gamit ang powerpoint presentation na sumasagot sa mga tanong na:

Ano ang klima o climate? Ano ang kaibahan nito sa panahon?

- Ang klima o climate ay pumapatungkol sa panahon o weather na karaniwang kondisyon sa isang lugar sa mas
mahaba-habang saklaw na panahon. Sa karaniwan ay tatlumpung taon (30) o mas matagal pa.

- Ang panahon o weather ay ang kasalukuyang kondisyon ng mga kaparehong element sa loob ng maikling
panahon –isang araw hanggang isang lingo.

Ano ang climate change?


- Ang pagbabago ng klima ay tumutukoy sa mga pangmatagalang pagbabago sa klima na nangyari sa mga
dekada, siglo o mas matagal. Ito ay sanhi ng mabilis na pagtaas ng mga greenhouse gasses (water vapor,
methane,carbon dioxide, nitrous oxide,ozone, fluorinated gasses) sa kapaligiran ng mundo lalong lalo na sa pagsunog
ng fossil fuel.

Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagbabago ng klima?

a. Natural na salik

 Plate tectonics- ang paggalaw ng mga tectonic platesna nagpapabago sa posisyon ng kalupaan at mga erya ng
katubigan na siyang nagreresulta sa topograpiya ng daigdig.

 Orbital at solar variations- pagbabago sa pag-ikot ng mundo na nakaaapekto sa layo at lapit nito sa araw.

 Volcanism- natural na proseso kung saan ang mga element mula sa crust o mantle ng mundo ay ibinubuga
palabas gaya ng pagputok ng mga bulkan.

b. Mga aktibidad na gawa ng tao (Anthropogenic factors)

 Polusyon sa hangin at katubigan mula sa ibinubugang usok ng mga industriya.

 Hindi tamang pagtapon ng mga basura.

 Kumbersyon ng mga kakahuyan para maging kaparangan at pastulan at ang paggamit ng slash and burn
technique nito o pagkakaingin.

 Polusyon sa kalupaan at katubigan dahil sa malawakang paggamit ng kemikal sa abono’t pestisidyo.

 Pagkawala ng topsoil at polusyon sa tubig na dulot ng pagmimina.

 Pagkasira ng natural o likas na panirahan dahil sa konstruksyon ng mga gusali at iba pang imprastruktura.

 Emisyon mula sa fossil fuel combustion o pagsusunog ng uling at langis ang siyang pinakagrabeng umaambag
sa pagtaas ng lebel ng CO² sa kalawakan.

Anu-ano ang mga epekto ng climate change?

 Kalamidad o natural disasters

 Implikasyon sa seguridad sa pagkain.

 Epekto sa suplay at kalidad ng tubig.

 Paglaganap ng mga sakit.

 Punlipunang dislokasyon

Anu-ano ang mga simpleng paraan na ating magagawa upang maibsan ang masamang epekto ng climate change?
 Magtanim ng mga puno at halaman.

 Magpalit ng bombilya . Gumamit ng tinatawag na compact flouresent light bulbs (CFLs)

 Magtipid sa paggamit ng koryente . Buksan ang mga bintana at hayaang makapasok ang natural na liwanag at
hangin sa tahanan . Iwasang gumamit ng aircon.

 Bunutin ang plug ng mga appliances kung hindi ginagamit.

 Magtipid sa paggamit ng tubig.

 Maging praktikal sa paggamit ng sasakyan. Maglakad kung kinakailangan.

 Huwag magsunog ng anumang basura.

4. Aplikasyon

Dugtungan ang pangungusap sa ibaba.

Maipapakita ko ang aking pagpapahalaga at pagmamahal sa kalikasan sa pamamagitan ng________________.

IV. Pagtataya

Paksa Maalwan Katamtaman MahirapKabuuan

Climate Change 6

3 1 10
1. Ito ang paglihis ng klima mula sa nakasanayang pattern ng klima na naitala daang taon na ang nakalipas .

a. global warming b. climate change c. greenhouse gasses

2. Alin sa mga sumusunod ang greenhouse gas?

a. water vapor b. methane c. ozone d. lahat

3. Tumutukoy sa pangkaraniwang kondisyon sa isang lugar sa mas mahaba-habang panahon na karaniwan ay


umaabot ng 30 taon o higit pa.

a. klima b. panahon c. temperature

4. Kasalukuyang kondisyon ng mga kaparehong element sa loob ng maikli-ikling panahon-isang araw hanggang
dalawang lingo.

a. panahon b. klima c. temperature

5. Kailan nagsimula ang kontribusyon ng tao sa climate change?

a. Industriyal Revolution b. Modernong panahon

c. Panahon ng pananakop

6. Ang pagtaas ng karaniwang temperatura ng mundo kayat nagdudulot ng pangkalahatang pag-iinit ng kalawakan , ng
kalupaan at karagatan.

a. climate change b. global warming c. sea level rise

7. Alin sumusunod ay mga epekto ng climate change?

a. pagkakaroon ng kalamidad o natural disasters

b. pagtaas ng tubig dagat dahil sa global warming.

c. pagkakaroon ng mga sakit

d. lahat ng nabanggit

8. Alin sa sumusunod ang pinatutungkulan ng global warming?


a. malakihan o ganap na pagbabago sa klima o panahon sa mga lugar sa daigdig.

b. di makalkula o paiba-ibang klima o panahon

c. matitinding mga kaganapang may kinalaman sa weather patterns sa iba’t-ibang panig ng daigdig.

d. Lahat ng nabanggit

9. Ano ang greenhouse gasses?

a. Bumubuo ng kalawakan ng daigdig

b. Sumasalo at kumukulong sa mga infrared radiation mula sa init ng araw.

c. Kinakailangan para mabuhay ang tao

d. lahat ng nabanggit

10. Mahalaga ba ang mga greenhouse gasses?

a. Oo.Dahil dito napapanatili na may buhay sa mundo.

b. Oo. Dahil gamit ito ng mga siyentipiko sa kanilang mga pag-aaral.

c. Hindi.Dahil ito ang dahilan ng global warming.

d. Hindi, dahil nakakamatay ang epekto nito.

V. Kasunduan

Magsaliksik ng mga programa ng pamahalaan sa iba’t-ibang panig ng mudo na sumusuporta para sa climate change.
.
-

You might also like